12- Assignment

320 42 3
                                    

MERLYN'S POV ♚


1 Week na ang nakalipas simula nung pinermahan ko yung kontrata.


Pinagkaguluhan nga ako ng mga tao nung pumunta ako sa Mall kasama sina Leslie at Clarice. Dahil di ko masyadong kilala yang si Lyn ay nagresearch ako about sa kanya. Nandito ako ngayon kasama ang mga Besties ko sa bahay ni Clarice. Since walang klase ngayon dahil Saturday.




Di kasi ako masyadong mahilig manuod ng T.V. kaya kaunti lang yung mga kilala kong artista.


Nalaman ko din na screen name lang pala yung LYN. Di din namin mahanap kung anong totoong pangalan ni Lyn.



"Dapat pala may Movie sila ni Alexander!" napahinto ako sa ginagawa ko ngayon at dali-daling lumapit sa kanilang dalawa.


"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko. Nacu-curious ako e.


"Nag-vacation daw siya pero walang nakaka-alam kung nasaan siya" sabi ni Clarice. Nagvacation lang pala! Pero bakit wala namang nakaka-alam kung nasaan siya?


"Di ko alam e. Walang nakasulat dito" sabi ni Clarice habang tinuturo ang screen ng laptop.

"Pero Grabe talaga! Magkamukha talaga kayo!" sabi ni Leslie. Ganun ba talaga? Magkamukha ba talaga kami?



"Oo nga! Pero yung kulay lang ng buhok ang magkaiba sa inyo!" sabi ni Clarice. Buhok lang yung magkaiba sa amin. Maitim yung sa akin yung sa kanya naman ay parang brownish yung color.



"Baka magkaiba yung attitude din namin!" sabi ko sa kanila. Baka naman masama yang si Lyn dahil mabait ako. Hahaha!



"Hmmmm. Ang nakalagay dito ay mabait siya, respectful, matalino and Many to Mention" Huhuhuhu! So ang ibig bang sabihin ni Clarice ay masama ako?



"So masama ako?" tanong ko habang naka-pout.




"Hindi ko nga sinabi na masama ka! Hahaha! Sinabi ko lang na mabait siya!" napangiti ako sa sinabi niya.


"So mabait ako?" tanong ko sa kanila.



"Pwede na din!" sabi ni Leslie at tumawa silang dalawa.




Magsasalita sana ako ng tumunog yung ringtone ko. Hay naku!

Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.



"Si Alexander ba yan?" tanong ni Leslie habang nakangiti ng nakakaloka, tumango naman ako.

Finding Mr. Prince (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon