Chapter 5: Pretending,

56 2 0
                                    

Chapter 5: Pretending,

Aaron's POV

pagkatapos naming kumain, napansin kong wala na sa loob sila kyle at suzy, kaya naisipan kong lumabas para hanapin sila,

pagkalabas na pagkalabas ko, nakita ko sila kyle at suzy, lalapitan ko sana si suzy nung mga oras na yun , pero .. wala akong lakas ng loob para lapitan sya, lalo pa't kayakap nya si kyle.

ang sakit pala noh. ang sakit pala na magpanggap na kaibigan ng taong mahal na mahal mo .

oo, totoo nga, crush na crush ko si suzy, simula pa nung high school palang kame, di nya ako kilala pero sya kilalang kilala ko, nakukuntento nalang ako sa patingin tingin,  di naman kase ako yung tipo ng tao na agad agad lalapit sa isang babae, natotorpe kase ako eh, wala rin naman kase akong lakas ng loob para lumapit sa kanya kase alam ko na di nya rin naman ako magugustuhan. sino ba namang babae ang magkakagusto sa baduy na lampa katulad ko,. definitely wala! 

may isang beses nga nung 4th year ako, binully ako nung mga kaklase ko, tapos si suzy yung nagatanggol saken, super saya ko nun,. yun yung unang araw na nakita ko sya ng malapitan, tapos nginitian nya pako nung araw na yun. simula nung araw na yun , pinangako ko na aayusin ko ang sarili ko para kahit papano ay mapansin nya ako, 

sinubukan kong magperform ng intermition nung may program sa school, ang saya ko nun kase ang daming babae ang sumigaw pag akyat ko sa stage, pero nadismaya ako nang malaman ko na di naman pala sya nanuod .

ilang buwan pa ang nakaraan at nauso ang Facebook, ang tanging daan upang mapalapit ako kay suzy, gustong gusto ko nang sabihin sa kanya na crush ko sya dati pa , pero ayokong lumayo na naman ulit sya saken , lalo pa ngayon at naging magkaibigan na kami, super saya ko nun , sobrang saya ,

pero hanggang kaibigan nalang ba? ... i need to make a move,!

dahil ayaw ko sa nakita ko, agad nalang akong pumasok sa dorm, umupo at nanuod ng tv.

maya maya pa ay pumasok na si suzy at si kyle,

"o andyan na pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap ah,." -ako- ayoko naman kaseng malaman nila na nasasaktan ako sa nakita ko kanina.,

"nagpahangin lang kami saglit sa labas" -suzy- na halatang malungkot,.

si kyle naman dumiretso lang sa harap ng computer,, maya maya pa ay may binigay syang papel kay suzy,

nagtataka ako kung ano yun. kaya tinanong ko nalang si suzy kung ano yung nakasulat sa papel na binigay ni kyle sa kanya.

"suzy ano yan? " -ako-

"ah etong papel?.,. wala to, assignment lang hehe "-sya- pero alam ko naman na nagkukunwari lang sya eh,.

"ahh ganun ba.," -ako- trying to pretend na okay lang ako pero deep inside hindi ako okay, hinding hindi ako okay.

"o sige Aaron alis nako ha, :)"-sya- at umalis na nga sya.

gustong gusto ko na talagang sabihin ang lahat ng feelings ko para sa kanya , pero paano ba? paano ko ba sisimulan?,

KINABUKASAN

 maaga akong gumising para ipagluto si Suzy, wala lang gusto ko lang syang ipagluto,  

"suzy, kain ka na , pinagluto ko na kayo ng breakfast" -ako-

"ikaw nagluto ng lahat ng yan?" -sya-

"oo :)" nakangiti kong sabi sa kanya .

"panigurado masarap yan! may trust naman ako sa mga luto mo Aaron eh :) the best chef ever ka kaya :) " -sya-(kinilig naman ako dun)

"salamat," tipid kong sagot, 

FACEBOOK LOVE STORY (nothing is impossible) writtenby:joymhaecambalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon