Chapter 1

3.3K 62 18
                                    

Nagising si Rianne sa ingay na nagmumula sa alarm clock niya.Ala-sais na ng umaga.Pagkadilat ng kanyang mga mata ay saka lang niya naalala ang nangyari kagabi.

Napaiyak siya.Hindi niya akalaing naibigay niya ang pagkababae niya sa lalaking hindi naman niya kilala.Pero wala na siyang magagawa nangyari na ang nangyari.May kasalanan din naman siya.Yun ay ang hindi pagpigil sa lalaki.

Pilit siyang tumayo para maligo.Pagkatayo niya ay nakita niya ang bahid ng dugo sa bedsheet ng kanyang higaan.Patunay na wala na talaga ang pinakaiingat-ingatan niya.

Wala na din ang lalaki.Sino ba namang rapist ang mamalagi pa sa bahay ng babaeng nirape niya?Takot lang niyang mapapulis pa siya.Pero alam naman niyang hindi niya magagawang ipapulis ang lalaking nanamantala sa kanya dahil kahit na noong una ay hindi niya nagustuhan ngunit sa huli ay bumigay na din siya.

Pinilit niyang makapasok sa banyo ng tinutuluyan niyang apartment kahit na masakit ang pagitan ng kanyang mga hita pati na din ang kanyang buong katawan.

Kailangan niyang magmadali para hindi siya mapagalitan ng boss niya.Wala pang bente minutos ay natapos na siya.Agad siyang nagbihis at lumabas na ng kanyang apartment.Pumara siya ng taxi para mas mabilis na makadating siya sa kumpanya nila.

"GoodMorning.",bati sa kanya ng security guard na si Mang Ben.

"GoodMorning din po.",nakangiti niyang tugon.

Mabilis siyang nagtungo sa elevator at pinindot ang 21st floor.

Pagkadating niya sa floor kung saan nandon ang opisina ng kanyang boss dali-dali niyang inilapag ang kanyang bag sa lamesa niya at mabilis na pumasok sa opisina ng boss niya.Kumatok muna siya para hindi siya masabihang walang galang.

"Come in.",malamig na sabi ng kanyang boss.Marahan niyang binuksan ang pintuan.

"GoodMorning sir."

"Your one minute late."

"I'm sorry sir."

Kahit alam niyang walang mangyayari maski na humingi siya ng paumanhin ay nagsorry pa rin siya.Ganyan ka strikto ang kanyang boss.Agad-agad syang umupo sa harap ng kanyang boss at tinitigan ito habang may kung anong kinakalikot ito sa cellphone.Isa siyang sekretarya sa kumpanyang ito at ang boss nya ay si Mr. Samuel Fajardo.

Lumabas siya ng opisina nito at tinungo ang kanyang lamesa sa labas.Agad niyang nilapag ang mga gamit nya rito tinimplahan ng kape ang boss nya. Nang matapos siyang makapagtimpla ay pumasok muli sya sa opisina nito at binigay ang kapeng tinimpla niya para dito.

Si Mr. Fajardo ay isa sa mga pinakasikat na businessman sa mga panahong iyon.Sa edad na 28 ay may-ari na ito ng isang kumpanya.Hindi lang ito mayaman gwapo rin ito.Kaya hindi maitatanggi na madaming mga empleyadong babae nito ang nagkakagusto rito.

Marami ng nagsasabi na maswerte raw si Rianne dahil siya ang sekretarya ng lalaking kinahuhumalingan ng mga kapwa niya empleyado. Ngunit hindi nila alam kung gaano kasungit ito.

Lumabas muli sya sa opisina nito at nagsimula na siyang magtrabaho.Inisa isa nya ang mga folders na nakalagay sa mesa niya at inayos ito alphabetically. Malapit na siyang matapos nang tawagin siya ng kanyang boss sa intercom at sinabing pumasok siya sa loob.

Dali-dali naman siyang pumasok at nakita niya ang boss niyang may kausap sa phone.

"Okay, salamat.",napatingin sa kaniya ang boss niya pagkababa ng phone nito.Hindi naman siya makatingin ng maayos dito dahil naiilang siya sa presensiya nito.

"Gusto ko lang sabihin sayo na pupunta tayo ng Boracay bukas.May imemeet akong foreign client doon at bilang isa kitang sekretarya ay kailangan mong sumama sa akin."

"Uhm sir anong oras po tayo allis bukas?", kailangan niyang umuwi ng maaga ngayon dahil biglaan ang pagpunta nila sa boracay bukas.

"Dapat 6 ng umaga ay nandito ka na.Okay?"

"O-opo sir."

"Alam kong biglaan ito kaya papauwiin kita ng maaga ngayon para makapagayos ng mga gamit mo para bukas.Pwede ka ng umuwi ng 2 mamayang hapon."

"Sige po sir.Tatapusin ko na lang po yung mga ginagawa ko."

Hindi na niya inantay pang magsalita ng kanyang boss at lumabas na lang siya ng opisina nito.Pag kakita niya sa kanyang relo ay 12 na pala ng tanghali at kailangan na niyang kumain.Iniwan muna niya ang kanyang trabaho at lumabas ng opisina para kumain.

Matapos niyang kumain ay bumalik sya sa kanyang lamesa at nagtrabaho. Pasado alas dos na ng hapon ng matapos siya.Agad-agad siyang nagligpit at inayos ang mga gamit nya.Uuwi na sya para maayos ang mga gamit niyang kailangan niyang dalhin para bukas.

Muli siyang pumasok sa opisina ng boss niya upang magpaalam.

"Sir, uuwi na po ako."

"Sige,basta agahan mo bukas.Ayaw kong malate ka naiintindihan mo ba?.", seryosong sabi sa kanya ng boss nya.

"Opo sir, mauna na po ako."

Binilisan niyang lumabas ng opisina nito at nagcommute pauwi.Pagdating niya ng bahay ay nagpahinga muna siya sandali bago nag-ayos ng mga gamit niyang dadalhin niya para bukas.

Habang nag-aayos siya ay may napulot siyang isang kwintas sa ilalim ng higaan niya.Kinuha niya ito at tinignan, nakita niyang may litrato pala sa loob nito. Isang magandang babae na sa tingin niya ay nasa murang edad pa lamang.Kung hindi siya nagkakamali ay nasa labing anim na taon pa lamang ito.

Biglang sumagi sa isip niya ang nangyari kagabi.Maari kayang ito ay mula sa lalaking nanggahasa sa kanya kagabi?Dali-dali niya itong tinago sa kanyang cabinet at nagpatuloy sa pag-aayos niya ng gamit.

Maaga siyang natulog upang makarating siya ng maaga bukas at ayaw niyang malate dahil baka paginitan pa siya ng boss niya.Ngunit bago siya natulog ay naisipan niyang tawagan muna ang mga magulang niya sa probinsya.Namimiss na niya ang mga ito.

"Hello nay?Kamusta na po kayo diyan?Kamusta na po si tatay tsaka si samantha?"

"Naku anak!Ayos lang kami dito.Ikaw?Ano ng nangyari sayo diyan?Maayos ka lang ba?Kumakain ka ba ng maayos diyan?Baka nagpapagutom ka ah?",walang tigil na sabi ng ina niya.Napangiti siya,hindi pa rin nagbabago ang nanay niya.Maalahanin pa rin ito.

"Opo inay,maayos ako rito.Nga pala nay aalis kami bukas ng boss ko,pupunta po kami ng Boracay.May kikitain po kasi siyang kliyente doon at bilang sekretarya niya ay kailangan anduon ako."

"Oh sige anak,mag-ingat kayo dun ah?"

"Opo inay, pasabi na lang po kay itay at kay Samantha na tumawag ako.Iloveyou nay, kailangan ko na pong matulog dahil maaga pa po ako bukas."

"Sige anak, mag-ingat ka diyan ha.", agas niyang binaba ang tawag at humiga sa kama niya.Maaga pa siya bukas, kailangan na niyang matulog.

------------------------------------------------------

A/N: Hiii :) Hindi po ba boring?Salamat po :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon