Chapter 3

194 2 0
                                    

Chapter 3

Friday

dalawang araw nadin simula ng encounter namin ni SG sa bar. nakakagulat lang kasi hindi ko ineexpect na makikita ko siya at makikilala naman niya ako

friday na ngayon

nakakainis lang isipin kasi ayaw parin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni SG.. hindi ko nga maintindihan eh. alam mo yung feeling na parang kilala ko siya? pero parang hindi din naman?

ang gulo noh?

pero feeling ko kilalang kilala ko na siya eh..

anong nangyari nung tuesday? eto lang naman..

[flashback]

(tuesday night sa bar..)

"IKAW?!"

"Ang ganda nga naman ng gabi oh.. sa dinami dami ng chix na pwede kong makita dito sa bar ito pang iisang hindi pinatulan charms ko. ay pinatulan nga pala.. hindi lang pinahalata *smirk"-siya

"FYI na-awa lang ako sayo remember? wag ka ngang feeling akala mo naman ang gwapo mo eh kamukha mo ng si shrek."

"alam mo iba ka din eh noh? ganyan na ba magpapansin ang mga babae ngayon? pataray?"

"hindi. ganyan ang babae kapag ayaw niya sa mga lalaking daig pa ang sampung aircon sa sobrang hangin."

"wag ka ngang pakipot *smirk"

agh!! bakit ba ang hirap ipasok sa utak netong lalaking to na ayaw ko sa kanya?!

(weh? e diba gusto mo siyang maging kaibigan?)

okay. sabi ko nga

"baby.. kanina pa kita hinahanap saan ka ba nagpupunta?"-matt

thank you matt sa pagsalba.. nabara ako eh

"sino siya?"-SG

"ay nga pala.. baby.. si SG nga pala.. SG si baby ko..*sweet tone"

magaling ata ako diyan bwahahahaha

"SG? sino yun? ako ba yun? hindi naman SG pangalan ko ah? ano yung SG?"-SG

"yup. ikaw yun. dami mong tanong. SG. Stupid Guy. Cute diba?"

mukha namang nainis si SG sa tawag ko sakanya. hindi nga lang pinahalata hahaha cute pala siya kapag napipikon.

(cute pala ha?)

oh shut up you mind of mine

"matt nga pala pare."-matt

ang bait talaga ni matt..

"Zach pare."-SG

so zach pala pangalan niya. ang normal naman. hindi unique. mehehe.

"alis na tayo matt. pagod na ko eh."

"sige byy. alis na kami zach ah? see you nalang kung magkikita."-matt

"ge pre. bye eya."-zach

oh my goddess

pano niya nalaman pangalan ko?!

umalis na kami ni matt sa bar pero bago kami umalis narinig ko pa yung sinabi ni zach...

"nagbago ka na talaga eya.. ni hindi mo pa nga ako naalala eh."-zach

[end of flashback]

see?

ang weird niya noh?

kilala ko daw siya? eh ni hindi ko nga siya namukaan eh..

ang weird niya.. sobrang weird

**

nasa classroom ako ngayon. ako lang mag-isa. nang may biglang pumasok na lalaki..

"Chasey Tan?"

tiningnan ko lang siya

"Sino dito si Chasey Tan?"

"tanga ka ba?"

"eto namang si eya oh hindi man lang mabiro."-gab

yup si gab. yung kapitbahay kong mahilig sa isaw.

"ano bang kailangan mo?"

"nagyaya si anne mag mall eh. ako inutusan para sunduin ka. kahit kailan talaga yung babaeng yun palautos."

"uto-uto ka naman. palibhasa crush mo eh."

yup. crush niya si anne.

"manhid yung babaeng yun eh. kainis nga eh.. haaay..sayo nalang kaya ako?"-gab with his serious tone

"tigil-tigilan mo ko gab may boyfriends ako."

"talagang may 's' ah?"

"eh sa totoo naman."

"balita ko parating si matthew yung kasama mo ah.. yieee. magsesryoso ka na ba?"

"oh shut up kahit kailan hindi ako magseseryoso noh. pagkatapos ng ginawa niya sakin.. nahh. malabo na."

naalala ko nanaman tuloy siya.. kainis naman kasi tong si gabby eh pinaalala pa.

nalungkot tuloy ako..

kanis!!! akala ko ba naka move-on ka na eya ha?! naka move-on ka naa!!

"sorry."-gab

"ayos lang naka move-on na ko."

"yeah.. so tara?"-gab

"sige. punta nalang muna tayong bahay para makapagpalit naman ako."

"sure."

*****

mall..

"waaaaah!!! eyaaaaa!! i miss you soooooo muuuuchhh!!!"-anne

"bessy layo na masasakal ka niyan"-ayah

"cute mo talaga anne."-si gab na dumadamoves nanaman

"kailan ba ko pumanget ha?"-anne

"tumahimik nga kayo. di niyo manlang pinagsalita si eya oh."-andrei

"andito ka din?"-ako

"oo naman. wala ng pogi dito noh kung wala ako."-andrei

"asan si jake?"-ako

"saan pa ba? :("-anne

tinuro niya yung isang mamahaling restaurant at doon ko nakita si jake kasama ang isang babae. nakikipagtawanan pa siya dun sa babae.

"oww."-ako,si ayah,pati si andrei

"tsk."-gab

"haaaay. :("-anne

mag bestfriend si anne pati si jake. simula pa nung bata. pero mas una kong nakilala si jake. nung grade 1 kami, kaming tatlo yung magkasama palagi. pero nung nag grade 3 kami dun namin nakilala si andrei at ayah.nung grade 4 naman si gab. pero nagkahiwalay kami nung 1st year kasi may nagloko sakin. at pinagsisisihan kong nainlove ako sa isang badboy.

simula nung grade 3 may crush na si anne kay jake pero hindi siya nagkakalakas ng loob na umamin. ayaw daw kasi niyang masira yung friendship nila. tapos lumala non nung mga grade 5 kami. naging puppy love. hanggang sa eto. love na talaga.

"puntahan ko lang para makapag shopping na tayo."-anne with her angry voice

ayoko ng mangyayari...

The Casanova GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon