Chapter Eleven: Ganun Talaga

1.1K 53 45
                                    

A/N: Dedicated to princessashlee... dahil baka pinagdaanan mo rin toh.. baka lang naman :)

Ang pagdadalaga ni Ate Tori!!! Tignan ang larawan sa gawing kanan :D hehehe

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Pumasok ako sa school na naka-headband dahil humahaba na ang buhok ko. May nakaplaster na ngiti sa aking mga labi. Nagtataasan ang mga kilay ng mga kasalubong ko kasi ang weirdo ko lang sigurong tignan. Either that o first time nila akong nakitang naka-headband. Pero kaya ko toh. Sumulyap ako sa relos ko: 6:15AM. Kaya ko toh. Sana nandito na si Ivette ng ganito kaaga.

“Waw, Ate Tori, mas cute ka pala pag naka-headband,” puri ng kaunting lower batches na nakakasalubong ko. Matipid na smile lang ang naibigay ko sa kanila.

Tinakbo ko lang naman ang apat na palapag na hagdan para makarating sa classroom. Ayun, kararating lang din ni bes.

“Good morning bes,” bati nyang naka-smile din kahit mapungay ang mga mata sa puyat. “Ay waw. Naka-headband! Anong nakain mo?” She gasped loudly. “Nagdadalaga ka na?!”

“Hahaha, may papabasa ako sa’yo bes,” mahinahon kong anyaya sa kanya at daglian kong pinabasa ang text message ni Alfred.

Mabilis ang galaw ng mga mata ni Ivette sa pagbasa ng mensahe. Tahimik lang sya nung binalik nya sa akin yung phone ko.

“Ganun lang talaga,” bulong ko habang namumuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Nang hindi ko na kaya, humikbi na ako at tuluy-tuloy na ang pag-iyak ko. Buti nalang kami pa lang dalawa sa room.

Binasa ko ulit yung text ni Alfred.

From: FamilyTree.Alfred

Hello. This took me some time to realize what I really feel. And I’m sorry if I have to disturb you from your busy day. Hope you understand. I just have to tell you this. I tried to suppress my feelings. I really did. But I failed. I’m really sorry about this. I just want to let you know that I have finally fallen in love with Trina.  I’m so sorry for breaking my promise. It just happened so suddenly. It was too late when I realized this. Hope you don’t get mad at her, she didn’t do anything wrong. This is my fault but it is my choice. Hope you respect my feelings. Sorry, Ate. :(

Naupo lang si Ivette sa tabi ko habang hinimas-himas ang likod ko.

“Nakakaasar lang, kasi nung natanggap ko, putol yung message. Hanggang dun sa ‘fallen in love with’ lang. Umasa ako bes na ako yun, kaya magdamag kong hinintay yung katuloy. Tapos hindi pala. Ang tanga ko lang for hoping it was me. Eh ‘Ate’ nga lang ako eh. Tanginang yan.” Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko subalit tuluy-tuloy lang silang dumadaloy.

“Bes, antagal mo rin kasing nawala,” nag-umpisa nang magpaliwanag si Ivette. “Actually, ang obvious kaya sa McDo kaya may hint na rin ang barkada. Nagulat nga kaming lahat kasi bigla nalang silang laging magkatabi, magkasama, ganyan. Hinahatid pa ni Kuya si Trina pauwi. To be honest, we were expecting both of you to…” di na nya nagawang tapusin yung gusto nyang sabihin kasi it would hurt me more. And it really did.

Ikaw Na! (You Already!) -- {COMPLETED}Where stories live. Discover now