Pain in my Heart.

98 0 0
                                    

Simple lang naman ang gusto noon, magkaroon ng taong magmamahal sakin ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya, yung taong lagi lang nandyan tuwing malungkot ka, tuwing lahat sila naggive up na sayo siya nalang hindi, yung taong hindi palalagpasin yung araw na malungkot ka. Ilang taon narin ang nakalipas mula nung araw na nakipaghiwalay ako kay Mark, balita ko nga ikakasal na siya kay Lisa, sa Bestfriend ko. Saklap lang no?

"Kristin! Huy ano ka ba, diba ngayon kasal ni mark?!"

"Hoy Antonella Marie manahimik ka nga sa lingo pa yun, biyernes palang"

"Ah weh? Eh bakit may puting kotse diyan sa baba? Tas nandun pa si Mark?"

"Bakit porket may puting kotse ba kasal na agad?"

"Sabi ko nga, jusme bumaba ka na nga ate!!"

"Ona ona!"

So kagaya ng utos ng aking kapatid, bumaba na ko at tadaaa nakita ko si mark sa may sala nakikipagkwentuhan at nagtatawanan kasama ung mga kapatid ko, wiee ang ingay nila saya saya.

"Hoy Mark anong pakay mo?"

"Sungit mo ano bang meron sayo ha?"

"Wala paki mo Torres"

"Ay onga pala, pasok ka sa kotse may papakita ako sayo"

"Aber san naman ito?"

"Basta wag ka ng makulit" sabi niya sabay hila sakin papunta sa kotse niya

"Kaya kita pinasakay kasi ung ex ko"

"Ako?"

"Haha, hindi ikaw si Mia"

"Paki ko kay Mia?"

"Hay ang kulit mo naman, patapusin mo muna kasi ako"

Ayun na nga kwinento niya na, si Mia daw kasi hinahanap ako, akala daw kami pa, gusto daw ni Mia makuha ulit si Mark kaso nga ikakasal na sila ni Lisa, so nagpatulong siya sakin na magpanggap raw para tantanan na siya ni Mia, pumayag ako syempre. Tss

"Hoy Mark libre mo nga ako, Mcdo tayo nagugutom ako"

"Takaw mo Kaye, sige"

"Aba ikaw pa 'tong nagreklamo?! Di pa kaya ako nagb'breakfast!!"

"Um-oo na nga po ako diba?"

"Whatever!!!!!!!!!!!"

"Para ka paring bata"

"Che! Mcdo na! Gora!!"

Kasalukuyan kaming kumakain ni Mark sa Mcdo, ako lang talaga yung kumakain, joke lang yung kay Mark. Nagkakape lang siya eh. Grabe 'tong lalaking 'to. Sobrang minahal ko 'to. Alam niyo ba yung love story namin? HAHAHA joke syempre hindi para naman akong timang, so anyways anlabo ni ate writer pero here's the story goes

*FLASHBACK*

"Kaye si Mark!!" Sigaw ni Lisa

"Anong meron kay Mark!!"

"Nalulunod tulungan mo!!"

"Ha? San?"

"Ayun" sabi ni Lisa sabay turo sa may pool

Tumalon ako para sagipin si Mark, crush ko kaya 'to. Ito na yung pagkakataon na makilala niya ko. Si Mark kasi badboy yan, masungit palagi, di namamansin, yung tipong titingin tas parang kakainin ka dahil sa tingin niya.

"Mark?! Mark!!"

"S-sino ka?"

"Ako si Kaye, Mark halika dadalin kita sa clinic may sugat ka sa noo mo oh"

One Shots Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon