Being a Bitch 101: Decision Time

362 12 0
                                    

♫♪ Talk dirty to me.. tenenententenenenenententenenenen... Talk dirty to me... ♪♫

Oh hello there putachings! Andiyan na pala kayo. Sorry naman, I was so busy listening to my favorite song in my iPhone 6 Plus eh kaya di ko kayo napansin. Hihihi.

Anyway, kumusta naman ang result ng Bitch Test niyo? Happy? Satisfied? Frustrated? Disappointed?

Move on move on din tayo pag may time. Kahit ano pa man ang result ng Bitch Test niyo, I'm sorry but we've come to the next step which is Decision Time. Are you gonna be a loser all your life? Or be a flawless, first class bitch and make other bitches irrelevant? The decision is yours. And you have to make that decision NOW.

But not so fast mga putachings! Let me just reiterate that being a bitch is not about being rude to everyone you see. It is about not being afraid of saying what you want and when you want to say it. Ano nosebleed na ba? Kaya pa? Sige, huminga muna kayo ng malalim. Inhale... Exhale... Inhale... Inhale........ Inhale...... Hold it.... Exhale... Ano, okay ka na? :)

Ayun na nga, don't be afraid to speak your mind. BUT! Yes, there's a big BUT! Make sure  that this is really what you want. Kasi once na naging bitch ka, you can never take back all the bitchiness you have done. Hindi ka na pwedeng mag-sorry. Kalimutan mo na ang salitang yan, dahil di mo na yan gagamitin kahit kailan. Losers lang ang gumagamit ng mga salitang sorry at pasensya. At ang pasensya ay sa mga piling bakeries at grocery stores na lang matatagpuan. (See Media Section)

Ngayon, para tulungan kayong makapag-desisyon, try to consider these things:

1. Yung mga taong makasarili at egotistical a-holes, either ganun talaga sila o nagpapanggap lang, ay ang mga taong usually nagtatagumpay sa buhay.

2. Karamihan sa mga babaeng natawag o tinatawag na bitch either sa school o sa office ay parang magic na nag-possess bigla ng kakaibang lakas, confidence at power. Nakaya nilang gumawa ng mahihirap na desisyon. Kahit na di sa kanila sang-ayon ang karamihan, nakukuha pa rin silang irespeto at itinuturing pa rin na isang malakas at magaling na leader.

3. Yung mga taong pa-virgin, sobrang dalisay ng kalooban at mas puro pa sa mineral water o sa milagrosong tubig na dinarayo ng mga deboto, ay walang patutunguhan sa buhay, pramis! Bakit?

Yung mga losers kasi na mababait, gagawin nila lahat magustuhan lang sila ng mga tao. Kiss ass here, there and everywhere. But the people that they have been kissing up to will generally end up taking advantage of their niceness, instead of rewarding them. So ang ending, loser pa rin sila.

At ang mga bitch, maaga yang namulat sa totoong kalakaran ng buhay. They can't depend on others to take care of them. Kaya pag may gusto sila, nakukuha nila. Gagawin nila ang lahat, as in LAHAT. And in most personal relationships, pwedeng romantic o professional relationship, acting detached and aloof makes people try harder with you. Gagawin nila ang lahat makuha lang ang matamis mong oo o ang approval mo, instead of you trying to win others.

4. Majority ng mga bitch ay nakakahanap ng tunay na pag-ibig. Bakit?

Gusto ng mga lalake ang thrill, ang chase. Look around you, ilang lalake ba ang sumiseryoso o nakikipag-date sa mga babaeng haliparot, makati, bigyan mo lang ng kendi o pasahan ng load bubukaka na? Hanggang sa kama lang sila. Hindi sila yung tipong  dadalhin mo sa isang mamahaling restaurant for a date. Also, gusto ng mga lalake ang mga babaeng outspoken. Yung mga babaeng sinasabi kung ano ang nasa isip nila at kung ano talaga ang gusto nila. Men admire this brazen quality and make them respect the woman more. Compared dun sa mga babaeng "Ikaw, kung saan mo gusto. Hihihi." Masyadong pa-virgin. The nerve! Sarap sapatusin! Pag tinanong, sagot agad! Yung totoong sagot! Yung gusto mo talaga! Ganeeernn!

O siya, bago pa ako ma-high blood at bumuka ang tahi ko sa tiyan... ano, nakapag-decide na ba kayo?

Kung OO ang sagot niyo at gusto niyong ituloy ang inyong journey towards becoming a first class bitch, please proceed to the next chapter (kung meron na).

Kung HINDI naman, I understand. Siguro nga hindi ka pa talaga handa. At hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang shuta ka. Wala kang maririnig na kahit ano saking shutanginamokangpakyukagirl. Pakamatay ka na lang or i-enjoy mo yang pagiging forever loser mo. Ktnxbye!

Hanggang sa muli...

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 25, 2014 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

How to Become a First Class Bitch in 30 Days (or less)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora