Song # 4

32 0 0
                                    

It has been weeks. Pero hanggang ngayon ay wala pa din akong balita tungkol sa banda namin.

Wala pa yatang sumasali e! Isa nalang ang kulang namin para maging official na ang band namin. Kaso, ang problema wala kaming makita ni isa. Na willing sumali. Yung iba, gusto lang sumali kasi mga gwapo yung kasama ko. Psh.

Yung mga besprens ko [kuno] naman, grabe nalang ang tukso sa akin ng malamang kasama ko si "Migz" na alam nilang crush na crush ko. Kung alam lang nila.. Muntik na kaming mag-ano.. Hahaha, kaso hindi natuloy e. Sayang! XD

"Ang saya mo ata?" tanong ni Keila sa akin. Humarap naman ako sakanya, nasa room kami ngayon at maaraw ang weather kaya masaya ang ambiance. Wala pa yung professor namin, maaga pa naman kasi e. Infairness, maaga ako ngayon! XD madalas kasi sakto lang ang pagdating ko e. At syempre, infairness din kay Keila kasi hindi siya late! Achievement yon ah? Haha.

"Wala lang, masaya lang ako. Hihi" inaalala ko pa din kasi yung nangyari, oo yung muntikan ng kissing scene namin ni Migz! Hahaha, di pa ako makaget-over e. 

"Wala, ganyanan na Danielle. Ganyanan na!" parinig ni Hannah sa akin. Tumingin naman ako sa gawi niya at nakita kong naka-focus lang ang bruha sa phone niya. 

"Ano naman sayo?" pabiro kong tanong. Tumingin naman si Hannah sa akin ng nakataas ang kilay. Ang taray ng lola niyo ah!

"Ilang linggo ka na kasing ganiyan. Kung hindi nakangiti, kinikilig. Tell me, nababaliw ka na ba? O baliw ka lang talaga?" sabay hagalpak naman ng tawa ni Keila, wow. Ang supportive naman ng mga kaibigan ko ha? Grabe talaga *sarcasm*

"Eh kasi, ganito yun..." at kinwento ko sa kanila ang buong pangyayari. Mula sa pag-duet namin ni Migz hanggang sa pagkain namin ng sabay at pag-aya niya sa aking sumali sa bandang bubuuin niya at doon sa MUNTIKAN ng kissing scene namin.

"Bwahahahahahahaha!" nagulat ako sa biglang paghagalpak ng tawa ni Keila. Napataas ako ng kilay sa kanilang dalawa, napansin ko din kasi ang pagpipigil ng tawa ni Hannah. Anong meron sa kanila? Nabaliw na yata?

"Hahahahaha! Grabe ka Danielle, lakas ng pangarap mo!" lalong tumaas ang kilay ko sa biglang pagtawa din ni Hannah. Anong pangarap? Teka teka teka! Ano bang pinagsasabi ng mga ito?

"Anong sinasabi mo diyan?" nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa. Napapatingin na din kasi sa gawi namin yung mga kaklase namin e, kala siguro baliw na itong dalawang kasama ko.

"Ikaw! Nangangarap ka na naman kasi ng gising e" sabi ni Keila. Huwaaaaaat? Ano bang pinagsasabi nila? Bakit di ko sila maintindihan? Malabo ba sila o sadyang hindi ko lang talaga sila maintindihan? What's happening in the Philippines? XD

"Ano bang pinagsasabi niyong dalawa ha? Hindi ko kayo gets!" naguguluhang tanong ko habang palipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Nagtinginan muna silang dalawa bago humagalpak ulit ng tawa. Baliw na nga sila, may number ba kayo ng mental hospital? Kelangan na yata nilang ipa-admit doon e.

"Bwahahahahahahaha! Grabe teh, hindi ko na keri! Hahahaha" sabi ni Hannah kay Keila habang nagtutulukan silang dalawa. Baka mahulog sana sila diyan. Tsk.

She's The Only Girl in BandWhere stories live. Discover now