Chapter 21: Weird

1.8K 57 5
                                    

© EynJey 2014

Chapter 21

"Go Dara! Kaya mo yan!" sigaw ko habang rumarampa yung kaibigan ko dun sa stage.

Last day na ngayon ng celebration para sa Sci-Math week namin at nag awarding na rin kanina.

At alam niyo ba kung sino ang nanalo sa singing contest? Kaming dalawa ni Yuriel.

Nung bigayan na nga ng trophy e wala siya kaya ako na lang mag-isa yung tumanggap. Tinanong naman ako nung mga teacher kung nasan daw yung partner ko at ang sinasabi ko na lang sa kanila..

"Wala po siya e, busy po masyado." at nakakalusot ang ganung dahilan ko kahit sa totoo lang e hindi ko alam kung may problema nga talaga si Yuriel kaya ganun na lang ang isang yun.

Sila Axl naman ay 3rd place. Nagulat nga ako na 3rd lang sila e, iniisip ko nga na baka sila yung mag first.

Yung sa booth naman, kahapon pa yun natapos and I'm proud to say na naging successful yung booth namin at marami rin kaming kinita.

Isa isa na ngang rumampa yung mga contestants at ang ingay ingay dito sa loob ng gym dahil kanya kanyang sigawan yung mga tao dito sa pambato nila.

"Go, go, go IV-B! Go fight win Dara Cueto!" chant nung mga classmate namin at nakisama na rin ako sa pagsigaw.

Sumunod naman yung mga boys at kahit bago lang sa section namin si Jeremy at todo support pa rin kami, syempre, siya representative ng section namin e.

"Go Jeremy! Go IV-B!" sigaw namin ng rumarampa na sila.

Infairness, ang gwapong tignan ni Jeremy ngayon, yung aura niya e yung parang sa mga bad boy na pa cool pero bagay naman sa kanya.

Sa buong laban e tuloy tuloy lang kami sa pag cheer, kahit feeling ko e mapapaos na ako ay todo pa rin ako kung sumigaw para naman masuportahan ko yung mga pambato namin.

Nag talent na ang bawat contestants at nag question ang answer portion na rin at napi-feel ko na mananalo ang section namin dahil ang galing nung mga mga sagot nila.

Yang si Dara, kahit babaliw baliw yan minsan ay matalino naman yan, kasama siya sa mga top students at si Jeremy naman, feel ko matalino rin dahil tuloy tuloy yung pagsagot niya kanina, at take note, English pa.

Sa sobrang bilis ng oras ay hindi na namin namalayan na matatapos na pala ang contest at mag-a-awarding na.

Patuloy pa rin kami mag cheer dahil kahit saang anggulo tignan, alam naming mananalo ang section namin.

"And the 3rd runner up goes to..." sabi nung emcee at may background pa na pusong tumitibok at patuloy pa rin ang pagsigaw namin ng mga gusto naming manalo.

"III-A!" sigaw nito at nagtalunan at sigawan yung mga taga III-A.

No doubt sila yung nanalo sa 3rd dahil magaling din yung candidate nila na babae.

"Only two candidates left." tapos nagpatugtog ulit nung sound na parang pusong tumitibok.

"The candidate that I will announce will be the Ms. Sci-Math for this year."

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now