Chapter 1: "Fated Birth"

25.7K 470 75
                                    

Dedicated to @rainrainy

I would like to thank you for saying that even though you don't really like sad ending you will read this one because you liked the teaser. ❤️

I am one of those people born with tragedy in their blood for in the day of my birth, my death began its walk and it is laggardly walking towards me each day.

--- Maria del Cielo Dominguez {Female Lead-- Until My Heartache Ends}


[ Isabela POV ]


Three Years Later...


I went to the nursery para masilip ang baby ko. My baby girl. It has been three days since I gave birth to her. I pressed the buzzer beside the window glass para ipaalam sa nurses sa loob ng Nursery na may taong gustong makita ang isa sa sanggol sa loob. The blue curtain opened at tumambad na sa paningin ko ang mga sanggol sa loob.


One nurse emerge from the Nursery's door then ask which baby I want to see. I told her baby girl Dominguez. She was about to get inside when someone speak and said that she wants to see baby boy Alcantara. Tumango ang nurse at tuluyan ng pumasok. Minutes later ay nasa harap na ng malapad na salamin ang baby ko at pati na din ang baby na gustong makita ng babaeng katabi ko.


"Hi baby Tyler. Mommy is here. Ang cute cute mo talaga manang mana ka sa akin." The woman beside me said as she wave at the baby boy besides my baby girl, Cielo. Tinignan ko sya at napangiti. Halata kasi sa mukha nya ang saya na alam kong katulad din ng nasa mukha ko ngayon. Ibabalik ko na sana kay Cielo ang paningin ko ng mapatingin sya sa akin. She smiled at me. "Baby mo sya?" She asked and pointed at Cielo.


I nodded at her and smiled too. The woman in beside me is beautiful in a mischievous way at mukhang kasing edad ko lang. "Yes, she is. I just gave birth to her three days ago."


Her eyes widen and her smile became wider. "Kapapanganak ko lang din kay Tyler three days ago. Magka-birthday sila ng anak mo."


"Really? What a coincidence!" I exclaimed. "Panganay mo?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya.


"Oo, panganay ko. Ikaw?"


Nalungkot ako saglit pero pinilit kong alisin kaagad ang damdamin na yun. Walang dahilan para malungkot pa ako dahil nandyan na si Cielo. Nagawa ko syang isilang hindi katulad ng tatlong nauna kong ipinagbuntis. "Oo, panganay ko din." Sabi ko sabay tingin sa salamin. Nabasa ko sa blue na paper na katulad nga ng araw ng kapanakan ni Cielo ko ang baby boy nya na Tyler ang pangalan.


"Ang ganda ng baby mo. She has a delicate features just like an angel. Sigurado akong madaming manliligaw sa kanya kapag dalaga na sya." Sabi nya pa kaya naman tinignan ko syang muli. Inilahad nya ang kamay sa akin at nagpakilala. "I'm Katrina Alcantara, and you are?"


I took her hand and shook it. "Isabela Dominguez."


"Hmm, Dominguez? Any relation to the old rich Dominguez dito sa San Isidro?"


"Asawa ako ni Gabriel Dominguez." Imporma ko.


"Oh, what a small world! Magkaibigan sila ni Sidd, my husband. Akalain mong magka-birthday pa ang mga anak nila."


"Sidd? Are you referring to Sidd Alcantara the Veterinarian of Hacienda Dominguez?" I asked.


She nodded and smiled. Her eyes glow at the mention of the name. "Yes, that's my husband. Sya ang namamahala sa kalusugan ng mga thoroughbred horses ng pamilya ng asawa mo."


Until My Heartache Ends (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin