PRACTICE LANG (One Shot) starring bieh20

502 23 23
                                    

A/N: This is my 4th ONE SHOT STORY! Kung nabasa nyo yung one shot nina Krizzy at Eimee, ito na ang kabaliwan ng isa sa mga kaibigan nila na si Mhizzy! Hohohoh! Para sayo 'to, Ate Mhizzy! Kayo nga pala ni Kuya Jay yung bida sa istoryang yan...Sana magustuhan mo yung kabaliwang ginawa ko for you...^__________^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PRACTICE LANG

(~_______~)!!!

Nanggagalaiting tinungo ko yung venue ng pinagdadausan ng kasal.

Magkamatayan na, pero hindi ako makapapayag na maikasal ang fiancee ko sa babaeng linta na yun! Kung gusto niya lang pala ng miserableng buhay, kaya ko naman yung ibigay sa kanya. Bakit kailangan pa niyang maghanap ng ibang pakakasalan?!

Mabuti pa si Krizzy! Kahit mali yung taong napagtapatan niya ng kanyang pag-ibig, alam kong darating yung panahon na masasabi niya iyon kay Bellboy niya.

At mabuti rin si Eimee! Kahit hindi marunong magluto at puro matigas na pandesal lang yung nasa isip at kayang lutuin, hindi pa rin siya iniiwan ni Jong niya.

At pinakamabuti ang kalagayan ni Milly! Walang inaalalang ibang bagay kundi mga kabaliwan niya sa buhay!

Samantalang ako?! Ang lakas ng loob ni Jay na magpropose sakin nung isang linggo, tapos makakatanggap na lang ako ng wedding invitation galing sa kanya nung isang araw!

Ang kapal ng mukha! Hindi na daw niya mahal yung hinayupak at lintang yun! Pero, ano? Ngayong araw magpapakasal sila?! Pak sh*t lang!

"JAY!" - malakas na sigaw ko nang marating ko yung lugar ng kasalan

Napatingin sakin ang lahat ng taong naroon. Maski yung pari at yung bride ay napalingon din sa kinatatayuan ko.

"Pano mo nagawa sakin to? Sabi mo ako lang ang mahal mo? May nalalaman ka pang luhod, tumbling, cart-wheel, break dance, at rapping nung magpropose ka sakin. Tapos ano to? Ikakasal ka sa iba? Ang galing mo rin eh! Ano yun? Sa akin ka nagpractice ng proposal mo? Sabihin mo na practice lang din tong kasal-kasalan nyo at mapapatawad pa kita."

"Ahmmm, Miss, nag---"

"Pwede ba pabayaan mo ko? Hindi ikaw ang kausap ko kaya hayaan mong kausapin ko ang magaling na lalaking yan!" - putol ko kaagad sa sasabihin nung lintang bride

"Hoy, Jay! Ano ba? Di mo ba ako naririnig? O sadyang wala ka lang talagang maiharap na mukha sakin?" - naiinis na sabi ko kasi hindi man lang siya lumilingon

"Miss, huwag ka namang manggulo sa kasal." - narinig kong sabi nung isa sa mga taong nakaupo doon

I just glared at him.

"Hindi ka talaga titingin sakin, ha? Sa tingin mo ba matatakasan mo na lang ako ng ganun-ganun lang?" - sabi ko habang naglalakad palapit sa bride and groom

"Miss, sandali lang..." - awat na naman sakin nung bride

Epal lang talaga yung bride na yan eh. Wala akong panahon sa kanya! Ni tingnan nga siya, di ko matagalan, ang makausap pa kaya?!

Di ko pinansin yung bride at hinablot ko sa kwelyo yung lalake at iniharap sakin.

"Jay! Ang kapal-----"

(o____0) - ako

Natigilan talaga ako dahil ibang lalake ang nasa harap ko ngayon.

"Hindi ikaw si Jay." - tanging nasambit ko

"Siya pa rin naman si Jay ko. Jayson ang real name niya. Kilala mo ba siya?" - tanong nung bride

"Ahhh...ehhh....Siya ang groom mo?" - takang tanong ko pa

"Oo. Di ka niya nililingon dahil di ka niya naririnig. Pipi at bingi kasi si Jay. Yun sana ang gusto kong sabihin sayo kaso pinigilan mo ko."

Para akong itinulos sa kinatatayuan ko sa narinig. Sana lumubog ako ngayon din sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kahihiyan.

Iginala ang tingin sa mga tao sa paligid. Kunot-noo at takang-taka sila na nakatingin sa akin. Pilit akong ngumiti.

"Ahhh....hehehehe. PRACTICE LANG. Akala ko ito na yung shooting namin ni Direk. Bakit ba hindi ko napansin na wala dito yung ibang staffs and my other co-stars? Hehehe! Sabi kasi ni Direk pumunta na daw ako sa venue na pagshushooting-an namin ng kasal at diretso acting na. Akala ko ito na yun. Sige, ituloy nyo na yang kasal nyo. Congratulations and best wishes na lang. Pasensiya na, Father."

Pagkasabi nun ay naglakad na ko papalabas ng kasalan. Nakakahiya talaga! Waaahhhh! Lagot ka saking Jay ka! Kala ko pa naman yun yung kasal mo! Bwisit ka!

Nakita kong nagriring ang cp ko at si Jay ang tumatawag sakin.

(Bieh? Asan ka na ba?)

"Mabuti naman at naisipan mong tumawag. At ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Nasaan ka? Sabi mo may kasalang magaganap today?"

(Oo nga. Nandito kami sa ******* Paris Church. Ikaw na lang ang hinihintay. Sabi ko nga sa groom and bride, huwag muna nilang simulan ang kasal nila hangga't di ka pa dumarating dito.)

******* Paris Church?! Pak sh*t! Eh nasa katabing simbahan lang yun dito eh! Doon ang kasalan? And wait. Tama ba ang dinig ko? Hindi si Jay ang groom?

"Hindi ikaw ang ikakasal?"

(Ofcourse not! Kung hindi rin lang ikaw ang magiging bride ko, hindi na ko magpapakasal. At teka, pano mo naman nasabing ako ang ikakasal, ha?)

"Dun sa invitation na pinakita mo sakin nung isang araw at nang magkausap tayo...."

(Sinasabi na nga ba. Yan ang hirap sa mga taong-puyat at bangag kausap. Ang sabi ko nung magkausap tayo, kapangalan ko yung groom at best man lang ako dahil kaibigan ko yung bride.)

"Siguraduhin mo lang, Jay Gee. Dahil oras na malaman ko na nagpakasal ka sa iba bukod sakin, malilintikan ka talaga."

(Ikaw lang talaga at wala ng iba. Pagkatapos kong ibigay sayo yung singsing na pagkamahal-mahal? Hindi naman ako makapapayag na ikaw lang ang makikinabang diyan. Baka isangla mo pa yan eh.)

"Fine. Sige na. Papunta na ko diyan. Magsimula na kayo. Nakakahiya sa groom and bride. Na-delay pa ang seremonya ng dahil lang sakin. Di naman ako abay, no?"

(Ayos lang. Gusto ko masimulan mo yung seremonya ng kasal para malaman mo ang pakiramdam dahil balang-araw, tayo naman ang ikakasal. I love you, bieh.)

"I love you too, Bieh. Sige na. Papunta na ko diyan. Bye."

And I hang up the phone.

Mali lang pala ng venue ako ng napuntahan. Sa kabilang simbahan pala dapat. Di naman kasi malinaw yung naging usapan namin nung isang araw. Pssshhhh!

-------------------------------------------------------------------

Oh ansave ng one shot mo Ate Mhizzy? Hihihihi! Pasensiya na at iyan lang ang nakayanan kong kabaliwan sayo...Hohohoh! Sana magustuhan mo....^________^

Gagawan ko ba ng one shot si Milly? hahahaha! Parang gusto ko na ayaw ko...:p

Millymiles' Collections (One Shots and Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon