"Friendzone"

3 0 0
                                    

Sanay ma enjoy niyo po every stanzas....Thanks!!! so here is the poem....

paalala: ang poem na ito ay gawa ng ating baliw at nagfe- feeling author......Hbang nagbabasa po kayo nito ay magpakafeeling manunula rin po kayo para damang dama gaya ng sinusulat palang yan ng author na akala mo naman ay isang totoong manunula.....

So this is the beginning!!!

******************

Ako'y isang tao
Isang taong nabuhay sa mundo
Nakatakdang maging iyo
At magmahal sayo ng totoo

Yan tayo eh!!

Ako'y isang tao
Na masahol pa sa demonyo
Pero lubos na nagbago
Simula ng ika'y makilala ko

Iyan ang matatawag natin na tunay na pagmamahal....Nagbabago...

Ako'y nakipagkaibigan
Na tinanggap mo ng lubusan
Hanggang sa panaho'y nagdaan
At naging matalik na magkaibigan

Dito nagsisimula ang lahat ehh!!  magkaibigan hanggang magka-ibigan....

Araw, Buwan, at Taon ang nagdaan
Ng sumagi sa aking puso't isipan
Pagmamahal ko sayo bilang kaibigan...
Ay iyon palang pagmamahal ko sayo, bilang aking magiging kasintahan

Hindi talaga natin maiiwasan maramdaman yan....Lalo na kung close na close na kayo..

Ako sayo'y nagtapat
Pagmamahal na nararapat
Sana'y tanggapin
Nang ika'y maging akin

Yey!! palapit na sa favorite kong part...Hhahahaha

Ika'y ngumiti
Na nakapagbigay sa akin ng kiliti
Ngunit nadaramang kiliti ay nawala
Nang bumigkas ka ng mga salita

part to ng kaibigan...Hindi po ako magsasabi kung lalaki o babae dahil kayo na po ang bahala....

"Ika'y aking kaibigan
Na ayaw kong masaktan dahil sa ating pinagsamahan
Ngunit ako'y magpapakatotoo
Kaibigan lang ang tingin ko sayo"

saklap nun!! pero atleast nagpakatotoo...

Iyan ang mga salitang kaniyang binitawan
Ngunit hindi ko matanggap ng lubusan
Mga salitang nakapagpahinto ng aking mundo
At pati sa pagtibok ng puso ko

Medyo oa po ang part....Hhahahaha...Pero sino tayo para manghusga?  wala tayo sa kalagayan niya....

Ngunit kahit ako'y lubusang nasaktan,
Sa mga salitang iyong bibitawan
At kahit hindi tayo'y hindi parin magbabago
Pagtingin ko sayo, Mahal ko...

Ganyan ang nagmamahal......Marunong magparaya....

At kahit hindi maging tayo
Basta mahanap mo ang makapagpapasaya sayo
Na alam kung hindi ako
Dahil ako lang ang kaibigan mo

ganyan dapat tayo....Kung hindi sila sasaya sa atin ay palayain na natin...Dahil pareho lang kayong mahihirapan sa huli.....Gusto mong mahalin ka niya kahit na alam mong may mahal siyang iba....Saklap niyan dude!! pero alam kong mahirap....

Puso ko na siya lang ang itinitibok
Na ngayon ay tumigil na sa pagtibok..
Isip ko na siya lamang ang palaging laman
Na ngayon ay naging blangko na ang isipan...

iyan ang mahirap sa atin....Masaktan lang sa una hindi na ulit uulit na magmahal....lets just think na kahit hindi kayo nagkatuluyan ng gusto mo ay palagi mong iisipin na may nakalaan sayo....Maaaring hindi pa sayo pinatagpo dahil baka natraffic lang hahaha joke...May tama kasing oras, araw, lugar ang hinihintay....Kaya dapat habaan natin ang pasensiya natin....Baka hindi mo nga alam nasa tabi mo na....

Ngunit ating alaala'y hindi ko kakalimutan
Na nabuo ng tayo'y maging matalik na magkaibigan...
Na patuloy kong aalalahanin,
Kahit tayo'y hindi naging magkasintahan

iyan rin dapat...na kahit hindi kayo nagtapos sa paraang gusto mo....Ay huwag mong kakalimutan ang mga nabuo niyong alaala ng magkasama....Mga masasayang alaala...Maaaring meron ring malungkot pero dahil sa pagdadamayan niyo ay parang naging bonding niyo na lang....( hayy!! para akong nagiging love guru dahil sa poem na ito....)

Hangad kong mahanap mo,
Ang taong nakalaan sayo...

Sana'y maging masaya kayo,
Kaibigan ko.....

at iyan ang panghuling saknong....Kahit hindi naging kayo ay huwag kayong magtanim ng sama ng luob...Tanggapin na lang natin ang ating pagkatalo at hilingin ang ikasasaya nilang dalawa....At para naman sa atin....Ayy mag move-on na....Sabi nga sa qoute ni Bob Ong....

"be WISE enough yo FORGIVE and STRONG enough to MOVE-ON..."

kaya kahit mahirap kayanin natin....Matuto lang tayong maghintay darating rin yung taong para sa atin....At huwag kayong magsasabing hindi kayo marunong maghintay...Eh bat pag lowbat na lowbat ang phone niyo...Di ba nagtiyatiyaga kayong i-charge at hinihintay niyo pangang mafull......

at diyan na nga nagtatapos ang pagsulat ko ng tula at pagbigay ko ng advice kung advice ba yun na matatawag.....Hayyy...Sana dama niyo....

**********************

Nag enjoy ba kayo? kung hindi pake ko! hahahaahaha charot lang....Iyon lang po....thanks...

Please dont forget to vote and feel free to comment....Thanks!! arigatou!!!

-timtherulebreaker

"FRIENDZONE"Where stories live. Discover now