IPAGLALABAN KITA

2.2K 35 9
                                    

SORRY FOR THE LATE UPDATE....  MAHIRAP KASI IPAGPATULOY ANG ISANG ISTORYA NA HINDI BUO AND FAITH MO MISMO SA GINAGAWAN MO NG KWENTO.... SORRY ITS ME AND MY ASHRALD HEART AGAIN... PERO SEEING SARAH'S SMILE HABANG NASA STATES SYA IS ENOUGH FOR ME TO BE INSPIRED... I LOVE SARAH GERONIMO

THANKS READERS........... AND SORRY KUNG MAY MGA WRONG SPELLING...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

IPAGLALABAN KITA

Sa: Ge!?...

Ge: babe, I already made a decision, hindi ko gagawin ang gusto nila, hindi ako lalayo sayo. dahil hindi ko kaya yon…. Hindi ko kayang hindi ka Makita, hindi ko kayang hindi marinig ang boses mo. Alam mo naman  kung gaano ako kasaya kapag kasama ka. Kahit gaano ako kapagod, nawawala tuwing magkasama tayo, kaya wag nila iutos sa akin na layuan ka..

Kitang kita sa mata ni Gerald ang sincerity ng puso nya, kung gaano sya ka sigurado sa bawat salitang binibitawan nya.

Sa: pero Ge, pag hindi natin sila sinunod.......paano ka? Paano ang career mo?

Hinawakan ni Gerald ang dalawang kamay ni Sarah

Ge: look Sarah, huwag mong alalahanin yon, kaya ko yon. Mag bibussiness ako, o kaya mag aapply ako sa ibang kumpanya, ibang trabaho… kaya ko yun … pero ang mawala ka , ang layuan ka, yun ang hindi ko

kaya….

Sa: makinig ka sa akin, naiintindihan kita, kahit ako, hindi ko alam kung kaya ko kung mawala ka sa akin pero….. let’s be practical, mahirap ang buhay ngayon, masuwerte tayo na binigyan tayo ng pagkakataon na magkaroon ng ganitong klaseng trabaho, sa palagay ko…..

Ge: ano?! Sa palagay mo ano?!

Sabay bitiw sa pagkakahawak sa kamay nito, at naglakad ng ilang hakbang papalayo dito.

Ge: na dapat sundin ko sila,…… ha Sarah…. Yun ba ang gusto mong gawin ko?

      

Mahina ang boses ni Gerald ngunit may diin ito.

Hindi makasagot si Sarah. Pinipigil niya ang kanyang sarili na maiyak, sobrang hirap....

Alam ni Sarah na nasasaktan niya si Gerald ngayon dahil nakikita niya na gusto nitong ipaglaban ang kung anuman ang meron sila, kung ang puso niya ang susundin niya, yun din naman ang gusto nya, ang ipaglaban ito. Pero kailangan niyang maging matibay at huwag hayaang mangibabaw ang gusto ng puso nila. Kailangan isipin niya ang ikakabuti nilang dalawa, lalo sa part ni Gerald. Dahil siya ang masisira ang career, dahil siya ang mawawalan ng mga projects. At hindi siya makakapayag don, dahil alam niya kung gaano kamahal nito ang career nya. Isa pa, kung mawalan sya ni trabaho, paano ang pamilya na sa kanya naka depend...... kailangan niyang maging malakas.... maging matatag.

Ge: Sarah, bakit ganon, bakit feeling ko ako lang ang nasa laban na to. Bakit pakiramdam ko simula pa lang gumive up ka na agad. Tell me Sarah am I really important to you?!

Sa: bakit mo ko tinatanong ng ganyan Gerald, bakit kinukwestyon mo ang nararamdaman ko para sayo? hindi mo alam kung gaano to kahirap para sa akin. Kung nahihirapan ka, nahihirapan din ako. Gerald Kung hindi ka importante sa akin sa palagay mo pipigilan kitang suwayin sila. E di sana hahayaan na lang kitang mawalan ng trabaho, na mawala ang career mo..  saka bakit hindi mo ba nararamdaman na.........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BEGINNING OF FOREVERMORE (sasa and gege saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon