Chapter 1 (Edited)

4.8K 56 5
                                    

"What time na ba?" Mahinang bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa paligid. 

Gosh ang dami talagang tao!

Bakit ba kasi late pa akong nagising ngayong araw na 'to.

Wala na, late na ako!

Kinagat ko ang labi ko at pilit na ngumingiti.

Ang tagal tagal din ng Train dito, Hindi rin ako makasakay kasi hindi ko kayang makipagtulakan.

Gusto ko na talagang maiyak pero naka-smile parin ako, I think nakakabawas siya ng pag ka-stress ko right now.

It's Monday and I'm late na.

May dumating na ulit na train at nagmadali akong pumasok pero dahil sa sobrang dami namin.

Wala at hindi ko kinaya, hindi na ako nakapasok.

Umatras ako dahil aalis na ang Train, At nakangiti akong hinayaan na makaalis ang train.

Shunga rin ako eh 'no? Hinayaan ko lang yung train na umalis, pero late na talaga ako!

Nakangiti ako ng matagal at nakatitig sa tren habang ito ay mabilis din na umaandar.

At nagulat na lamang ako nang diretso akong napatingin sa mata ng isang lalake at nakangiti parin ako hangang ngayon.

Sa sobrang gulat ko agad na lang akong tumingin sa iPhone ko.

Nakakahiya naman yun,baka isipin nya na nagpapapansin ako sa kanya.

Ilang saglit lang ay nakasakay na rin ako sa train at nakapasok sa University nmin.

Buti nalang hindi ako nalate sa subject namin ngayong umaga dahil wala naman pala kaming prof ngayon.

Umuwi lang ako tulad ng normal na araw na ginagawa ko.

Ngunit laking gulat ko nang kinabukasan ay muli ko siyang nakita.

Ang lalaking singkit na nginitian ko kahapon.

Nandun parin siya sa puwesto nya kahapon.

Teka bakit ganun? lagi ba siyang ganitong oras pumupunta dito?

O baka namn nag kataon lang?
Anyway, Mabuti pa na pumasok nalang ako.

Sumakay na ako ng tren agad, buti nalang talaga hindi marami ang tao ngayon dito sa lrt kaya naka sakay na ako kaagad.

Hindi naman kasi talaga ako sa buhay dito sa Maynila at hindi ko gustong makipag tulakan.

Nakarating ako ng maaga sa school, ang saya pala maging maaga.
Sana lagi nalang ganito, Dapat pala talaga maaga akong nag aasikaso hindi yung nag babagal pa ako.

Ang dami namin ginawa ngayon, feeling ko talaga hindi na fresh ang istura ko.

Dahil hangang gabi ako ngayon ay kinakailangan kong magmadali lumabas ng school kasi baka mag sara na ang lrt.

Tumakbo ako dahil 9 pm na at 10 pm ay wala na akong masasakyan.

Sa totoo lang, hanggang 8:30 pm lang ang klase ko pero dahil nag aya ang mga kaibigan ko kumain na muna kaya ako napatagal.

Actually, Hindi naman puro kain ang ginawa alam na kapag nag sama sama ang mag kakaibigan laging daldalan ang nagagawa kahit sa pag kain.

Pag dating ko sa lrt buti nalang may tren na agad.

Naupo na ako kaagad,grabe ang konti lang ng tao ngayon ah.

Sana ganito araw araw tuwing sasakay ako pero ganun talaga dahil nasa Maynila ako.

Siguro nga masyado akong ginabi ngayon.

Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag tulog.

Buti na lang at nagising ako bago pa ako lumagpas sa stasyon na bababaan ko kung hindi siguro naligaw na ako.

Nakauwi ako ng maayos at nahiga na ako nang kumportable sa aking kama.

"Grabe!  Thanks God! Talaga at wala akong pasok bukas" Masaya kong wika at humiga sa kama.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Binuksan ko muna ito at  maraming notification ang bumungad sa akin.

Napalaki ang mata ko nang makita ko kung gaano 'yon karami at mas laking gulat ko pa nang makita ko kung dahil yun saan.

Sa sobrang pag kagulat ko nalaglag ko ang cellphone ko!

Written by :pinkwing.C

Una Sa Lahat guys nagpapasalamat ako dahil pinili nyo ang story ko.
Sana mag enjoy kayo at may matutunan kayo.
Gusto ko lang din ipaalam sainyo na itong story na ito ay short story lang sya kaya 11 chapters lang sya.
If nagustuhan nyo naman sya feel free to message me , I'll make special chapters for you guys.

I Love you all Readers ❤

Unexpected Romance (Editing) Where stories live. Discover now