Kabanata 38

900K 36.2K 12.3K
                                    

Kabanata 38

Haunting

Tahimik kong niyakap ang aking mga tuhod, hinihipan ng mainit na tanghaling hangin ang aking buhok. Tanaw ang malawak na tubuhan sa harap, sa kabilang dako na ito ng Altagracia. I have no place to go. I could go and run to Leandro, but I want to make him to be excluded from this. This is all between me and my Dad, my family. Hindi siya dapat kasali sa gulong ito, kahit pa sinasali siya ni Daddy.

Isang buntong-hininga ang narinig ko galing sa kaibigang kanina pa ako tinatanaw. Tumayo si Nan at nagsalin ng pinangalahatian kong tubig kanina.

I bit my lower lip. Kanina ko pa siya kinakausap tungkol sa problema ko at nanatili siyang nakikinig. Nasabi ko ang nangyari sa bahay kaya hindi na rin naiwasan nang nabanggit ko sa kanya ang relasyon namin ni Leandro. She didn't say a word or any funny thing about it. Maybe because she knows what's ahead for me.

"Do you think Dad is right?" I asked softly.

Hindi sumagot si Nan. Tumabi siya sa akin at hinagod ang likod ko.

"Hindi na talaga matatanggal ang bahid ng sama ng loob sa aming pamilya. Maybe he's asking for something that's easy to understand but I can't just because I'm in love?"

"Chayo..."

"Maybe he's right to ask me to sacrifice this for our family? I just couldn't see his reason because I have my own."

"Chayo, maaaring tama na hindi na matatanggal ang bahid sa inyong pamilya pero hindi ikaw o si Leandro ang dapat magsakripisyo sa nangyari. Parehong nawala na si Tito Carlos at Tita Rosario, at dapat hanggang sa kanila lang ang kasalanan dahil sila naman ang gumawa."

Nilingon ko si Nan. Nagkatinginan kaming dalawa. She shook her head and smiled at me.

"You both tried hard to forget each other on your own. He fled, was supposed to be angry to your family, explored the world and probably met wonderful women... for him to come back here for you, despite the danger, I think that kind of love is haunting."

Hindi natanggal ang tingin ko sa kaibigan. Her eyes were gentle and her words coated with impact.

"You can sacrifice now and part ways, you know it will follow... and probably haunt you forever. Will you ever be happy, then? Cuz I think, it's the same for you."

Nangilid ang mga luha ko.

"Hindi ko inasahang magtatagal ka nang walang boyfriend, Chayo, college at hanggang ngayon. Iyon pala... may ibang nasa puso mo. Ilang taon ang lumipas, may trahedyang nangyari, pero ngayon... mahal mo pa rin siya. Tingin mo, kung iiwan mo ito ngayon, hindi ka babalikan kalaunan?"

It was very helpful to be with Nan in that moment.

"Mag-usap kayo ni Leandro. Alam kong ayaw mo siyang masali sa gulong ito pero tingin ko mas mabuting alam niya ang nararamdaman mo. Away n'yong mag-ama ito, pero kung iniisip mong iwan si Leandro para paluguran si Tito Luis, then you two should talk it out. Maybe you can arrive in a better conclusion. After all, he's smart and reasonable enough, Chayo."

Ang katahimikan din sa mansiyon nila ang naging dahilan kung bakit ako nakapagmuni-muni. Nakapagpahinga na rin ako sa kuwarto niya at naaalala ko noon kung paano sila naging concerned sa kalagayan ko, sa gitna ng trahedya.

I stared out of her room's window and slowly typed in a text for Leandro.

Ako:

Anong oras tayong magkikita? Puwede bang sa inyo na lang?

Ayaw kong masali siya sa gulong ito pero tama si Nan. I can probably open it up to him and carefully choose my words. Bukod pa sa nahihiya na rin akong halos buong araw nanandito sa kanila. Madalas pa akong napagkakamalan ng mga kasambahay na si Nan, at nagugulat kapag hindi.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon