Chapter 41 - Balang araw

359 8 0
                                    

"Besh okay ka lang ba?" napansin nyang tulala ang kaibigan.

Lumingon naman ito sa kaibigan, "Oo naman Ells, okay ako. Strong na to" sabay turo sa dibdib nya.

"May nakwento lang kasi LA sakin kahapon"

"Ahh yun, sorry besh last na yun promise!"

Niyakap naman sya ng kaibigan, "Den, tama na ha! It's time to let go, siguro naman sapat na yung panahon at effort na binigay mo para kay Alyssa para makita nya ang worth mo at na nagsisi ka sa nangyari sainyo."

"Oo besh, inuntog na ako ni LA, nagising na ko sa katotohanan, pagod na din ako."

"I'm sorry Den at kailangan mo pang maranasan ang ganyang klase ng pagmamahal"

*Ly Calling*

"Oh galing ng timing ah? di mo ba sasagutin?"

Ngumiti naman si Den at itinaas ang phone nya at pinatay ang cellphone nya.

Napailing naman si Ella.

"Tara na nga"

--

"Dennise!" parang musika naman sa tainga nya ang boses ng taong tumawag sa pangalan nya, napahinto sya pagpasok nya sa kotse nya at nilingon ang taong tumawag sakanya.

"Oh! Ly"

"Kanina pa kita hinahanap, tinatawagan pero patay cellphone mo"

"Ah busy kasi ako eh, ano ba yun?"

"Kasi may party mamaya sa condo ni Justine kasama ang team, nanalo kami kanina sa game"

"Ah talaga? Congrats." malamig na sabi ni Den at binuksan ang kotse nya para ilagay ang gamit nya sa loob.

Hinawakan naman ni Aly ang dalawang kamay nya at para syang nakuryente, "Kaya mag-cecelebrate kami, gusto ko andun ka"

"Ahh busy kasi ako, nagpapasama pa saakin si LA"

Sandali namang nagsalubong ang kilay ni Aly, "Oh bat parang napapdalas ata ang paglabas nyo ni LA?"

"Bakit anong masama dun? kaibigan ko yung tao."

"Wala naman, kung gusto mo isama mo nalang sya after nyo sa lakad nyo"

"Bahala na, update nalang kita. Una na ko" At pumasok na ito sa sasakyan nya at iniwan si Aly na nakatayo sa parking area.

--

"Wow! besh! iba ka!" asar ni Ella.

"Baliw! sabi ko naman sayo diba, OPLAN PAGBABAGO" 

"So anong plano mo? pupunta ka pa ba mamaya?"

"Syempre hindi na, diba nga iiwasan ko na sya? Isa pa may lakad naman talaga kami ni LA"

Napatili naman si Ella na agad hinampas ng kaibigan.

"Aray ko ha! Para saan yun?"

"Anong para saan yun? Ikaw para saan yung tili mo, ang ingay-ingay mo mamaya pagalitan nanaman tayo dito"

"Sorry naman! Kasi naisip ko lang naman na baka gusto mong pumunta sa party nila Aly kasama si LA?"

"Sus ella! di naman ako mag-eenjoy dun alam mo yan!"

"Pero alam kong mag-eenjoy ka kapag nakita mong nagseselos si Alyssa" at taas-baba naman ang kilay nito.

"Para kang tanga, wala na nga atang epekto si LA kay Alyssa eh actually ako pala wala nang epekto kay Alyssa"

"Ayaw mo ba malaman kung ano na ba talaga ang status mo sa puso ni Alyssa?"

Tinignan lang ni Den ng masama ang kaibigan.

"Imagine besh walong buwan kang sunod ng sunod kay Alyssa, alam naman natin na after ng nangyari last sembreak sobrang laki ng pinagbago ni Alyssa, bumalik sya sa dating sya. Hindi mo na naramdaman simulo noon na mahal ka talaga nya"

"Eh ano naman? Tapos na yun besh, ayoko na isipin at balikan ang mga yun."

"Isang beses lang naman kayo nakapag-usap ni Aly ng masinsinan after sembreak, yun yung nilinaw nyo kung ano na ang status nyong dalawa"

"Alam ko naman na yun Ella, ang sabi nya hanggang kaibigan lang muna ang maibibigay nya saakin dahil nag-heheal pa sya, malinaw naman sakin pero ako lang itong tanga"

"Kaya nga kailangan nyo pa ulit mag-usap, kapag nagselos pa naman si Alyssa sobrang nakakatakot"

"Hindi ko gusto yung balak mo besh, ayoko naman masaktan si LA, ayoko gamitin sya para lang magselos si Alyssa"

"Hay nako! AKo nabahala kay LA, alam mo kung patangahan lang naman kayong dalawa, panalo na yung tao na yun"

"Ang sama mo naman, para namang sinabi mong--"

"Shh! quiet! Magkaiba naman kayo ni Aly, si LA hindi mo naging jowa at malinaw talaga na kaibigan lang talaga ang turing mo sakanya, Eh si Alyssa may past kayo pinaparamdam nyang ayaw nya na sayo pero hinahanap ka nya kapag kailangan ka nya"

"Besh tama na nga!"

"Ahh basta pupunta tayo sa party ha! Kasama ako, gusto ko makitang pinag-aagawan ka eh!"

"Alam mo napaka-supportive mo besh, paano naman kung deadma na talaga? Edi nagmukha akong desperada?"

"Haay sorry besh! may gusto lang akon iparamdam kay Alyssa"

"Ano naman yun?"

"Yung manghinayang sya sa nawala sakanya"

Muntik naman maiyak si Dennise sa sinabi ng kaibigan at agad itong niyakap "Hayy nako Ella, paano nalang kung wala ka, baka nagbigti na ako"

"gaga! ikaw talaga, alam mo maraming mas deserving sa love na ibinibigay mo kay Aly eh! Huwag mo hayaang masayang yan ha!"

Tumango lang si DEn at yumakap ulit, "Thank you Ells"

"Welcome besh! Oh tama na drama, go get dress kailangan yung pinaka sexy ka ha!" sabay kindat

"Baliw"

---

Narinig na nila ang isang mahinang katok sa pintuan ng kwarto nila.

"Ready Ladies?"

"Den, andito na prince charming mo!" sigaw ni Ella at mabilis namang bumungad si Den sa pinto.

Natulala naman si LA,"Luis! Laway mo!"

"Baliw ka talaga besh! Hay nako Luis wag mo nang pinagkakausap yan si Ella ha!"

"You're so beautiful Den" 

"Ehem! Wala pa masyadong ayos yung bestfriend ko nyan"

"Alam nyo kayong dalawa pag-uuntugin ko na"

"Pero seryoso Den, ang ganda mo, actually palagi ka namang maganda eh! iba lang ngayon"

Napangiti naman si Den sa sinabi ni LA, "Salamat. Siguro kasi unti-unti ko nang pinapalaya ang sarili ko kay Alyssa"

"Oh diba nakaka-fresh kaya smile besh! Chin up! and flaunt that boobie"

Nahampas naman agad ito ni Den, "ELLA! kahit kailan ka talaga!"

"Ikaw din kahit kailan mapanakit!" at nagtamputampuhan naman si Ella.

Agad naman niyakap ni Den ang kaibigan "Sorry na besh! Sorry ikaw naman kasi"

"Oo na, tara na nga para ma-accomplish na yung plano ko!"

"Hay nako! Ella kapag palpak to, ikaw ang sasaktan ko"

"Uy grabe ka sakin LA, syempre hindi ko na hahayaang masaktan si Den ni Aly!"

"Tama na please! group hug nalang!" sabi ni Den.




Yes or No? (either way I love you..)Where stories live. Discover now