Para Sa'yo (OneShot)

443 17 26
                                    

Tahimik na nadatnan ni Jeremy si Jane sa loob ng kanilang kwarto habang busy sa harapan ng kanyang laptop. Hindi malaman ni Jeremy kung paanong pagbati ang gagawin sa asawang halatang kanina pa naghihintay. Hindi siya mapakali sa likuran ng kanyang asawa habang nag-iisip ng magandang pagbating gagawin. Gayun na lang ang taranta nya ng akmang haharap sa kanya ang asawa.

"Teka Jane huwag ka na muna humarap." Pag-pigil nya sa asawa. "Pwede bang hayaan mo muna akong..." Hindi na nya nakuhang tapusin ang sasabihin ng biglang magsalita ang kanyang asawa.

Lumayo ka na sa akin, wag mo kong kausapin, mula kay Jane

"Honey let me explain." Sagot ni Jeremy.

Parang awa mo na, muling sambit ni Jane.

"Makinig ka muna please. Huwag ka na muna magsalita. I know may alam ka na at alam ko din na mas minabuti mong hindi na lamang mag-salita. Na imbes na magalit ka at awayin ako ay mas pinili mong tumahimik at hindi magbago. Sobrang guilty ko sa mga nagawa ko. Alam kong sa kabila ng katahimikan mo ay isang babaeng nasasaktan. Pero sa maniwala ka man o hindi, wala naman nangyari. Walang namagitan sa amin ni May. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kanya o kanino man. Aaminin ko, na-temp ako pero maniwala ka honey, hindi kita niloko. Nagkamali ako, pero mas imporante sa akin ang pagmamahal ko sayo."

Katahimikan lang ang naging sagot ng kanyang asawa. Mas lalong nabahala si Jeremy dahil hind man lang umimik si Jane matapos nyang magpaliwanag.

"Honey, wag ka naman ganyan oh. Ayoko ng tahimik ka, natatakot ako. Kung galit ka sabihin mo, saktan mo ko, sampalin mo ko, sigawan mo ko. Mas gusto kong ipakita mong galit ka. Hindi ko talaga ginusto ang mga nangayari, pero sa maniwala ka o sa hindi, nalabanan ko ang sarili ko. Naipaglaban kita at ang pagmamahal ko sa'yo."

HINDI AKO SANTO, sigaw ni Jane habang padabog na isinara ang kanyang laptop.

Laking gulat ni Jeremy sa hindi inaasahang kilos ng kanyang asawa. Agad-agad nitong niyakap ang asawa mula sa likuran at paulit-ulit na sinabing "Mahal na mahal kita Jane, patawarin mo ko please."

"Ho-honey? kanina ka pa ba dyan?" gulat na sabi ni Jane.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Jeremy.

"Sorry honey hindi ko namalayang nandyan ka na." sagot nito matapos alisin ang headset sa kanyang tenga. "Nakikinig kasi ako ng Para Sa'yo ng Parokya. Nakatodo kasi yung volume kaya hindi ko namalayan na nandyan ka na pala." Paliwanag nito. "Teka, umiiyak ka ba?" tanong niya ng mapansin ang pagpupunas ng mata ng asawa.

"Umiiyak? Hindi." Pag-deny nito.

"Ah. Eh bakit may pag-yakap ka kanina?" tanong uli ni Jane.

"Namiss lang kita honey, sobra. Teka, wala ka bang narinig sa sinabi ko kanina?" tanong ni Jeremy.

"Sorry honey, wala eh. Tungkol ba saan yun?" balik na tanong ni Jane.

"Seryoso?" paninigurado nitong tanong.

"Wala nga. Sorry na honey. Pwede paki-ulit mo na lang from the top." Malambing na nakangiting sagot ni Jane.

"Ah wala namang importante dun. Hayaan mo na." sagot nito.

"Ganun ba? Sigurado kang hindi importante yun ah?" pangungulit ni Jane.

"Oo hindi importante. Kumain ka na ba? Nagutom ako sa overtime namin eh."

"Ang tagal naman kasi ng overtime mo." Sabay tingin sa wall clock. "Ala-una na ng madaling araw oh."

"Sorry honey ah. Kailngan ko lang talagang tapusin yun." Paliwanag nito.

"Okay lang." maigsing sagot ni Jane.

"Tara kain na tayo?" pagyaya ni Jeremy.

"Wala akong ganang kumain eh. Hindi ko din kasi alam ang gusto ko kainin." Pagtangi ni Jane

"Ilang araw ko ng napapansin na wala kang ganang kumain. May sakit ka ba?"

"Wala akong sakit." Sagot nya. "Kakainit ko lang ng pagkain na nasa mesa, gusto mo bang pag-handa kita?"

"Hindi na honey, ako na. Bihis lang ako sandali."

"Sigurado ka bang wala kang ibang sinabi kanina? Baka meron ha?"

"Wala honey." pagkasabi nito'y lumabas na ng kwarto si Jeremy.

Nang maiwan si Jane mag-isa sa kwarto, isang malalim na bunting-hininga ang kanyang pinakawalan bago mulang harapin at buksan ang kanyang laptop. Sana naging honest ka na lang Jeremy, sambit nya sa kanyang isip ng muling umpisahang basahin ang mga screenshots ng PM sa kanyang facebook account.

From May :

This is May again.
I know you've read all the messages I sent you since your husband and I start dating.
And also our date and out of town pictures together.
Alam mo I don't know kung maiinis ako or matutuwa sa pananahimik mo.
Ewan ko ba kung martyr ka o sadyang TANGA ka lang talaga.
It's been 6 months but I never heard anything from you
Even Je haven't told me that you'd been fighting over this matter.
Manhid ka ba? O nang-iinis ka?

I expected you to confront me or Je
Yung tipong makikipag-away ka at ipagtutulakan sa akin si Je.
But you kept yourself quiet about this.
Like what I already said from my previous messages.
It's not my intention to fall in love with Je, but I'm too weak and just fell for him.
He's super sweet and caring and I felt important and loved.

I guess ganito ka talaga kung lumaban pero aaminin ko mas effective yang ginagawa mo dahil habang tahimik ka eh mas lalo mong nahahawakan si Je sa leeg.
Hindi ka nya mabitawan.
I don't know if it's because of love or guilt na lang.
Pero kahit ano pa yan, hindi ka nya maiwan sa kabila ng katotohanang he also like me.

Hopefully, this will be my last message, I'm leaving the country. I mean we are leaving the country. Yes, Je will go with me.
Actually we're here at the airport waiting for boarding.
Finally, we'll be together.
I am not asking for your forgiveness kasi alam kong that's too far from happening.
But I hope you understand. It's better this way, kesa naman habang buhay ka nyang saktan.

I still wish you the best. This is goodbye.

Hindi mapigilang ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Jane matapos mabasa ang messages ni May. Ngayon lang nya nakuhang umiyak simula ng malaman nya ang panloloko ng asawa. Akala nya ay hindi nya na muling makikita pa ito.Pinipilit nyang pakalmahin ang sarili habang inililigpit ang kanyang laptop at ang headset na sa simula pa lang ay hindi gumagana.

"Mahirap man ang magpanggap pero kailangan kong magpakatatag PARA SA'YO, ANAK." sabay hawak sa tiyang nagsisimula ng lumaki.

-end-

Para Sa'yo (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon