PITAKA

132 2 2
                                    

Alas tres na ng hapon at Si aling Maria ay mabilis na nagtungo sa palengke upang makapa bili ng ulam pang hapunan para sa kaniyang anak at biyenan .Naisipan niyang maglakad nalang dahil malapit lang naman ang pamilihan mula sa kanilang tahanan. Sa kahapunang tirik ang araw siya'y naglalakad sa loob ng palengke, palingon lingon siya na naghahanap ng mga sangkap para isahog sa bibilhin niyang ulam , at habang abala si Aling Maria sa paghahanap ng mabibili ay may nakabangga sa kanyang batang punit-punit ang damit at madungis , "Paumanhin po Lola di ko po sinasadya ,pasensya na po talaga" ang sabi ng bata "Ano ba! galit na sagot nito " Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo , palengke ito hindi playground takbo kasi ng takbo" . "Pasensya na po di ko po talaga sinasadya" nakayukong sumagot ang bata tsaka tumakbo ulit ito na umalis tila bang may hinahabol ang bata.

Nagtungo si Aling Maria sa tindahan ng mga karne " Pabili nga ng isang kilo neto" turo niya sa karne ng baboy, "dalawang daan ho inay" sambit ng tindera. Habang nakaabot ang tindera kay Aling Maria ng naka supot na karne , siya namang pagbukas niya ng kanyang maliit na bag, at bigla siyang napasabi ng " walang hiya " ,"bakit ho inay anong problema?" tanong ng tindera . "Walang hiya nadukutan ata ako, nawawala yung pitaka ko" galit na sagot nito habang dinudukot lahat ng kanyang bulsa, "Naku marami talagang mandurukot dito sa palengke nay, kunwari babanggagin ka iyon pala'y nadukutan ka na pala nila" At biglang pumasok sa kanyang isipan ang batang nakabangga sa kanya kanina lang, "Pasensya na ineng hahanapin ko lang yung batang nakabunggo sakin kanina , malakas ang kutob ko na siya ang dumukot sa pitaka ko,walang hiyang bata iyon", "sige ho" sagot ng tindera. Umalis na si Aling Maria mula sa tindahan ng karne, at hinanap niya ang bata .

Di kalayuan ay natanaw niya ang batang nakabunggo sa kanya malapit sa botika, mabilis siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng bata , at nang makalapit na siya, ay siya ring paghablot niya sa likurang bahagi ng kanyang damit at tuluyang napunit ang dati ng punit-punit na damit ng bata. "Walang hiya kang bata ka, mandurukot ka! kunwari babangga ka yun pula nadukutan mo na ako!" galit na galit na sigaw ni Aling Maria sa bata na nakaagaw ng atensyon ng mga abalang mamimili at nagtitinda sa kalagitnaan ng maalinsangang pamilihan. " Ha? ano pong pinagsasabi niyo, wala ho akong alam jan , pera ko po ito mula sa pangangalakal ko ng basura, upang may pambili ng gamot ang aking nanay, malubha na po kasi ang kanyang karamdaman at mahinang mahina na po siya kaya ako na po ang naghahanap buhay dahil sa kalagayan ng aking ina" sagot nito sa matanda na medyo mangiyak'iyak na. "Sus maryosep! lumang rason na yan wala na bang bago? Akin na nga yan " at hinablot ang tatlong daang piso sa maduming kamay ng bata. "Naku wag po, pera ko po talaga yan , parang awa niyo na po, may sakit po talaga ang nanay ko kailangan kong makabili ng gamot" Umiiyak na pagmamakaawa ng bata sa matanda. " Sa police outpost ka magpaliwanag ,wag mo kong dramahan walang hiya ka" sigaw ng matanda sa bata, at ng tinanggal na ng matanda ang pagkakahawak sa damit ng bata na siya naman paghawak niya sa kamay ng bata at pilit kinaladkad ang batang nakapaa'paa sa kalagitnaan ng palengke patungong outpost, tuloy ang pag-iyak at pagmamaka'awa ng bata sa matanda pero hindi pa rin ito umubra sa kanya, kaya pinilit ng batang pumiglas mula sa magigpit na pagkakahawak sa kanya ng matanda. " hoy! walang hiya kang bata ka bumalik ka dito " sigaw ng matanda pero deretso pa rin sa pagtakbo ang bata nang walang paglingon.

Huminga ng malalim si Aling Maria at hinayaan nalang dahil nabawi naman na niya ang pera ,kaya bumalik siya sa kanyang pinagbilhan ng karne at iniabot ang bayad ,at siya ring pag-abot ng tindera ng nakasupot na karne. Di kalayuan ay may biglang malakas na hiyawan mula sa labas na dinig sa loob ng buong pamilihan at napalingon ang mga tao sa bandang labasan ng palengke ,at habang papalapit si aling Maria ay narinig niya ang isang babae na nagsabing " kawawa naman yung bata nabundol ng jeep , di manlang kasi nag-iingat deretso lang na tumatakbo sa pagtawid ,at sa kasamaang palad binawian siya agad ng buhay" , Tahimik lang si Aling Maria at sumilip siya sa duguang bangkay na natakpan ng dyaro na siyang pinaliligiran ng maraming tao, pamilyar sakanya ang suot ng bata ,punit punit na damit ,madungis na kasuutan, walang sapin sa paa, Napaisip nalang siya na, 'ambilis talaga ng KARMA'.

Umalis nalang ang matanda at naisipang umuwi na lamang dahil hapon na. Nang nakarating na ang matanda sa kanilang bahay, sinalubong siya ng kanyang anak na babae, " San kayo galing Nay ano yang dala dala ninyo? tanong ng kaniyang anak. "Sa palengke anak bumili ng ulam natin panghapunan" sagot niya , "San kayo kumuha ng pera pambili niyo? , nasa mesa pa yong pitaka niyo naiwan niyo kanina, akala ko may pupuntahan lang kayo sa labas kaya di ko na kayo tinanong..

Wakas

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PITAKAWhere stories live. Discover now