Chapter 1

18 1 0
                                    

        Yahoo! New school, new friends, new experience!. At last!, Mama and Papa sended me already dito sa isa sa mga sikat na magical school sa City namin. Ang Animelandia Village.

"Wow!" napa-wow ako as I entered the gate of the village. Napaka-daming students. Ang saya saya! This is it! my dream! Nagpatuloy ako sa paglalakad, ginala ko ang aking mga mata sa surroundings ng school.

"Omg! ang cute nila!" sabi ko habang tinitingnan yung dalawang babae na nagtransform bilang cute na mga pixie. Then, lumipad na sila na tila naglalaro ng habol-habolan.

        Tapos, tumingin na naman ako sa kabilang side. Nakita ko ang isang babae na hawak-hawak ang isang remote control at pilit na pinapalipad ang isang laruan na helicopter. Katabi nya ang higanteng robot at sa likuran nya naman ay may parang nakatayo na shower na umuulan ng . . CHOCOLATES!! *p* OHH MY!. Tumutulo na ata yungt laway ko. Grabe! Napakatalino siguro ng babaeng yun! Biruin nyo? Shower na umuulan ng chocolates? Diba heaven? Isali mo pa ang isang higenteng robot sa tabi nya. Grabe!

        Nagpatuloy na ako sa paglalagad, ini-ikot-ikot pa rin ang paningin sa buong village. May naglalaro, may nagchichika at may nagbabasa ng libro.

"Calling all the FRESHMENS, please proceed to the DUEL COURT"

        Narinig ko na lang ang isang boses na nagsasalita sa buong village. Huminto ang lahat, then nagsitayuan na at parang pupunta na sa DUEL COURT. Yung iba naging ibon at lumipad na, yung iba naman naging fairy tapos lumipad na, yung iba naman sumakay sa ULAP, sa DRAGON, sa HELICOPTER at kung saan saan pa. Hanggang sa ako na lang ang natira dun sa may entrance.

"Hah? San ba yung duel court?" tanong ko sa sarili ko. My god! Baka mawala ako nito, wala pa naman akong kakilala dito. Di bale! sasabay na lang ako sa kanila.

"Again, calling all FRESHMENS to please go to the DUEL COURT now"

        San ba yung daan patungo don? Dito? -turo sa kaliwa- o dito? -turo sa kanan-. Ahh bahala na! dito na lang ako sa right. Naniniwala kasi ako sa kasabihang " DO RIGHT ALWAYS! " . Naks!. Nagsimula na akong lumakad patungo sa direksyon na yun. Dala-dala ko ang isang libro, at may dala rin akong bag na nakasabit sa likod ko (packbag in short).

"Beeep, Beep! Padaan!"

        Lumingon ako sa likod kung saan nanggagaling ang boses and . . . .

-BOOOOOOOGGSSHHHHH!-

        Awe! >o< Napa-upo ako sa lakas ng pagka-bangga nung bagay na yun.

"Aray!" narinig ko ang isang boses ng babae. Tumingin ako habang hinahaplos-haplos ang ulo ko. Grabee! ang sakit! . . . Then nakita ko ang isang babae, may golden yellow na buhok at may malaking hair bow na puti sa ulo nya, hawak hawak nya ang isang . . .BROOM STICK?

"Oi girl! Sorry a? Okay ka lang ba?" tanong nya sa akin. Tumayo ako sa pinulot ang libro ko na nahulog. Lumapit ako sa kanya ang innalayan sya para makatayo.

"Ahh okay lang ako" sagot ko. "Bakit mo ba kasi ako binangga!?"

"E kasi, nagmamadali na ako e, pupunta sana akong DUEL COURT"

"Ahh. So freshman ka?" tanong ko.

"Oo, ikaw rin?" tanong nya habang pinupulot yung broom stick nya. Ano ba to? Mangkukulam ba to?

"Ahh oo , teka . .  ano yan? Broom stick?" tanong ko sa kanya sabay turo dun sa walis.

"Ahh. parang ganun na nga, pero invention ko to, mas mabilis pa tong umandar kaysa sa mga mamahaling sasakyan" explanation nya.

The Fivebulous (On-Going)Where stories live. Discover now