Prologue.

1.4K 44 7
                                    

Dedicate to my Idol, Kuya Soju. Haha. Hello. ^^

PROLOGUE:

Marami akong pangarap pero simple lang naman ang gusto ko sa buhay.

Sana mahalin ako ng aking magulang…

“Walang hiya kang bata ka! Sinasamahan ka na nga sa buhay, wala ka namang kwenta! Dapat sayo binubugbog nang matauhan! Isip ang paganahin, wag puso! Hay wala ka talagang kwenta! Bakit ka pa nabuhay sa mundong ito! Mas maganda sayong mamatay! Mamatay ka na sana punyeta kang bata ka!”

Sana itigil na ng mga kaklase ko ang pambubully sa akin.

“Isabela! Halikan mo ang paa ko! Kung ayaw mong tanggalin ka sa school na ito! AHAHAHA. Aba aba. Teka. Umaangal ka? Bakit? May ipagmamalaki ka na ba sa akin?! Sabihin mo! Wala di ba?! Wala! Kaya sumunod ka sa mga inuutos ko kahit ikamatay mo pa yan! Tandaan mo, ako ang anak ng may-ari ng school na to! Wala ka namang kwenta sa mundo na to eh! Oo, tama ka. Wala kang KWENTA!”

Sana hindi na ako naloko at nagpaloko sa isang lalaki.

“Ganyan ka ba kadesperada, Isabela? Ang sabi ko sayo si Sabrina ang tunay na mahal ko! Kaya pwede ba? Tumigil ka na sa kakaiiyak mo dahil nakakaasar ka. Napaliwanag ko na sayo ang lahat kaya pwede ba tigilan mo na rin ako?! Niloko lang kita!”

Pero hindi… hindi natupad iyon. Ginawa ko naman ang lahat ng aking makakaya upang sundin sila, unawain sila, intindihin sila, at respetuhin sila.

PERO ANONG GINAWA NILA? SINIRA NILA ANG BUHAY KO. ANG LAHAT NG MGA PANGARAP KO AY PARANG ISANG BULA NA NAWALA NALANG SA ISANG IGLAP.

Kaya ako, si Isabela, gagawin ang lahat ng aking makakaya upang gantihan, saktan, pagmalupitan, pag-laruan, at patayin sila.

IsabelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon