Chapter 2

47 6 0
                                    

Chapter 2

Simula ngayon

"Walang magagawa ang sorry mo!" sabi ng isang boses.

"Yan ang dapat sayo! Dahil sa ginawa mo manganganib kami!" sabi nanaman ng isa pa.

"Wala kang kwentang kaibigan!" at may isa ulit.

Ayoko na! Tama na! Tapusin na natin lahat ng to! Please.. leave me alone!

May lalaking bigla na lang sumulpot sa kawalan. Hindi ko siya maaninag.. Nababalot siya ng dilim. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Kilala ko to.. Siya ang mahal ko!

"Kinamumuhian kita Fritz. Akala ko safe ang sekreto namin sayo. Akala lang pala yun. Pinagkatiwalaan ka namin pero anong ginawa mo? Tama na. Ayoko na rin Fritz. Simula ngayon galit na ko sayo." sabi ng lalaking mahal ko.

Naglakad na siya palayo. Every step he takes made my heart break into pieces.

Sandali! Wag! Wag kang umalis! Wag mo kong iwan please.. Mahal kita SAM..

Hinabol ko siya ng hinabol pero hindi ko siya maabutan. Ang mga tinig na ginagawa ko ay parang hangin lamang na walang tunog. Nawalan na ba ko ng boses? Ito ba yung kapalit ng lahat ng ginawa ko? Bakit?..

Sam! Bumalik ka please! Sam!

Nagising ako sa maliliit na mga kamay na tumatapik sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko ang isang batang babae na mangiyak-ngiyak na gumigising sakin.

"Ate! Akala ko.. Akala ko po di na ikaw gigising.. Natakot po ako ate.." sabi niya habang yakap ako ng mahigpit.

Pasensiya ka na kung pinag alala kita.

Teka.. Bakit di ko maisatinig iyon?

Nginitian ko na lang ang batang babae at niyakap din sya pabalik. Hindi ko alam na mabait sakin ang batang kung makatingin kanina ay ako si Devil.

"You're awake." sabi nung lalaking tumulong saken. Nasa may pinto pala siya. Tinanguan ko lang siya at nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng silid.

Simple lang ang ayos ng kwarto pero mahahalata mong ginastusan ito. Light green ang kulay ng kwarto at may bintanang pweding makapasok ang magnanakaw dahil walang safety grills.

May kurtina itong dark mint green. meron ding medyo malaking closet na medyo malapit sa bintana. Katapat ng bintana ang kamang hinihigaan ko.

Kulay mint green na maganda sa mata ang bedsheet. May mga rabbit na pink at blue sa paanan ng kama. May lampshade sa tabi ng ulunan at study table sa tapat ng right side ko, nasa left side naman ang pinto.

Gusto ko ang ayos at kulay ng kwartong ito. Sana ganito ang kwarto ko. Subalit hindi pu-pwede.

"Ate kain ka na po.. Kailangan mo pong magpalakas." sabi nung bata sabay tapat ng kutsara sa bibig ko. Kinain ko lahat ng ibinibigay niya dahil kapag tumatanggi na ako ay nagtiteary eyes siya.

"Sino kayo?" sa wakas at naisatinig ko rin. Akala ko tuluyan na akong nawalan ng boses.

"Ako po si Elthea Madeline! Pwede mo po akong tawagin sa palayaw ko na Thea o kaya Mads. 10 years old na po ako. Kuya ko po yung kambal kanina sa kotse." mabilis na sagot ng batang babae na si Mads.

"Mads, leave us alone for a while. I want to talk to your ate." sabat naman nitong lalaki.

"Okay kuya Sherwin! Bye ate! See you later!" she kissed my cheeks then ran away. Sherwin pala ang pangalan niya. Sinarado niya ang pinto at umupo sa kama ko.

"Now tell me.. Who are you?" basag ko sa katahimikan.

"I'm Sherwin Angelo M. Hercosa. 18 years old. Pinsan ko si SAM. Oo, isa ako sa kanila. Dinala kita dito dahil simula ngayon dito ka na titiraㅡ" I cut him.

"Paano ang pamilya ko?! Hindi pwede! Pagagalitan nila akㅡ" and he cut me too.

"Don't worry.. Naayos na namin lahat ng yan. Dahil sa ginawa mo ito ang magiging parusa mo. Mapapabilang ka saamin at wag ka munang sumabat dahil hindi pa ko tapos! Kailangan mo kong patapusin magsalita!" sabi niya sa baluktot na tagalog.

"Kami ang magiging kagrupo mo dahil ayaw sayo ng phoenix. Lahat sila galit sayo. Ito ang kwarto mo. Magpapalit ka ng pangalan at pagkatao. Hindi ka na pweding magpakita sa kahit sino sa pamilya o relatives at mga malalapit mong kaibigan. Dahil simula ngayon, sa paningin nilang lahat ay patay ka na."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Pero mas nagulat ako sa huling sinabi niya.

Simula ngayon ay magtatago na rin ako, katulad nila. Simula ngayon aakalain ng lahat ng tao ay patay na ko. Simula ngayon wala ng Fritzie G. Valentino na namumuhay sa mundo.

The ConsequencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon