entry#2

6 0 0
                                    

Wala pang nag-ku-comment. Wala sigurong interisadong kausapin ako. Di bale na nga muna. Magmu-monologue na lang muna ako.

Ako nga pala si Jess. Siyempre, joke lang yan. Bakit ko naman sasabihin ang totoong pangalan ko? Anyway, FYI, 24 na ako. Oo, isa na akong responsible adult (daw), single, nakatira kasama ng pamilya, may trabaho, maganda – yan ang sabi ng nanay ko. Hindi siya liar. Mabait yun, kaya nga kinuha na ni Lord.

Mahilig ako magbasa (obvious ba? Kaya nga ako may wattpad account eh), magbasa, at magbasa. Noong unang panahon, nahilig ako sa pocketbooks at manga. Ayun, lumabo ang dati kong my precious na mata. Tapos na-uso pa ang ebook. Patay kang bata ka. No choice ako kung hindi magpa-prescribe ng salamin. Pero di ko na muna sinusuot yun ngayon.  Gusto kong i-try ang theory of use and disuse ni Lamarck. Joke. Nawala ko kasi yung salamin ko. Wala pa akong pambili ng bago (at medyo gusto ko rin talagang i-try yung theory na iyon. Alam mo ba kung ano yun?)

Wala akong boyfriend. NBSB. Kung hindi mo pa nahuhulaan, marami kang maririnig sa akin tungkol diyan. Hindi rin ako ligawin, pero maganda (ang mag-object dadalawin ng nanay ko). Madalang akong magka-crush pero kung may kakilala kang kamukha ni Ian Somerhalder o David Beckham, itago mo na sila. Malakas akong ma-obsess. Minsan ku-kwentuhan kita ng mga crushes na kina-obsess-an ko.

Ikaw sino ka? Magkwento ka naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Whom It May Concern: Hindi Ito Isang KwentoWhere stories live. Discover now