Runaway (OneShot)

202 7 10
                                    

Habang nakasilip sa bintana, habang hinampas ng hangin ang aking mukha, hindi ko mapigilan mapangiti at magsabing “What a perfect bright day.”

Nasa kaligtnaan ako ng aking pagmumuni-muni, isang hindi mo mawaring lalaki o babae ang lumapit sa akin. “Its time.” Wika nyang nakangiti sa akin.

Tinilungan nya akon tumayo sa kinalalagyan, naramdam nya sigurong nanghihina ako’t nanginginig ang mga tuhod. Dala na marahil ito ng ilang buwan preparasyon, halos walang kain-tulog at ang magkahalong saya at kabang nararamdaman ko. Inalalayan nya ako hanggat makarating sa isang pintuan, pintuang magbubukas ng bagong yugto ng aking buhay.

“Iwan na kita dito, hantayin mo na lang ang pagbukas ng pinto.” Pagkawika nito’y narinig ko ang isang awiting pamilyar sa aking pandinig.

“Say its true,

There’s nothing like me and you,

Im not alone,

Tell me you feel it too.”

“I have runaway,

I have runaway, yeah yeah

I have runaway,

With you.”

Lalo ata akong kinilabutan habang naririnig ang kantang kasalukyang inaawit ng aking mga pinsan. Hindi ko ma-explain, parang ayaw lumakad ng aking mga paa. Ganito ba talaga ‘to?

Dahan-dahan bumukas ang pinto, liwanag ang syang sumilaw sa aking mga mata. Nang dahan-dahan kong nakasanayan ang liwanag, nakita ko ang mga bulang nagliliparan. Nakita ko rin ang ibat-ibang matang nagkikislapan. Mga matang nakangiting nagaabang sa aking unang paghakbang.

Suot ang pulang gown na ako mismo ang nagdesenyo, hawak ang bulaklak na ako mismo ang pumili, inihakbang ko ang aking kanang paa sa red carpet na nakalatag sa gitna ng daanan. Kasabay ang aking ama’t ina sa pag martsa, sabay sa saliw ng tugtugin ng kanta, dahan-dahan kong tinahak ang gitna ng daan patungo sa lalaking nagaabang sa aking pagdating.

Ganito pala talaga, nasagot na rin ang aking katanungan, kaya pala, kahit anong pilit mong lumakad ng mabilis, ang mismong paa mo ang magdidikta sayong paghakbang.

Sa kabila ng kaba nangingibabaw ang tuwa, sa bawat taong aking makikita, puro saya ang madarama. Nandirito ang lahat, ang lugar na ito ay naayon sa nais ko. Mga bulaklak, mga decorations na kabilin-bilinan ko. “Perfect. This day is really perfect.”

Looking forward to the man waiting in me. Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang excitement nya, yung parang tipong nais na nya akong salubungin at buhatin patungo sa dambana. Katabi ang kanyang mga magulang na pawang saya rin ang dama. Natuwa ako sa aking nakita, “focus, focus. Malapit na, malapit ng maghawak ang aming kamay.“

Kasabay matapos na kanta, Nagtagpo rin ang aming mga kamay. Nang mga oras na ito, nawala na ang mga agam-agam sa aking isip. Ang mga kaba’y napawi ng lahat. Habang hawak ang kamay ng lalaking nangako sa akin ng habang-buhay, lumakas ang aking loob harapin ang panibagong yugto ng aking buhay.

Sabay namin tinunga ang altar. Nakita namin ang ministrong nagagalak din makita ang aming pagdating. Sa bawat hakbang, kasabay ang tibok ng aming mga puso. Sa bawat hakbang, tangan ang panalangin sa isat-isa.

Habang ang lahat ay nakatayo, handa na ang seremonyas. Perpekto na sana ang lahat.

“Kung sino man ang tutol sa kasalang ito, magsalita na o habang buhay ng manahimik” bungad na bati ng ministro.

Tahimik ang lahat, nang may babaeng sumigaw, galit ito.

“Itigil!!!" nagtinginan ang lahat ng tao sa pinangalingan ng boses. Miski ako ay takang napatingin sa kanya.

"Itigil sinabi eh." ulit nyan sigaw.

"sinabing itigil ang Jeep na ito!!!.” [/I]sigaw nya ng malakas.

“huh?”

“Kanina ko pa sinabing para, hindi ako naririnig ng driver. Ba naman napakalas ng tugtog ng Runaway ng the Corrs.”

Toinks! At doon nagising ako sa katotohan, nangangarap lang pala ako.

Runaway (OneShot)Where stories live. Discover now