My Own POV! [Click Me?]

443 17 12
                                        

Hello! :)) If you're thinking that this is a story or stuff, well.. hindi po. Just wanna share my own wattpad story. Chos! Hindi, pero ito nga po is like, basta di ko alam how to describe eh. Just read na lang po, okay? ;)

Hello po ulet! I'm Ms. Anonymous! Sikretong malupet ang name eh! ;) So eto nga. Before po kasi, hindi talaga nag-eexist ang wattpad sa mundo ko. But nung March ngayong 2012, before summer, na'discover ko siya. Alam niyo how? Sige, sige, kukuwento ko sa inyo. Ganto kasi yun.. Yung mga classmates ko kasi, lagi na lang nag-uusap about "Cross" & "Eya", tapos minsan nga may mga "Cookie Monster" pa and stuff. So ayun, one time, narindi na talaga ako. And at the same time, na-courious ako. Kasi nga lagi na lang na pag kasama ko sila, wattpad! wattpad! wattpad! So ako? Ayun, NGANGA! Audience sa conversation nila. So, tinanong ko na nga sila, "Heyy! Guys, ano ba talaga yang wattpad na yan at mukhang mahal na mahal niyo ha! At nakalimutan niyo na ata na nag-eexist ako dito sa tabi niyo!" Sabi naman nila, mga online stories daw na parang novels yun na gawa'gawa ng kung sinu-sino. Ako naman, syempre narinig ko na stories daw yun so ang lola niyo, na-excite! Eh kasi i'm a big fan ng novels. Mga English nga lang. Alam niyo yung Twilight Series? That's my fave. Nabasa ko na nga yun hanggang Breaking Dawn eh! Share lang! Hahahaha :)) Okay, back na sa kinukuwento ko. Ayun nga, ayaw na ayaw ko ng mga Tagalog na stories, novels and stuffs. Specially, yung mga pocketbooks? Oh-no-no! I despise pocketbooks. Why? Basta! Hahaha! So after ko malaman na Tagalog stuffs pala yun, edi si ako todo taboy sa wattpad. Eh kasi for me, ang cheap'cheap ng Tagalog stuffs.

Pero dumating yung time na na-convince nila ako na magbasa sa wattpad. Yes.. finally! Ewan ko nga kung anong nangyari eh, basta bigla na lang na parang I feel like reading. Siguro dala na din ng boredom. Summer vacation kasi yun, diba? So, may times talaga na wala akong magawa. Yung first nilang pinabasa sa akin is yung Diary ng Panget by HaveYouSeenThisGirl. Nung umpisa, iniisip ko na ang cheap ko na kasi nagbabasa na ako ng Tagalog. Pero habang tumatagal sa pagbabasa, i noticed myself na lang na tumatawa mag-isa sa tapat ng computer. Minsan, ngingiti-ngiti pa out of kilig. And may times pa na sobrang mamumula ako sa galit dahil sa mga pinaggagagawa ng mga kontrabida dun sa story. And, isa pa , ay talagang nagpupuyat na ako kakabasa. Ang di ko pala alam, yun na nag umpisa ng Wattpad Fever ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Sorry naman daw sa wagas na tawa. Eh kasi imbento ko lang naman yang Wattpad Fever na yan. Eh sa feel ko mag-imbento eh! Care niyo ba?! Whahahahahahaha. XD

Anyways, ayun na nga, everything started there. Simula noon, naadik na ako sa kakabasa ng stories sa wattpad na dumating pa nga sa point na inuumaga ako sa kakabasa. Hahahaha! Sabi pa nga sakin nung mga friends ko na pumilit sa akin na magbasa sa wattpad is, "Uy! Mas adik ka na sa wattpad kesa samin ah! Grabe kung magbasa eh, parang wala nang bukas!" Eh anong magagawa ko? Kasi kapag sinabi ko sa sarili ko na, "Okay. Stop muna ako here. Kailngan ko nang matulog." But wala din. Ipinatay ko na nga yung computer, pero yung cellphone ko! Temptation eh! Para bang sumisigaw ng, "Yoohooo! Open mo ako and basa ka sa wattpad! Saan ka nga ba nag-stop magbasa? Dali, ituloy mo na! Maganda na yung next scene dun eh!" ganun, grabe lang eh noh? Pati cellphone ko nagawa kong pagsalitain? Hahahahaha!

Tapos alam niyo yung feeling na natatapos niyo yung stories na completed na, na yung may mga tipong 60 - 80 chapters in just 3 to 4 days? Alam niyo yun? Ay girl! I feel you! Randam kita! Ganyang-ganyan din ako eh! Eh kasi guys and girls, we all know naman kung gaano ka-ganda ang mga stories sa wattpad debuuuuuuuuh? So, that's the result. Inuumaga sa kakabasa. =)))))) 

Kaya, lahat nga mga pinagsasabi ko sa mga friends ko na nag-intoriduce sa akin ng wattpad..

"Ay ayoko magbasa diyan! Ew! Super corny!"

"Ehhhh! Ang cheap-cheap! Grabeeee!"

"Ano ba makukuha ko dyan? Sasakit lang naman mata ko sa kakabasa eh! Wala akong mapapala! Duhh!"

"I hate wattpad and never will I read stories from there."

Ayun! Lahat yun kinain ko! Grabe, super kakabusog nga eh! Masyadong madami akong sinabi, kaya ayun nabusog na ako and lumobo na ang tummy ko. Tapos nagkaanak ako na puno ng judgement ko sa wattpad before ko pa man yun magustuhan. Pero siyempre isang malaking joke lang yun. Malamang! Ano ko? Biglang magkaka-anak?! Haaaaaaaay, sorry po. Nababaliw lang po ako! Hahahahah! XD 

Yun lang naman. Shinare ko lang sa inyo? Relate ba kayo? ;) Basta ang masasabi ko na lang ngayon. I love wattpad na. I love na din yung mga authors na super nag-inspire sakin dahil sa mga works nila! I dedicate this po kila..

HaveYouSeenThisGirl

AnneBernadetteCastueras

modernongmariaclara

Alesana_Marie

forgottenglimmer

---- Sila yung mga author dito sa wattpad na pinaka-idol ko! Kasi yung mga stories nila.. yun yung mga stories na never ko makakalimutan. Yung mga characters nila na kinakiligan ko, tinawanan ko, iniyakan ko and kinagalitan at kinainisan ko. Sila na! Sila na yung mga best authors here sa wattpad for me. 

Masyado na akong mad-drama, nobela na nga to eh. Chos! Whahahaha! XD Sige, hanggang dito na lang ako at baka maiyak pa ako, mga dudes! Kung hanggang ngayon, binabasa niyo pa rin ito, thankyouuuuuuuuuuuu! ^_______________^ kasi umabot ka hanggang dito. Ilablablabyouuuu! :**

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

By the way guys. Since nandito na din naman kayo, pwede humingi ng favor? Pwede pa-fan? Namumulubi po kasi ako sa fans. =________= Sigi na, fan mo na ako! Mahal naman kita eh! Tska, message mo lang ako, i'fa-fan din kita! Thankyouuuuuuuuuuu! ^_______________^

One more thing, may story nga po pala ako na isusulat, sana abangan niyo ha? Ipopost ko na po yung Prologue! Salamaaaaaaaaaaaaaat!:))))

My Own POV! [Click Me?]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora