He Got Me 3

88.9K 1.4K 21
                                    

Duncan:

"Don't make him stressed, yun ang mas makakabuting gamot sa Papa mo iho... Dahil ang sakit sa puso bigla bigla yang umaatake... Let him stay here for how many days or maybe a week para lalo siyang gumaling. As of now he is unconcious. Kapag nag kamalay na siya i will check up on him again kung may naging epekto ang heart attack sa kanya.. Mabuti na lang at mild heart attack lang kung hindi baka hindi na niya kayanin sa susunod.."

Hindi maalis alis sa isipan ni Duncan ang huling sinabi ng doctor sa kanya. Don't make him stressed....
Nakaupo siya sa tabi ng kama ng VIP unit nang kanyang ama. Malayo ang kanyang iniisip...Iniisip niya ang kondisyon nito ngayon. For almost one week na pag-iistay nito sa hospital ay isang beses palang nagkamalay ito. Saglitan lang at nakatulog ulit. Agad naman na nacheck-up ito noong magkamalay at nagising..

Chineck ang vitals at health nito. Ok na ito..ngunit nagpapahinga pa ito at hindi pa masyadong nakakarecover.

Hirap itong magsalita pero marahan nang naiilibot ang mga mata nito na tila may hinahanap. S

si Marion.. alam niyang kahit hindi magsalita ang kanyang ama ay hinahanap nio ang dalaga.


Nang lumayas si Marion ay may isang linggo na rin ang nakakaraan... Dahil nga pinalayas niya hind ba?
Hindi na niya ito naabutan sa bahay ng makauwi niya galing sa hospital.

Tinotoo nga nito ang banta. na magpapakalayo na.

Shit!..... He cussed himself!...How can he be stupid para gawin iyon sa dalaga..


Nang sampalin siya nito ay natauhan na lang siya na mali ang lahat ng lumabas sa kanyang bibig! Maling mali siya sa ginawa sa dalaga.

For how many years na pagtrato niyang parang isang basahan si marion....
Ngayon niya lang napagtanto na gago talaga siya. He didn't mean anything to hurt her feelings pero kusa na lang lumabas ang mga iyon sa mga bibig niya.

Maybe he was blaming her..

For what HE really did.

Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit inatake ang ama niya pero hindi niya maamin sa sarili niya na siya ang dahilan.
Pinagpipilitan lang ng utak niya na si Marion ang lahat ng may dahilan nito..

Pinagbintangan niya pa ito na may balak na masama sa kanilang ama! GAGO TALAGA SIYA!
Hindi niya masisisi sa sarili niya dahil na rin sa laki ng epekto ng nakaraan sa kanya.
Before they were living as a happy family.. With a dad and a mom..

He thought they could stay like that forever..pero hindi pala... Iniwan sila ng kanyang ina, ang sabi ay pinalayas daw ito ng kanyang ama. Akala niya noon ay isang malaking pagaaway lang yun ng mga magulang niya, Pinilit niyang pakiusapan ang kanyang ama na ibalik sa bahay ang kanyang ina pero hindi ito nakinig at pinagbalewala ang lahat...
Nagalit siya dahil sa tigas ng ulo ng ama. Kahit hindi niya alam noon ang nangyari. Mas lalo lang siyang nagrebelde dahil akala niya ay ang ama niya mismo ang nagpalayas sa kanya.

Lumayo ang kanyang loob .sa ama.at ipinangako niya sa sarili na kapag siya ay lumaki na ay hahanapin niya ang kanyang ina.
Nagawa naman niya yun pero napagtanto niya ang totoong nangyari. Lumayas ang ina niya dahil sumama ito sa ibang lalaki at tinangay ang malaking pera nila ng kanyang papa.


Walang puso na ina! Kaya eto ang epekto sa kanya ngayon. Ang wag magtitiwala sa kahit na kanino at sa kahit na kakilala.


Pero sa tuwing nakikita niya si Marion. Lagi niyang naiisip na isa ito sa hindi gagawa ng mabuti sa kanila, balang araw ay aalis din ito at pababayaan sila.
Natrauma? siguro nga..

He Got Me Pregnant!Where stories live. Discover now