Chapter 8 (Pagdadamayan)

6 1 0
                                    

"Stef Point of View"

Pa ano ba! Tama na!
Aahhhhhh!
Nagmamakaawa nako sa tatay ko na itigil nya na yung pagbugbug saken pero wala tuloy parin siya ano pa nga ba ang magagawa ko eh lagi naman ganito lagi nya naman ako sinasaktan kahit wala akong ginagawang masama. Parang hindi nya ko anak kung saktan nya ko.
Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko matagal nakong nagpakamatay.

PA ANO BA! TAMA NA! SAWANG SAWA NAKO! LAGI NALANG GANITO! ANAK NYO KO PA! DAPAT IKAW MISMO YUNG NAGPOPROTEKTA SAKIN!

MAGPAKALALAKI KA MUNA BAGO KITA TULUYANG MAGING ANAK!

Magpakalalake pa? Bakit kasalanan koba na ganito ako? Sinubukan ko pa sinubukan ko na maging lalaki para sayo kaso wala eh anong magagawa ko kung ganito talaga ako!
Sana naman pa tanggapin nyo ko! Hindi lang bilang anak kung di bilang isang anak na bakla. Sana matanggap mo ako pa!

Kung hindi mo babaguhin yang sarili ko lumayas kana dito.
Sabay hagis nya saakin ng bag ko.

Pano na naman ako ngayon nito? Hindi naman pwede na umasa na naman ako kanila ai mas lalong hindi pwede na bumalik ako don kase KAILANGAN KONG PATUNAYAN NA YUNG BAKLANG PINAGTABUYAN NILA MAY MARARATING SA BUHAY.

Tumatawag sila ai sa phone ko pero diko sinasagot dahil sa mga iniisip ko. Hinahanap narin nila ako kase di ako pumasok nang hindi nagpapaalam sa kanila tuwing absent kase ako nagpapaalam ako sa kanila pero ngayon hindi. Dahil hindi ko alam kung anong dahilan ang isasagot ko sa kanila at kapag nalaman nya susugod na naman yun sa tatay ko walang takot yung babaeng yun eh sana nga naging mag kasing lakas kami ng loob. Andito ako ngayon sa isang calenderya dahil wala akong dalang pera naki inom nalang ako ng tubig ang tanging dala ko lang ay yung bag na ang laman ay nga gamit ko sa school ni isang damit wala.

"Aiana POV."

Sumagot ka naman stef. Alalang alala na kami.
Dinadial ko yung number nya habang iikot ikot sa canteen dahil hind ako mapakali pano ba naman ngayon lang naman hindi yun pumasok ng walang paalam at hindi sumasagot sa cellphone nya

Uminahon ka muna ai hindi makakatulong yan. Pinaupo ako ni ryee sa tabi nila.

Puntahan na kaya natin sa bahay nila insan? Para malaman natin kung anong nangyayari dun.

Oo nga bes baka mamaya binubugbug na naman ng demonyo nitang tatay yun eh.

Mabuti pa nga ano tara na? Pagyaya samin ni laycem.

Dalawang kotse ang dala namin magkakasama kami ni insan sa kotse ni kelly habang yung tatlo naman dun sa kotse ni laycem.

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa bahay nila stef. Hindi sila mayaman hindi rin sila mahirap sakto lang ang pamumuhay nila. Pero yung nagpapaaral sa kanya ay ang kanyang tito na bading din hindi sya pinapaaral ng tatay nya dahil nga sa bakla sya. Yung nanay naman nya namatay dahil sa aksidente doon simulang gumuho ang mundo ni stef dahil ang kaisaisahan nyang kakampi ay nawala. Pero hindi naman namin pinaramdam sa kanya na nag iisa sya.
Bumaba na kami at tumungo sa bahay nila stef nauuna ako sa kanila. At ako narin ang kumatok.

Pag bukas sumalubong sa akin ang mukang demonyo na tatay ni stef. Di nako magtataka kung laging nakakubot ang noo nito at mukang nakakatakot eh sa kwento kase ni stef kinatarakutan sa lugar nila ang tatay nya. At isa pa malaking lalaki ito.

Oh? Andito na naman ang suwail at bastos na kaibigan ng anak kong bakla.

Ganon ang tawag nya sakin dahil nung huling nagkita kami walang takot ko siyang sinagot sagot.

Ano ang kailangan mo dahil kung wala babalik nako sa pagpapahinga istorbo ka!

Tatanong ko lang kung andyan ba si stef hindi kase pumasok.

Ah yun ba? Yung baklang yun ang hinahanap mo. Wala dito pinalayas ko na dahil wala akong anak na bakla.

Ano? Pinalayas mo? Sabay sabay na tanong naming lahat.
Bakit mo pinalayas si stef? Anak mo sya kahit na sabihin mong bakla sya anak mo parin siya hindi ba nagpakahirap kayo ng asawa nyo na buuin sya. Tapos ngayon pagtatabuyan nyo sya edi sana hindi nyo na sya binuo! Alam mo tatay ka dapat isa ka sa nagpapasaya at bumuobuo't kumokumpleto sa kanya pero hindi eh isa ka sa dumudurog at nagpapababa sa kanya. Anong klase kang ama?!

Wag mokong masagot sagot nang ganyan hindi ikaw ang nagpalaki kay stefhen at hindi rin ikaw ang bumuo ng isang lalaking anak para lang magong bakla!

Yun na nga eh binuo mo sya bilang lalaki pero naging bakla sya at dapat tinatanggap mo yun alam mo bang mahal na mahal ka ni stef at ang tanging gusto nya lang ay ang matanggap mo sya ng buo at mahalin mo.
Nakita ko sa mga mata ng tatay ni stef na nasaktan sya sa huling sinabi ko.
Per pinilit nya paring maipagsagutan sakin akala nya naman magpapatalo ako.

At anong gusto mong gawin ko ngayon? Tanggapin sya? At tanggapin ang mga masasamang sinasabi ng mga kumpare ko na may anak akong isang bakla. Na isa akong sigang tigasin at may anak na bading ganon ba?

Bakit nyo kase iniisip ang sinasabi ng iba? Dapat ang isipin nyo ang yung anak ninyo na nasasaktan. Tao rin si stef gaya nyo may damdamin at nasasaktan. Kung kayo nga diba ayaw makarinig ng salitang masasakit dahil isa siyang bakla sa tingin mo ba siya gusto nya yun lalong lalo na sa ama nya mismo nararansan yun. Yun ang pinakamasakit na sa sarili nyang kadugo at sa inyo na sarili nyang ama. Gusto lang naman ni stef ang pagmamahal na galing sa inyo at kung hindi nyo talaga syang kayang tanggapin kami. Kami nalang ang tatanggap sa kanya tanggap naman talaga namin sya simula nung una namin syang makilala.

O edi sige tanggapin nyo sya kung gusto nyo wala nakong pake dun kya umalis na kayo at wala akong balak na ubusin ang oras ko sa inyo.

Alam kong nasaktan ng kahit konti ang tatay ni stef dahil sa mga sinabi ko pero nagmamatigas parin siya.

AI lets go hanapin nalang natin si stef.
Pag yaya saken ni ryee. Nasa unahan ang kotse nila ryee at sumusunod lang ang kotse na sinasakyan namin sa tuwing may madadaanan kaming convenience store tumitigil kami para sumilip kung nandoon ba si stef hanggang sa may nadaanan kaming calenderya at naroon si stef nakatulala.

Bes si stef. Sabay turo ni kelly kay stef nakita narin siguro nila ryee dahil huminto sila. Huminto narin kami at bumaba.

Bekssss! Niyakap ko si stef at yumakap narin si eli at kelly.
Juskooo naman stef bat hindi ka manlang sumasagot?

Nagpunta kami sa inyo. Paliwanag ni ryee na tila nagaalala

Sabi ng tatay mng dimunyu pinalayas ka daw nya. Edi hinanap ka namin.
Hindi ko na sinabi kay stef yung iba pa naming napagusapan ng tatay nya dahil mas lalo lang makakaguko yun sa isip nya.

Ahmmm stef dun ka muna sa bahay magstay papayag naman si mom wag kana bumalik dun patunayan mo na mali siya.

Tutulong din ako stef sa mga iba mong gastusin. Kelly

Pasensya na kayo ah hindi pa kasi nagpapadala yung tito ko.

Ano kaba stef wala lang yun. Eli
Nagyakapan kaming tatlo.

By the way stef alam naba ng tito mo toh?

Hindi pa pero wala akong balak na ipaalam sa kanya makakadagdag lang yun sa mga problema nya eh

Kumain kana ba?
Tara na dun kana sa bahay kumain

Nagpaalam na kami sa isat isa nila ryee at umuwi sa bahay muna namin mamamalagi si stef hanggang matapos yung ganito hanggang sa tanggap na sya ng tatay nya.






It's ComplicatedWhere stories live. Discover now