1

8 0 0
                                    

We talked all through the night and the funny thing is ito yung first time ko na hindi nag-kama ng babaeng kinausap ko sa isang bar...it's like okay na ako ng kahit mag-usap lang kami...na parang nakaraos na rin ako kahit wala naman talagang nangyari.

Masayang kasama si Elle. Walang dull moment. Nalaman ko rin na isa pala syang engineering student at pareho pa kami ng University na pinapasukan.

Nakilala ko rin ang group of friends nya. To tell you honestly, hindi naman pala mahirap makihalobilo sa mundo nya. Ibang klase kasi syang babae eh, hindi complicated, hindi yung alam nyo na...hindi yun lang ang hanap at higit sa lahat wala sya nung aurang clingy.

Elle: So since pareho pala tayo ng university na pinapsukan, ano pala ang course mo?

Ako: Bale Medtech ang kinukuha ko. Graduating na naman, sa awa ng Diyos.

Elle: Ang astig mo naman, wala sa itsura ng isang rakistang tulad mo na medtech pala ang course mo. Akala ko kasi taga CAS ka eh (College of Arts and Sciences), BS Psychology...mga ganun ba .

Ako: Choice ko din yan pero may nagsabi kasi sakin na mag-medtech daw ako kasi marami akong matutulungan pag ganun at saka--

Yun...biglang sumingit si Jerwin, yung bassist namin. Actually kasi buong banda iisang university lang talaga kami kaya super close namin sa isa't-isa.

Jerwin: *May pag akbay pa sa amin* At alam mo ba na SUMMA CUM LAUDE ang gagong ito pag-graduate nyan. Nakakainis din ang isang ito eh, walang effort na naging summa cum laude. Buset ka tsong...

Ako: Ulol! Kasalanan ko ba? Nagpapagaya naman ako pag exams ah...

Jerwin: Nagpapagaya ka nga pero sa minor subjects lang naman...kainis...kelangan ko pa tuloy mag-completion  sa advance engineering mathematic...buset talaga.

Ako: Gago! Eh dun lang naman kasi tayo nagiging mag-ka-klase...duh! Mag kaiba kaya tayo ng major subjects...Civil Engineering tapos medtech...ano naman kaya yun nuh.

Jerwin: *Malapit na akong pektusan* Minsan alam mo, sarap mo ring iumpog sa pader eh...mabobo ka man lang kahit konte...maging 200 man lang IQ mo...buset.

GRASP!!! 

At napatingin kami sa pinanggalingan ng sound na iyon at yun si Elle pala.

Elle: S-sobrang talino mo pala?!

Ako: Kung o-oo ba ako, magiiba na ba ang tingin mo? Magiging weird na ba ako sa paningin mo?

Elle: Of course oo, magiging alien ka na sa paningin ko. (sinamaan ko ng tingin) De joke lang. Syempre lalayuan na kita. Joke lang ulit, eto naman di na mabiro eh. Eh sino ba naman mag-aakala na sa likod ng pagiging flirt mo at jerk eh matalino ka pala to think na ang mga jerk eh...alam na .

At alam nyo ba na nakakapagod ang buong gabing iyon dahil ng malaman ni Elle na genius ako eh ung anu-ano na ang pinagtatanong sa akin na kesyo ilang cells daw ang namamatay kada araw sa isang human body...tapos meron pa ilang buto daw meron ang isang normal na tao at last na daw na kung may nagsu-survive daw bang isda sa tangke ng puro dugo.

Syempre nasagot ko naman lahat ng iyon pero hindi pa pala doon nagtatapos ang kalabaryo dahil marami pa syang tinanong sa akina and kahit nakakapagod sumagot natutuwa pa rin ako kasi talang masayang-masaya sya na nasasagot yung mga wirdong tanong nya.

Mag tu-2 na rin siguro ng umaga ng matapos ang kwentuhan ng buong barkada. Sinuwerte pa nga ang ilang bandmates ko dahil nakahanap sila ng chix. At ako...eto...nga-nga, joke lang...actually, I' contented. Okay lang sa akin na umuwi ng solo ngayong gabi at isa rin yun sa mga first time na nagyari sa akin.

"Dude! Sinong mag-uuwi dito?"

At paglingon ko sa Tinuturo ni Skye eh nagulat ako...kasi hindi ko naman alam na nakatulog na pala si Elle sa sobrang kalasingan. Itong babaeng ito talaga.

Although, nung gabing yun lang kami nagkakilala eh malakas na talaga ang kutob ko na magiging close kami nitong si Elle dahil hindi naman mahirap pakisamahan ang isang 'to. Saka ang gaan-gaan kasi ng pakiramdam ko kapag kasama ko sya eh, siguro kasi naghahanap ako ng kapatid na babae since only child lang ako and mabye sa kanya ko nahahanap yung mga traits na gusto ko sa isang kapatid na babae.

Lumapit ako kay Skye at sinabing ako na ang maghahatid. 

Tinanong ko ang kaibigan ni Elle na si Shiela kung saan ang bahay nito at sinabi nya kung san ito nakitira ang kaso, sobrang layo ng lugar at medyo antok na rin ako, mahirap magbyahe kung ganon dahil baka mapahamak pa kami. And so, bumagsak kami sa last option...

Ang patulugin sya sa condo ko.

HowWhere stories live. Discover now