SHE'S DIFFERENT 37 - Mio's True Love [Part 2]

12.1K 200 12
                                    

**37**

Mio's POV.

"Yocteau.. I'm back."

Parang gulat na gulat siya sa nakita niya.

"Mio? Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh.. ehh.." Binigyan ko siya ng ngiting mejo nahihiya. "I won't betray you.."

Tumayo siya sa upuan niya at pumunta sakin.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you.."

"I won't leave you, Yocteau.. Wag ka na malungkot.."

Hinaplos-haplos ko ang buhok niya.

Kumalas siya sa yakap niya sakin at umupo ulit.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo? Naaalala mo na ang lahat diba? Meron kang magandang buhay, masayang nakaraan. Hindi ka dapat nandito."

"Pero nung mga panahon na wala akong alam sa mundo, ikaw ang nagturo sakin nun, Yocteau. Binigyan mo ko ng mga bagong memories, bagong buhay."

"Pero nadumihan ang mga kamay mo dahil sakin."

"Ginusto ko yun, Yocteau. Dahil naiintindihan kita.. kelangan mong gawin ang mga bagay na 'to."

Napa-facepalm siya.

"Sana hindi ko na sinabi sayo ang nakaraan ko.."

Nainis ako sa sagot nya.

"Yocteau! Wag mong sabihin yan! Nung sinabi mo sakin yun, nung nakapag-open up ka, diba gumaan yung pakiramdam mo? Diba sumaya ka kahit kaunti lang? Kaya mong pagsisisihan yung desisyon mo!"

"Idiot.. Idiot.." Tumingin siya sakin at napangiti ng palihim.

Masaya siya.

Natutuwa ako.. kasi masaya siya.

"Anong plano mo, Yocteau?"

Lumapit ako sa kanya.

"Nothing. Hihintayin ko nalang na kunin nila ang buhay ko."

SHE'S DIFFERENT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon