"12 A.M"

330 8 0
                                    


"CHRISTINE MAGDANGAL"
inshort "MAGDA"

Madalas akong naiiwan sa bahay dahil sa trabaho ng aking ina at ama.Malimit din akong mag-isa dahil nga wala sila kaya nga minsan natatakot rin ako para sa sarili ko.Simula ng malipat ako rito sa San Pablo Laguna hindi ko na maintindihan ang mga pakiramdam na nararamdaman ko.Bago lang kasi iyon para sa akin.Yung tipong kapag sumasapit na ang gabi nanlalamig na ako at linulukob ang buong katawan ko ng matinding takot.Isang pangamba ko pa ay ang bahay na linipatan namin.Hindi ko alam kung anong misteryo ba ang nakatago sa bahay na iyon.
Minsan ng maalimpungatan ako ay pasado alas dose na ng gabi nun.At dahil sa matinding uhaw napagpasyahan kong lumabas ng kwarto.At dahil madilim kinapa ko pa ang switch ng ilaw pero agad akong napapiksi ng makahawak ako ng malamig na bagay.Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa leeg dahil sa takot at nagsimula ring tumambol ng malakas ang puso ko.Ayoko ko mang ituloy ang paglabas ko ay kailangan dahil bukod sa nauuhaw ako ay naiihi din ako kaya bahagya kong linimot ang matinding kaba.
Nang mabuksan ko ang ilaw napahinga nalang ako ng maluwag at mabilis ko ring tinakbo ang kusina.Agad akong uminom ng tubig at sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nahulog ang baso.Dahil sa nataranta na ako hindi ko namalayang nasugatan na ako.Napasinghap ako ng makitang umalpas ang dugo sa palad ko.Pero agad akong napatingin sa likod ko dahil may nakita ako sa basag na baso na mukha ng isang babaeng duguan.Ilang beses akong napalunok at tinampal tampal ang sarili para kumbinsihing hindi iyon totoo.Siguro dahil lang sa lungkot kaya ako naghahalucinate pero sa loob ko buhay na buhay ang takot at pangamba na totoo iyong nakita ko.
Nagkibit-balikat nalang ako at nanginginig na tinungo ang lababo upang hugasan ang sugat ko.Nang matapos ang pagdurugo ay tinungo ko naman ang banyo.Isang pusang itim naman ang gumulat sakin .At dahil nasanay na akong makita ang pusang iyon gabi gabi ay hindi ko nalang ito pinapansin.
Kinabukasan ,Naisipan kong magwalis sa bakuran pero napatigil ako ng dumating si Manang Elsa-ang kapit bahay naming may katandaan na.Tinanong niya ako kung bakit laging makalat ang labasan ng bahay namin.Natawa ako ng bahagya dahil doon.Kahit anong linis ko kasi pagsapit ng gabi at kinabukasan sobra namang dumi.Nagkalat ang mga basura..Hayyzz..Sinabi ko sa kanyang baka gawa iyon nung pusang itim na laging nagpupunta sa amin pero para siyang naestatwa dahil sa sinabi ko.Tinanong ko siya kung anong problema pero umiling lang siya.May ipinakita siya sa aking litrato at nagulat ako ng makita ko ang larawan ng isang itim na pusa na kagaya ng pusang umaaligid lagi sa bahay.Tumango ako at sinabing iyon ang pusang nakita ko.Nalilito na ko sa mga reksyon niya na parang namomroblema siya na ewan.
Mas lalo kong ikinagulat ang sunod niyang sinabi.Na patay na daw ang pusang iyon pati na ang nagmamay ari noon kaya lalo akong kibabahan.Marami siyang ipinakitang larawan sakin, Ultimo pagkamatay ng pusang iyon at ang amo niya.Nakakatakot ang sinapit nila.Ginahasa ang dalaga at binitay samantalang ang pusa ay linuto ng buhay.Kaawa-awa!
Gusto kong sabihin ang mga nalaman ko sa nanay ko pero busy sila kaya sinarili ko nalang iyon.
Hanggang ngayon ramdam ko parin ang presensya nila na parang nandyan lang sila sa paligid at humihingi ng hustisya sa pagkamatay nila.

"Horror Stories"Where stories live. Discover now