Best friend

97 6 4
                                    

(Single po si Karylle sa story na to, Bakla pa rin si V)


General POV

Late nang nakauwi si Vice sa bahay niya. Kakatapos lang kasi ng taping nila ng GGV at medyo na stress siya konti sa pag amin nila ng nobyo niyang si Ion para sa birthday special episode niya.

Pagkatapos nilang magdinner with his boyfriend umuwi siyang bakas ang pagod sa mukha, naabutan naman niya ang kaibigan na nagbabasa ng libro at tila hindi napansin ang presensiya niya.

Karylle's POV

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at alam kong dumating na ang best friend ko. Di ko siya pinansin dahil sa mga nakatagged na pictures at nababasa kong tweets tungkol sa pag amin nila ni Ion ang boyfriend ni Vice.

Nagseselos ako, matagal ko nang mahal ang best friend ko, kaya nga hindi ako tumanggi nung inalok niya akong magstay dito sa condo niya. Mas madalas na ako dito kaysa sarili kong condo kasi sabi niya sa akin mas makakatipid at di na daw ako mapagod sa layo ng byahe kasi mas malapit unit niya sa ABS. Pumayag naman ako at umuuwi nalang ako sa condo ko pag walang Showtime.

May naramdaman naman akong tumabi at yumakap sa akin kaya napataas ang kilay ko. Naglalambing na naman ang bakla.

"Akala ko di ka uuwi bakla." Ang lambing ko dba? Hahaha

"Makabakla ka naman, halikan kita diyan e." Tugon niya

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya kaya tumayo na ako at nagpaalam sa kanya na mauuna na ako sa kwarto. Pero bago paman ako tuluyang makaalis hinawakan niya ang kamay ko sabay hila kaya napaupo ako sa lap niya pagkatapos inakap niya ako mula sa likod. Di ko siya maintindihan akala ko masaya siya? Diba dapat masaya siya Kasi sa wakas di na niya tinatago relationship niya with his boyfriend. Naguguluhan ako sa kinikilos niya ngayon.

"Vice, please wag mo akong paasahin." Bulong ko pero sinuguro kong hindi niya maririnig.

"Vicey, may problema ba?"

"Kurba, bakit ganon? Di ba dapat masaya ako kasi okay na sa management na mag out kami ni Ion, pero bakit parang di ako masaya?"

Hinarap ko siya habang nakakandong pa rin ako sa lap niya at hinawan ang mukha niya. Bakas sa mukha niya ang pagka confused sa nararamdaman niya.

"Baka na stress ka lang sa mga pangyayari. May nabasa ka ba sa Twitter?" Umiling lang siya bilang tugon habang nakatitig pa rin sa akin.

"Masaya ka kay Ion?"

"Oo" pabulong niyang sabi pero sakto lang para marinig ko.

"So, anong problema?"

"I don't know, after ng dinner namin inaya niya ako sa condo niya pero tumanggi ako kasi gusto kong umuwi dito sa bahay."

"Why? Momol na sana kayo ngayo-- aray!." Natatawang sagot ko sa kanya at kinurot pa talaga ako Ng bakla!.

"Eeh! Kurba naman, seryoso kasi!"

Kaya tumahimik nalang ako at nagpatuloy siya sa pagsasalita

"Tapos nung nagpaalam ako tinanong niya kung may problema daw ba kami, sabi ko wala naman kaya di na niya ako kinulit."

"Ikaw Vicey ha! Baka naman in love ka pa Rin doon kay Calvin!"

"Hindi naman K, tapos na ako sa kanya."

"So, ano nga?"

"Di ko alam K" malungkot at parang maiiyak na ang best friend ko. Kaya niyakap ko nalang siya nang mahigpit.

"Tara na, itulog mo nalang yan baka bukas mawala na yan." Sabi ko habang naka akap pa rin at hinahagod ang likod niya.

Hindi naman siya sumagot kaya unti-onti na akong kumalas sa yakapan namin. Nang magtama ang paningin namin nagulat ako ng biglan...................
















































Hinalikan niya ako. (Smack kiss Lang)
Natulala naman ako sa pagkabigla habang naka tingin sa kanya.

Ilang segundo bago ako natauhan at nabigla naman ako sa susunod na ginawa ko. Siniil ko siya nang halik pero pinutol ko din agad at tumayo.

"I-I'm sorry" tanging nasabi ko bago ko siya tuluyang iniwan sa sala na nakatulala.











Itutuloy.......

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Mar 20, 2019 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

ViceRylle One ShotsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz