The story behind that weird girl (One Shot)

78 4 12
                                    

The story behind that weird girl

By: KeanYuuki

 Lumapit na naman si Miguel sa kanya. Nilapitan na naman niya si Elizabeth. Ang Tinuturing na wirdong babae sa klase nila dahil sa pagiging mag-isa niya, Walang kinakausap, at sa lalo na sa pagtatakip ng kanyang mukha gamit ang kanyang buhok. Dahil nga sa pagiging ganito niya ay kung anu-ano nang kwento ang nagagawa ng kapwa niya estudyante niya kaya wala nang gustong lumapit sa kanya.

Walang nakakaalam kung bakit ganito siya. Iisa lang naman ang nagkalakas ng loob na lapitan ang babaeng ito eh. Si Miguel. Naaawa siya , yan ang unang naramdaman niya tungo kay Elizabeth kaya niya ito nilalapitan at kinakausap kahit na hindi ito kinikibo ng dalaga at tinitingnan lang siya.

Hindi nagtagal ay para bang hindi nakukumpleto ang araw niya tuwing hindi niya namamasdan si Elizabeth.

Sa swing sa playground, Diyan niya laging nakikita ang dalaga na para bang laging may malalim na iniisip. Diyan din madalas malapitan ni Miguel si Elizabeth.

Hindi din alam ni Miguel kung bakit patuloy lang ang paglapit niya kay Elizabeth.

Tumungo siya kay Elizabeth at tumabi sa isa pang swing.

“Hi.” Bati niya kay Elizabeth.

Tiningnan lang siya nito. Ngunit hindi niya malaman kung namalikmata lang ba siya o ano dahil sa pagkakakita niya ay parang ngumiti ng bahagya ang dalaga sa likod ng kanyang buhok na nakatakip sa mukha niya.

“Alam mo nacucurious ako kung nakakakita ka pa ng mabuti dahil diyan sa buhok mo.”

Tiningnan lamang siya nito.

Walang anu-ano ay humangin at nilipad ang buhok ni Elizabeth kaya nakita niya ang mukha ni Elizabeth dahil nakalingon parin ito sa kanya.

Namangha siya dahil ang amo ng mukha nito at para bang isang anghel. Ngunit kung papansinin mo ang mga mata nito ay ang lamig.

Nanghinayang siya dahil tinakip na muli ni Elizabeth ang kanyang buhok sa mukha.

“Maganda ka pala. Bakit mo naman itinatago yang mukha mo? Dapat ipakita mo yang ganda mo.” Sabi niya kay Elizabeth at hinawi niya ang buhok nito.

Napansin niyang namula ang mga pisngi nito kaya napangiti siya. Nag-iwas naman ng tingin si Elizabeth.

“Hindi ko alam kung bakit mo ako laging nilalapitan, Bakit ba?” Malumanay na tanong nito kay Miguel na naka-iwas parin ang tingin. Nagulat si Miguel dahil ito ang unang pagkakataon na nagsalita sa kanya ang babae. At hindi lang pala ang mukha niya ang maamo at parang anghel kundi pati ang boses niya.

“Ang totoo niyan, Hindi ko din alam. Basta gusto lang kita nalalapitan. Pero aaminin ko nung una ay dahil lamang sa awa kaya ganon pero napansin ko na lang sa sarili ko na gusto na talaga kitang pinupuntahan.” Sagot naman ni Miguel na may ngiti sa mga labi.

Tumingin naman sa kanya si Elizabeth. “Salamat.” Sambit nito sa kanya at nginitian ito. “Kailangan ko nang umalis.” At tumayo na si Elizabeth at maglalakad na sana ngunit

“Sandali lang!”  pinigilan naman siya ni Miguel sa paghawak sa braso nito.

Nagulat naman si Elizabeth dito. “B-Bakit?” Binitiwan naman ni Miguel ang braso  niya at

“Friends na ba?”  sabay abot niya ng kamay kay Elizabeth.

Tila nagdalawang-isip pa si Elizabeth ngunit inabot din niya kay Miguel ang kanyang kamay at shinake ito. “Friends.” Mahinang sambit ni Elizabeth. Matagal na siyang nilalapitan ni Miguel at sinusubukang maka-usap kaya tinanggap na niya ang offer nito.

The story behind that weird girl (One Shot)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ