Diary of A Hopeless Romantic Weirdo Chapter 1

1.9K 24 9
                                    

Chapter 1

 

Dear Diary,

                Naniniwala ka ba sa true love at sa love at first sight? Ako kasi naniniwala. Hindi dahil sa naramdaman ko na ito. Ang totoo nga niyan, hindi pa ko nagkakaboyfriend. Though, I hope to find him someday.

                Gusto ko yung pagkakita ko pa lang sa kanya, alam kong siya na talaga. Yung tipong sa unang pagkakataon na magkakatinginan kami, biglang magpi-freeze ang paligid at biglang may magpapatugtog ng background song na nakakakilig. Tapos dahan-dahan siyang lalapit sa akin at tatanungin ang pangalan ko.

                Magiging magkaibigan kami pagkatapos nun, kikilalanin namin ang isa’t isa and after that, liligawan niya ko. At mamahalin namin ang isa’t isa ng sobra-sobra. Gagawin namin ang lahat para matupad ang mga pangarap namin. Siya ang magiging inspirasyon ko. Sa huli, kami din ang magkakatuluyan. Magkakaroon kami ng mababait, makukulit at magagandang mga anak. Tapos magkakaapo kami at sabay na tatanda.

                Kapag nangyari yan, ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Wag ka mag-alala, kapag nakita ko na siya, ikaw agad ang unang kukwentuhan ko. Promise yun!

                                                                                                                Hanna

CLASS dismissed,” sabi ng professor at saka lumabas ng classroom.

                Tapos na ang klase ni Hanna ng araw na iyon. Balak niyang dumiretso sa canteen ng kanilang eskwelahan. Ngunit nagulat siya sa natanggap niyang text mula kay Rochelle.

                “Hanna nasan k b? punta k dito s office. my meeting tau diba?”

                Nasapo ni Hanna ang ulo, “ Oo nga pala! Ngayon ang meeting namin sa org.” Nag-reply siya kaagad.

                “Sori nlimutan ko. Cge bi2lisan ko na.”

                Dali-dali niyang inayos ang kanyang mga libro. Sandaling nagsuklay si Hanna at inayos na rin niya ang kanyang salamin. Matapos kunin ang gamit ay umalis na siya sa kanilang classroom.

                Si Hannabel Bautista o Hanna ay nasa ikaapat na taon na ng kanyang pag-aaral sa Francisco Palma University o FPU. Ang kurso niya ay Bachelor of Science in Accountancy. Dahil na din sa impluwensiya ng kanyang mga kaibigan, naisipan niyang sumali sa isang academic organization ng kanilang college. Ngunit may isa pa siyang dahilan na iilan lamang ang nakakaalam.

                Kung titingnan siya, napakasimple lamang niyang babae. Siya ay nakasalamin dahil malabo ang kanyang mata. Ang buhok niya ay lumampas lamang ng kaunti sa kanyang leeg. Sa pananamit naman ay shirt at pants ang lagi niyang suot. She is a real Plain Jane of their school.

                Habang naglalakad sa hallway, walang tigil sa pagsulyap si Hanna sa kanyang orasan. Buti na lang malapit lang ang office nila sa classroom niya.

“Lagot! Late na ko. Mapapagalitan na naman ako ni…” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil narinig niya ang pamilyar na boses na iyon ng isang lalaki. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinaggalingan ng tinig na iyon.

Diary of A Hopeless Romantic WeirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon