PROLOGUE

48 0 0
                                    

PUNISHMENT

Tahimik lamang akong nakatanaw sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko. Pinagmamasdan ang mga madadamong bahagi ng lugar na ito na nadaraan namin. Nangingibabaw ang panlulumo sa akin. Hindi ako makapaniwalang gan'to kalaki ang kaparusahang ibibigay ni Dad sa 'kin nang dahil lang sa naglasing ako at naabutan ng curfew. Napabuntong hininga na lamang ako bago muling pagmasdan ang maaliwalas na tanawin.

Natinag ako nang magvibrate ang cellphone na nasa sling bag ko. Agad ko namang sinagot ang tawag nang makitang si Dad 'yon. Biglang nagliwanang ang mukha ko. Umaasang iaatras n'ya ang parusang ito.

"Where are you now, Lex?" malumanay nitong tanong sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman muli ako.

"On my way to that creepy place of yours." nangingilabot kong tugon. Tumikhim naman ito.

"Good." seryosong aniya. Bumagsak naman ang balikat ko.

"Dad, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?" nanlulumo kong tanong sa kan'ya. S'ya naman ngayon ang bumuntong hininga at dinig na dinig ko 'yon.

"Yes, for the nth time, Lexies. That decision is final." may otoridad n'yang tugon. Mas lalo akong nanlumo.

"Baka mamatay ako ro'n, Dad." nakanguso kong sambit. Hindi naman ito umimik bagkos ay bumuntong hininga lang. "I will do anything, 'wag mo lang akong ipadala ro'n." pagmamakaawa ko pa.

"Don't over react. Tao ang nando'n at hindi zombies." nadidismaya n'yang usal. Natahimik naman ako. "Inaasahan kong may matutunan ka sa pamamalagi mo riyan. Tingnan ko lang kung hindi ka pa magtanda." napamaang ako sa tono ng pananalita ni Dad. Pakiramdam ko ay naubos ko na ang pasensya n'ya.

"Dad..." nangingiusap ko pang saad.

"Take care, Lexies." seryoso nitong wika. Napasinghap naman ako ng hangin.

"Please, Da---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin na n'ya ang linya. Inis akong nagpapadyak sa loob ng sasakyan.

Napabagsak ang balikat ko sa sobrang inis na nararamdaman.

"Shit! I really hate damn punishments!" nanlulumo kong sigaw sa loob ng sasakyan. Napatingin naman sa 'kin si Manong Bernie sa rear mirror ngunit hindi ko 'yon pinansin.

Mukhang sa lahat ng parusa ni Dad, ito ang pinakapeste.

---

Lixienies.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PUNISHMENTWhere stories live. Discover now