Chapter 3

177 39 2
                                    

Chapter 3

"Being a traitor is a choice"


SAMANTHA'S POV

Andito ako sa kwarto para mag ayos, mamaya ko na kasi kukunin yung wallet ko sa isang lifesaver, kung sino man siya. Since hindi naman ako magtatagal doon sa club, sa halip na long sleeves, sumuot na lang ako ng t-shirt na medyo may kalakihan, itim na ripped jeans at tinalian ko lang buhok ko. Lumagay ako ng konting eyeliner sa mata ko para maiba naman at itim na lipstick sa aking labi. 

Oh diba, solve nako. Pwede na ako makaalis.

Pagkatapos ko gawin ang mga ritwal ko, sinubukan kong hindi gumawa ng tunog para hindi ako mapansin nila dad na umalis and luckily, nakatakas ako. Deym, halos aatakahin na ako sa puso sa sobrang kaba.

Alam ko naman kasing hindi ako papayagan ni dad so I just decided to escape. Binilisan ko ang paglakad ko hanggang sa hingal na hingal akong nakarating sa club.

6:34 p.m.

Hindi pa masyadong marami ang nasa loob, mabibilang ko pa sa aking kamay ang mga dumadaan papasok at palabas. Tumingin tingin ako sa dance floor, sa wine section at sa iba't ibang sulok kung may tao ba na may naghihintay pero wala akong matagpuan. Asan na kaya yon?

Napaupo na lamang ako sa wooden stool kaharap ang mga wines habang naghihintay. Panay tingin ako sa mga taong pumapasok, inaasahan na sana dumating na siya nang makauwi ako kaagad.

Surely dad will ground me for this pag nahuli niya na naman akong wala sa bahay.

Inilabas ko ang phone ko para tawagan siya. And then I remembered na wala pala akong pantawag. Buset, ubos na pala load ko. Nice timing, Samantha.

Naagaw ang pansin ko nang may bagong pumasok sa club. Hindi ko maaningan ang pagmumukha niya dahil nasasapawan ito ng mga ilaw. Napansin ko na papalapit siya sa puwesto ko at dun ko mas nakilala siya.

Bottle guy, from last night.

Nakasuot siya ng jacket na may hood at natatakpan pa rin ang mata niya ng napakahabang bangs niya. Finally, I still got the chance to see him, para naman masuklian ko yung pagtulong niya saakin from last night.

Pero I still wonder kung paano siya nakakakita sa sobrang kapal ng bangs niya.....hindi kaya mayroon pa siyang ibang mata? Tanga ka talaga, Samantha. Alien lang?

Umupo siya sa katabi ko na parang may hinihintay rin. Nakita kong may hinahalungkat siya sa bulsa ng jacket niya at inilabas niya phone niya. Biglang nagring ang phone ko at agad kong sinagot ang tawag.

" Hello? Nasa club kana ba? " , tanong ko sa kabilang linya at narinig ko ang malakas na tugtugan sa linya niya at ang mahina niyang tawa.

" Nasa katabi lang pala kita eh " , sagot niya sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatawa na rin ako ng mahina. I faced him at pareho kaming nakangiti sa isa't isa. What a coincidence.

" Hey " , sabi niya. Medyo natigilan ako kasi parang narinig ko na yang boses na yan. It's really familiar. Maybe because I met him already last night? Probably.

" Uy, nagkita na naman tayo for the second time " , sagot ko sa kanya at nakita ko na namuo ang kanyang mga ngiti sa labi niya

" Yup. What a coincidence " , sabi niya at tumango ako sa kanya because I agree with what he said.

Akalain mo yun, kagabi siya yung nandyan nung nawawala ang wallet ko tapos siya lang naman papla ang makakasauli sa akin. Siguro siya yung nagnakaw ng wallet ko! Umayos siya!

Less Than Three[On Going]Where stories live. Discover now