Tugon

40 1 10
                                    

Her Reply

Tatlo..apat..lima... Limang beses na siyang pabalik-balik sa lugar na iyon. Sa una'y desidido siya ngunit kapag dadalhin na siya ng kanya mga paa sa lugar na iyon ay naduduwag siya. Ang daming bumabagabag sa kaniyang isipan Tama ba itong gagawin ko? Handa na ba ako? Paano kung ayaw na niya? Kaya ko bang tanggapin siya ulit?

1 Message Received

From: Amiel

Jean, Gawin mo ang dapat mong gawin. Kapag ayaw niya, I'm here. Thank you for being honest with me.

Laking pasasalamat ni Jean dahil nakilala niya ang isang katulad ni Amiel. Kahit papaano ay napunan nito ang lungkot niya sa buhay at nagpapasalamat din siya dahil naiintindihan siya nito. Sana  mahanap mo rin ang para sa iyo Amiel.

Muling binasa ni Jean ang sulat sa kaniya ni Ryan.

'Sa dating lugar at sa dating oras maghihintay ako'

Tahimik ang lugar, walang buhay, halatang wala nang nagdadayo dito.

Nakita niya si Ryan.  Nakaupo malapit sa bintana. Kahit kailan ang aga parin niya dumating.

Naramdaman ni Ryan anv presensiya ni Jean kaya't lumingon ito. Ipit na ngiti ang sinukli ni Jean.

"Jean, dumating ka"

"Kahit kailan talaga ang aga aga mong dumating"

Natural na yata kay Ryan ang dumating ng maaga sa mga usapan, maging nung high school pa lamang sila ay siya ang pinakamaaga sa klase.

"Nasanay na ako eh, upo ka"

upo si Jean sa kabilang dulo ng upuan. Nagulat na lamang ang dalaga dahil nagsindi ng sigarilyo si Ryan. Naninigarilyo na siya?

"Kelan ka pa nagsmoke? akala ko ayaw mo sa mga ganyan"

Hindi siya sinagot ng binata. Nagbago na siya. Hindi na siya si Ryan. Katahimikan ang bumalot sa kanila.

"Ryan bakit nahuli ka?"

"Ang aga ko kaya.."

"Hindi mo ko naiintindihan.. Bakit nahuli ka?"

"Better late than Never?"

Ibang-iba ka na talaga. Hindi na ikaw ang munahal ko.

Hindi agad nakasagot si Jean. Inisip niya ang tamang sagot sa mga sinabi ni Ryan.

"Paano kung sabihin ko na mas maganda na sa ngayon na hindi nalang kaysa naman huli?"

"Jean."

"Minsan kasi nakakasawa nang maghintay kaya hindi ka na aasang darating pa yun..Gustuhin ko man Ryan pero masamang ipilit. Masasaktan lang tayong dalawa."

"Jean akala ko okay na?"

"akala mo okay na kasi nandito na ako. Ryan hindi naman ibig sabihin na kapag dumating ako okay na. Dumating ako para sabihin sayo na wala na. Wala na Ryan."

"Jean"  Kahit sa pagtawag niya ng pangalan ko wala na. Posible pala yun no?

"Ryan, tama na. mas makakabuti naman ito sa atin."

akmang tatayo na siya nang hawakan ni Ryan ang kamay niya.

"Jean, may iba na ba?"

"Ryan walang iba. Nag-iba lang...

una na ako.. payong kaibigan lang. Sana ako ang una't huling babae ang punaghintay mo. Buksan mo kasi yang mata at puso mo.. nasa paligid lang ang mga magmamahal sayo pata hindi ka nahuhuli."

*

Author's Note.

Anong pinaglalaban ko dito? haha!! sorry ang pangit haha.

anyway ano masasabi niyo?

Written Blah Blah BlahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon