The Plot

419 14 18
                                    

[AN: This is my first fan fiction story na siguradong walang masyadong makakarelate dahil alam kong hindi nyo kilala si Aliff Aziz. LOL! Siguro merong iba na nakakilala sa kanya but I guess mostly, unfamiliar talaga ang pangalan nya. So MUST READ talaga itong story na 'to and i'm sure ma-aadik ka bigla. Hahaha. I hope you’ll support this ^_^]

*DAY 1*

“This is so freakin’ amazing couz!!!” I exclaimed. Grabe hindi talaga ako makapaniwala na nandito at nakatapak na ako sa Singapore!

Sinama kasi ako ng pinsan ko na si Ate Emgee dito dahil magkikita raw sila ng Malaysian boyfriend nya na si Kuya Marco at dito mag-celebrate ng first anniversary nila. Ang sweet ano? Saka bonggacious talaga. Palibhasa kasi engineer yung si Kuya Marco kaya rich.

“Sabi ko sayo couz…Hindi ka talaga magsisisi dahil super nice ng country na ‘to!” sabi nya habang kinuha yung maleta nya sa likuran ng taxi. Second timer na kasi si Ate Emgee dito at kabisado na rin nya ang buong Singapore.

“Let’s go!” aya niya saka hinila yung malaki nyang maleta. Yung mga gamit ko kasi nandun na rin sa loob, ayaw nya kasing magdala pa ako ng bag kaya pinagkasya nalang nya sa iisang maleta ang mga gamit namin. Sa bagay saglit lang naman din kami dito at uuwi rin kami kaagad. Nakakainis nga eh, parang pinalanghap lang sakin ang simoy ng hangin ng bansang ito tapos babalik na naman sa Manila.

Papasok na kami sa Outram Park Hotel. Dito kami nag-check in for 1 day and 2 nights including na ngayong gabi at bukas ng gabi. Ang taas ng building na ‘to at ang ganda ng desenyo. Para syang hindi tinapos na circle shape dahil hindi magkadugtong ang bawat dulo. Siguro mga 6-7 meters ang distansya.

Sabi rin ni Ate Emgee aabot raw hanggang 40 floors ang building na ‘to.

“Saang floor tayo couz?” tanong ko habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator.

“18th,” maikli nyang sagot.

I giggled. Excited much lang naman ako the kaya itong mga ngiti ko ay tila aabot na sa teynga dahil sa sobrang wide! >______< LOL!

“Itikom mo kaya yang bibig mo dyan couz. Mukha ka na tuloy AA dyan eh!” She chuckled.

“Grabe ka naman kung makapanglait sakin couz. At least magandang AA naman ako noh!” Tumawa ako. Totoo naman eh. LOL!

[AN: AA means Abnormal na Aning-aning, hahah. Akin2x nalang yan...]

Bumukas na ang elevator at una akong pumasok. Ganito ako ka excited. Wahahah!

Sa 18th floor.

“Andito na tayo couz,” Tapos binuksan na nung lalaking hotel guide ang pinto. Oo nga pala, sya din ang nagbuhat ng maleta namin at kasama din namin sya sa elevator. Muntik ko na syang nakalimutan dahil sa sobrang excitement. Hihih!

“Enjoy your stay here ma’am,” sabi nung lalaki saka umalis na.

“HUWAAAAAW!!! Ang huge!” Napalakas ang boses ko. Ang laki ng room. Pang-rich talaga! Syempre si Kuya Marco ang magbabayad ng fee namin dito kaya bongga din kung makapili ng hotel itong pinsan ko.

Pagkapasok ko sa loob, agad akong nagtungo sa may bintana. WOW!!! Nganga! Wala talaga akong masabi sa sobrang ganda ng view! Sarap manatili dito habambuhay!

So mula dito sa 18th floor ay natatanaw ko ang park sa ibaba. Nagkainteres ako sa colorful landscape nila at parang fountain yata yun.

“Ahmm couz…pwedeng bumama ako saglit? Punta lang akong park. Swear babalik ako agad,” Humarap ako kay Ate Emgee saka nag-pout. “Please?” Then I crossed my fingers and blinked my eyes thrice, para cute ang effect. LOL!

The Guy Next Door (One Shot) - FINISHED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon