2

1.3K 9 0
                                    

Iday: Maria kumanta ka naman, para naman magkaroon ng sigla ang paglalakbay na ito.

Maria Clara: Malulungkot ang mga kinakanta ko kaya wag na lang.

Victoria: Ayos lang kahit malungkot para lang magkaroon tayo ng ingay man lang.

Sinang: Sige na Maria, pumayag ka na.

Maria Clara: Hahaha, sige.

Tutugtug ng gitara si ibarra at kakanta si Maria ng Kundiman, napatulala ang lahat sza mala-anghel niya na boses hanggang sa...

Leon: May buwaya sa lawa!!!

Walang kaabog-abog na tumalon ang bangkero sa lawa matapos makinig ang sinabi ni Leon... Agad na nagsigawan ang lahat ng nasa bangka nang tumalon ang bangkero.

Leon: Huwag kayong mabahala ang binatang iyon ay kilala sa paghuli ng mga buwaya.

Narrator: Ilang sandali ay wala paring bangkero ang nagpapakita kaya napagdesisyunan na ni ibarra na sumunod sa lawa.

Nang lumusong si ibarra ay mabilis niyang nasagip ang bangkero at bumalik na agad sila sa bangka.

Ibarra: Ginoo..

Tinapik niya ang pisnge ni Elias at nagising nga ito kung kayat napaupo ito.

Elias: Salamat sa iyo ginoo, utang ko sa inyo ang buhay ko.

Sambit niya na halatang nanghihina pa.

Ibarra: Hindi dapat kayo nagpapadalos dalos sa mga desisyon na gagawin niyo. Mabuti nalang ay hindi ka napahamak.

Maria Clara: Ngunit paano kung ikaw ang napahamak? Ano na lang sa tingin mo ang pwede mangyari sa akin?

Ibarra: Kung ako'y napahamak at sinundan mo ako ay malamang kasama ko na ang aking mga mahal sa buhay ngayon..

Sinang: Ang mabuti pa siguro ay umuwi na tayo. Hindi maganda ang nangyari at tiyak akong mga pagod na rin ang ilan sa atin.

-

SETTINGS: LANSANGAN

Namamasyal sina Maria at Ibarra kasama ang mga kaibigan ni Maria hanggang sa may nakita si Maria na isang matandang ketongin na kumakanta habang nag gigitara.

Maria Clara: Sino ang kahabag-habag na taong iyon?

Iday: Ah, apat na taon na siyang ganyan. Naninirahan siya sa mga libingan ng mga intsik. Lumalayo siya sa mga tao ngunit minsan ay pinapapalo siya ng kapitan.

Maria: At bakit naman pinapapalo siya?

Iday: May inilgtas daw kasi siyang isang batang nahulog sa kanal kaysa magkaroon ng ketong.

Halong nahabag si Maria sa matanda at nilimusan niya ito ng kwintas na kakabigay lamang sakanya ni Kapitan Tiago.

Victorina: Bakit mo ginawa iyon Maria?

Maria Clara: Kase wala akong kayang ibigay sakanya kundi iyon lamang.

Biglang darating si Sisa mula sa kawalan at hinawakan ang kamay ng ketonging matanda.

Sisa: Tara, magdasal tayo sa simbahan! HAHAHA! Alam mo may mga anak ako.. Dalawa sila at sadyang mababait! HAHAHA!

At sumayaw si Sisa na tilang baliw.

Maria Clara: Crisostomo, akala ko bay may ginagawa kang paraan upang matulungan ang babaeng iyan?

Ibarra: Sa ngayon ay wala pa akong nagagawa ngunit nakausap ko naman ang kura at handa niya akong tulungan.

Mapapansin ni Ibarra na hinihila ng mga guwardya sibil si Sisa.

Ibarra: At saan niyo siya dadalhin? Bakit niyo siya hinuhuli? May kasalanan ba siyang ginawa?

Kawal1: Malinaw na malinaw Ginoo na nanggugulo siya kaya namin siya hinuhuli.

-

SIMBAHAN

Padre Damaso: At iginawad mo sa kanila ang mabuting kalooban upang palaganapin ang pangaral, hindi mo binawi ang biyaya ng salita sa kanilang bibig at sa halip ay binigyan ng tubig upang mapawi ang kanilang uhaw.

Si Tinyente Guevarra ay papikit pikit na, si Maria Clara naman ay di na rin nakikinig bagkus ay tinatanaw niya ang kinaroroonan ni Ibarra, at patuloy parin sa pagsesermon ang padre kahit wala naman nakikinig sakanya.

Padre Damaso: Mga kapatid, nararapat lamang na isabuhay niyo ang mga salita ng Diyos.

Biglang may lumapit kay Ibarra na nangangalang Elias.

Elias: Magiingat ka kaibigan. Sa pinatatayo ninyong paaralan ay huwag kayong lalapit uang batong ihuhugos at huwag rin kayong lalayo sa kura.

Ibarra: Ngunit bakit?

Elias: May nagaambang panganib sa inyo. Basta't wag na po kayong magtanong at sundin niyo na lamang ang aking sinabi. Para sa iyo rin ito.

Padre Damaso:... Dapat niyong malaman ang mga mahahalaga at mga kailangan bagay ngunit marami sa inyo ang nakalimot kaya namamatay ng di nag sisisi. Mga kaibigan, magsitayo po tayong lahat at sabay-sabay na awitin ang Ama namin.

-

Isang di pangkaraniwang panghugos ang ngayon ay itinatayo sa paaralan na pinagagawa ni Ibarra. Habang isinasagawa ito ay maraming tao ang nasa paligid, tulad ng kura, alakalde, kapitan at ilang mga panauhin...

Alkalde: Ginoong Ibarra, maaasahan niyo ang aking tulong. Anumang kailangan niyo ay gagawin ko o kaya nawa'y iuutos ko sa mga tauhan ko.

Ibarra: Maraming pong salamat alkalde ngunit sa ngayon ay wala pa naman akong iuutos.

Padre Salvi: Hindi ba kayo maglalagay ng palitada Don Ibarra

Alkalde: Sige na Ginoo, maglagay na kayo ng palitada.

Ibarra: Sige.

Agad ikinuha ni Ibarra ang kutsarang pampalitada.

Nang makapunta na si Ibarra sa hukay ay nagtumabahan ang mga kawayan at lumikha ito ng isang makapal na alikabok. Nagsigawan at nagsitakbuhan ang mga tao habang sina Padre Salvi at Maria Clara ay tila bang na istatwa sa kanilang posisyon. Nang nawala ang alikabok ay nakita nila ang isang nakatindig na Ibarra at ang nahandusay na isang manggawa na natumbahan ng mga kawayan.

Ibarra: Tulungan niyo akong iahon ang sawingpalad na lalaki.

Nang marinig ang tinig ni Ibarra ay nawalan ito ng malay, mabuti nalamang ay kasama niya ang mga kaibigan niya kaya nasalo siya kaagad.

Sinang: Maria! Maria! Gising!

Sigaw nito habang tinatapik ang pisngi ni Maria. Habang ang Alkalde naman ay kaagad na lumapit kay Ibarra.

Alkalde: Don Crisostomo, ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan? Naku! Ipakukulong ko talaga ang gumawa nito!

Ibarra: Ayos lang ako Ginoo, hindi mo na kailangang ipakulong ang may sala dahil hindi tayo sigurado kung sino ang totoong may sala.

Agad na pinuntahan ni Ibarra si Maria at tinanong ang mga kasama nito.

Ibarra: Anong nangyari sa kanya?

Victoria: Nawalan siya ng malay. Marahil ay labis siyang kinabahan sa nangyari.

Ibarra: Ah ganun ba? Magiging maayos lang ba siya?

Ideng: Oo naman, pahinga lamang ang kailangan niya. Sige, kayo na lamang ang magdala sa kanya sa kanilang tahanan.

Ibarra: Maraming salamat. Magiingat kayo sa paguwi mga binibini.

Sinang: Ganun din saiyo Ginoo.

Ng makaalis sila ay kaagad na binuhat ni Ibarra si Maria na tila ay bagong kasal at sinabit niya ang katagang...

Ibarra: Mahal na mahal kita Maria. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung sakaling may mangyaring masama sa iyo.

Pagkatapos nun ay linisan na niya ang lugar. Walang taong natira sa lugar na iyon maliban kay Pilosopo Tasyo na nakasaksi din sa nangyari.

Pilosopong Tasyo: Ito ay isang masamang simula.

At agad niyang nilisan ang lugar.

-

Isang marangyang pananghalian ang pinagsasaluhan ng mga mamamayan sa San Diego. Dumating si Padre Damaso at masiglang pinuntahan ang isang bakanteng upuan, agad siya napasimangot ng makita si Ibarra na katabi ni Maria.

Padre Damaso: Oh, ano nga pala ang inyong pinaguusapan nuong ako'y wala pa?

Alkalde: Binabanggit po ni Ginoong Ibarra ang mga taong tumulong sa kanya sa pagpatayo ng paaralan.

Padre Damaso: HAHAHA! Balewala sa akin ang mga iyan. Ako nga, ako lang ang nagplano para sa simbahan natin.

Alkalde: Pero kailangang ng isang eksperto upang makapagpatayo ng isang gusali gaya ng paaralan.

Padre Damaso: Eksperto? Nagbibiro ka ba? Nagpapatawa ka nga talaga, Ginoo.

Lahat ng tao ay napatingin kay Ibarra, ngunit nanatiling walang kibo si Ibarra at kunwari ay abala sa kanyang pagkain.

Padre Damaso: Tingnan mo nga naman ang mga indyo, kapag natuto ay masyado ng nagiging mayabang. Hindi dapat sila nararapat sa mundong ito.

Hindi napigilan ni Ibarra ang sarili at nilundagan ang padre.

Ibarra: Bawiin mo ang mga sinabi mo!

Kinuwelyuhan ni Ibarra si Padre Damaso.

Damaso: Bakit? Totoo naman ang mga sinabi ko ah.

Susuntukin na sana ni Ibarra ang padre ng biglang..

Maria: Crisostomo! Tama na!

Hinila ni Maria si Ibarra ngunit ayaw magpaawat ni Ibarra kaya tumulong ang ibang bisita sa pag awat.

Ibarra: Hindi masamang tao ang ama ko!!!

Si padre Damaso naman ay nakaupo na sa sahig at pinapakalma ni Padre Sibyla. Kumuha ng kutsilyo si Ibarra ngunit pumagitna si Maria kaya unti unting lumuwag ang pagkahawak niya dito hanggang sa nabitawan. Tumakbo siya at nilisan ang lugar.

-

Bago dumaan ang prusisyon ay ipinasara ni Donya Consolacion ang lahat ng bintana ng kanilang bahay. Hindi siya pinayagan ng kanyang asawa na si Alperes na magsimbat kaya nasa bahay lamang siya.

Sisa: Lalalala~ HAHAHA!! Lalala~

Narinig ni Donya Consolacion ang pagkanta ni Sisa. Ipinatawag niya si Sisa, ng makarating si Sisa sa donya ay hindi niya ito binigyang galang. Pasayaw sayaw lamang siya habang hawak ang magkabilang dulo ng saya niya. Sa galit ng donya ay kinuha niya ang latigo ng kanyang asawa at inihampas ito sa sahig.

Donya: Vamos magcantar icau!

Kawal: Hoy! Ikaw! Tumigil ka na daw sa pagkanta mo!

Ngunit tila walang narinig si Sisa at patuloy parin siya sa pagkanta pero ito ay sintunado. Tinakpan ng Donya ang tenga.

Donya: Argh!! Tama na!! Tumigil ka na sa pagkanta!!

Tumigil naman si Sisa.

Kawal: Sus, marunong naman palang magtagalog nagiinarte lang.

Donya: Baila! Baila!

Sigaw ng Donya at sinabayan pa ng pagindak.

Sisa: Aha.. HAHAHAHA!

Donya: Sumayaw ka naman! Ano ba! Magsasayaw ka ba o hindi!? Ha?! Sayaw!

Natumba si Sisa dahil sa mga hataw ng Donya sakanya ng latigo. Biglang dumating si Alperes.

Donya: Hindi mo man lang ba ako babatiin ng magandang gabi?

Hindi pinansin ng Alperes ang asawa at itinayo na lamang si Sisa.

Alperes: Marta! Marta!

Marta: Bakit po?

Alperes: Bihisan mo ang babaeng ito. Pakainin siya at gamutin.

Hinila ni Alperes si Donya Consolacion.

-

Dumating ang magasawang doktor upang gamutin si Maria. Kasama rin nila ang binatang pinsan ni Donya Victorina.

Kapitan tiyago: Salamat naman at dumating na kayo.

Donya Victorina: Ah, oo nga pala. Ipinapakilala ko sa inyo ang pinsan kong si Don Alfonso Linares, kamag anak din siya ni Padre Damaso.

Linares: Iknararangko po kayong makilala kapitan.

Kapitan: Ganun din ako ginoo.

Dumating si Padre Damaso na putlang putla halatang galing din sa sakit. Hinawakan niya ang kamay ni Maria.

Padre Damaso: Hija, anong nangyari sayo? Lubos akong nagalala.

Tiya Isabel: Maayos naman daw ang kalagayan niya. Kailangan lang niya ng pahinga.

Donya Victorina: Kapitan Tiyago, kami ay mauuna ng umalis. May mga bagay pa kaming dapat asikasuhin.

Kapitan Tiyago: Sige. Maraming salamat sa inyo.

Umalis na sila ng tahanan at si Linares ay titig na titig kay Maria kahit sila ay paalis na.

-

Donya Victorina: Pwe! Nakakasuka talaga ang mga tao dito! Amoy... Amoy mahirap!

Donya Consolacion: Ako ba ang pinasasaringan mo?

Donya Victorina: Paano mo naman nasabi na para sa iyo ang mga binitawan kong mga salita? Ah HAHAHA! Alam ko na kasi naman isang hamak na labandera ka lang dati!

Donya Consolacion: O sige? Pero kamusta naman kaya yang kulot mong buhok?

Donya Victorina: Aba't hinahamon mo talaga ako ha!

Don Tiburcio: Tama na yan! Umuwi nalang tayo!

Donya Victorina: Hindi! Kailangan matuto yang babaeng yan kung saan lumugar. Ikaw! Hindi mo ba ako nakikilala?! Ako ay isang taga maynila!

Donya Consolacion: Ah talaga?

Donya Victorina: Talaga!

At nagsabunutan na sila. Inaawat sila ni Don Tiburcio ngunit ayaw nilang tumigil. Hanggang dumating ang Alperes at ang kura kaya naawat na rin agad sila.

Padre Sibyla: Tama na! Napakaling eskandalo ang ginawa ninyo!

Don Tiburcio: Pasensiya na. Mauuna na kami.

Hinila ni Don Tiburcio si Donya Victorina at nakita nila si Linares na nakikipagusap kay Maria kasama ang mga kaibigan nito.

Donya Victorina: Linares! Gusto kong hamunin mo ng dwelo ang Alperes ngayon din.

Linares: Ngunit bakit?

Donya Victorina: Gawin mo kundi ay ipagkakalat ko ang tunay mong pagkatao!

Tumango na lamang si Linares at nilisan ang lugar na iyon.

Ngumiti ang Donya ng nakakaloko at umalis narin kasama ang asawa niya.

-

Paika-ikang naglalakad si Basilio patungo sa kanilang tahanan. Nasasabik na siyang makitang muli ang kanyang ina at kanyang kapatid. May nakita siyang isang babae na pamilyar sa kanya.

Basilio: Nay? Nay! Nanay! Sandali!

Hinabol niya ang kanyang ina ngunit takbo parin ng takbo si Sisa. Naabutan siya ni Basilio at agad niyakap.

Sisa: Sino ka? Hindi ikaw ang anak ko! Nasa kumbento sila! Naku! Baka nakauwi na iyon! Ipagluluto ko pa sila!

Aalis sana siya ng pigilan siya ni Basilio.

Basilio: Nay.. Ako po ito si Basilio. Hindi nyo po ba ako nakikilala?

Umiyak siya habang yakap yakap ang ina.

Sisa: Basilio! Anak!

Mahigpit niya itong niyakap hanggang sa nakarinig sila ng isang putok ng bala. Nawalan ng malay si Sisa at may dugo ito sa likod.

Basilio: Nay!! Wag mo akong iwanan! Nay...

May dumating na lalaki na sugatan din at sira sira ang damit at halos pagapang na siya lumapit kayna Basilio.

Elias: S-sino ang babaeng iyan?

Basilio: Siya po si Sisa.. Nanay ko.

Elias: Makinig ka saking mabuti. Ilang oras nalang ay mamamatay na rin ako. Ganito ang ga-AHHH!!

Namimilipit na siya na sakit ng kanyang sugat.

Elias: Sunugin mo ang bangkay namin ng ityong ina. Hukayin mo ang mga ginto na ibinaon ko. Ariin mong iyo ang mga iyon at gamitin mo sa pagaaral. Mamamatay akong hindi lang makikita ang bukang-liwayway sa mahal kong bayan. Kayong mga nakasaksi nito, batiin niyo siya at huwag sanang kalimutan kaming mga namatay at nagtanggol sa inang-bayan.

WAKAS


noli me tangere scriptWhere stories live. Discover now