Chapter 1

2 0 0
                                    

"Congratulations Trace," salubong sa akin ng mga ilang manonood at kapwa ko racer sa akin habang papasok ako sa gazebo na pinangyarihan ng car racing event na nilahokan ko ngayon.

"Salamat, salamat," masaya kong tugon sa kanila.

Kakatapos lamang ng anual car racing dito sa race track ng Fort Steele na sinalihan ko. Mahigit sampu ang lumahok ngunit sadyang bihasa ako sa larong ito kaya ako ang nanguna. Masaya ang lahat kahit hindi nanalo ang ilan.

Habang pinapasalamatan ko ang aking mga kapwa racer ay nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit ni Greg Mendez, ang nag-oorganisa ng naturang event.

"Hey Trace! Congrats," bati niya sabay akbay sa akin. Nakangisi pa siyang nakabaling ang mukha sa akin.

Napangiwi ako dahil sa pag-akbay niya sa akin.

Bilang nag-iisang babae sa pamilya namin, well, bukod sa mga nanay namin ay puro lalake ang aking nakakalaro kung kaya ay sanay na akong makihalubilo sa mga lalake. Pero kahit pa nga lesbian ako at I'm damn sure of my sexual preference ay hindi pa rin ako sanay na inaakbayan kapag hindi ko naman kapamilya.

"Salamat Greg," ang nasabi ko at akmang tatanggalin ang kanyang braso na sa balikat ko ay may nauna ng mangtanggal nito.

Napalingon ako sa aking bandang kaliwa at nakita ko doon si Ash. "Congratulation dude, this is another successful event." Ang mga mata niya ay na kay Greg ng sinasabi iyon. "Mauna sa rin kami," pagkasabi non ay hinatak niya na ako palabas ng gazebo.

"Anong mauunang pinagsasasabi eh, makikipag-celebrate pa ko doon sa loob." Pilit ko pang hinihila ang kamay ko na hawak niya pagkalabas namin at huminto sa gilid ng aking kotseng si Flash. Ni hindi na ako nakapag-aalam sa mga nandoon.

"Not now Trace," maikli niyang sa sagot.

Nagkibitbalikat na lang ako. "Wala ka yata sa mood ngayon?"

"Pasok." Wala nga ata siya sa mood. Di na nga sumagot ang ikling pa ng mga sumagot eh.

"Teka lang, ang bag ko." Naalala ko ang bag kong iniwan sa kinauupuan niya kanina. Iniwan ko yon sa kanya bago magsimula ang laban.

"Backseat. Now, get in," sagot

"Sandali. Dito ka sasakay? Eh yung kotse mo?" Agap ko sa kanya ng ako ang papasukin ako sa passanger seat.

"I'll drive. I'll go with you." At umikot na siya papuntang kabila.

"Ok," naisagot ko na lang hangin.

Nang mag-umpisang umandar ang sasakyan ay napasandal ako sa upuuan. Inayos ko ang aking maikling buhok bago komportableng ibilagay ang dalawa kong kamay sa aking ulo. Pansin sa gilid ng aking mata ang paglingon lingon ni Ashton sa ginagawa ko. 'Di ko na lang siya pinansin. Gusto ko sanang ipatong ang mga paa ko sa dashboard nga lang ayaw kong namang madumihan ang aking si Flash. Hay, swerte ko talaga kay Flash. Di ako binibigo sa lahat ng aking laman. Grade schooler pa lang ako ay mahilig na ako sa mga kotse-kotsehan na yan. Pagtungtong ko ng 8th grade ay sabay kaming natutong magdrive ni ashton sa tulong ng kanyang ate Vanessa. Sinusuhulan pa nga namin 'yon para lang turuan kami pag weekends. I was at 11th when Ashton and I started to join drag racing without the knowlegde of our parents, of course. Nakakakaba noong una pero kalauna'y napalitan iyon ng excitement at thrill.

"Hay, sarap talagang manalo," I dreamily said. Pagnanalo ka kasi, malaki man o maliit ang event na sinasalihan ay sadyang masarap talaga sa pakiramdam.

I heard a tsk from Ashton. "Yabang!" Dagdag pa niya.

"Panira ka rin ng moment eh. Bigla mo pa 'kong hinatak."

"Why? Gustong gusto mo ba ang akbay ni Greg?

"Gago, hindi. Sayang din kaya yung mga papuring matatanggap ko doon," sinabayan ko pa yan ang halakhak

"Famefreak" Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lamang siyang tumingin sa akin sabay baling ng mga mata sa daan. Loko talaga.

Si Ashton Camp ay kasakasama ko na mula pa noong bata ako. Kasabay ko na siyang lumaki. Kalaro ko at kaklase mula grade school hanggang college. Mas alam pa nga ata niya ang mga sekreto ko kaysa kay kuya Troy. But, no. We're dont consider each other as super friends.Sadyang kasangga namin ang isa't isa lalo na sa kalokohan.

Naputol ang aking pag-iisip ang muli siyang magsalita. "By the way, your mom called up earlier. Your Granny's there . That's why you're should be home early."

"What?" Gulantang kong tanong. Napaayos ang upo ko at naibaba ang aking mga kamay mula sa ulo.

"Your Granny's there."

"I heard you loud and clear, Asshole." Talaga naman. Inuulit-ulit pa ang sinabi.

He just nodded with a big grin on his face. Bumabaling-baling ang tingin niya sa akin at sa dinadaanan namin.

"Shit! No way." Napatampal na lang ako sa noo ko.

Napahalakhak pa ang gago sa naging reaksyon ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A race to fairytaleWhere stories live. Discover now