Chapter 4

172 4 1
                                    

Chapter 4

Thea’s POV

Break time na. Halos lahat ng kaklase namin nasa canteen na. kaming tatlo na lang nila Ryan at bbf ang naiwan sa loob ng classroom.

the princess and her prince

Hindi talaga maabsorb ng utak ko ang mga pangyayari.

“ hoy Ryan! ”

Inis na talaga ko sa kanya. Para sa’kin hindi lang simpleng bagay ‘tong ginawa niya.

Tumingin lang siya sa’kin. Sa itsura ng mukha niya para bang wala siyang alam. Inosente pa kunwari. Hmmp!

“ ano?! ba’t ganyan ka makatingin? ”

Wala pa rin siyang imik

“ akala mo ba mapapalagpas ko lang ng basta-basta ginawa mo. Grabe , hindi mo man lang inisip mararamdaman namin ”

Nakita ko ang bigla niyang pagsimangot at bahagyang umiwas ng tingin sa’kin

“ sorry talaga ”

Yun na lang ang mga salitang binigkas niya. Napansin niya sigurong naiinis talaga ko at ayaw na niyang makipagtalo pa

“ o tapos ngayon magso-sorry ka ”

Tinapik ako bigla ni Kaye sa balikat

“ bff tama nay an. Hindi naman din niya ginusto yun eh ” Pagtatanggol ni Kaye kay Ryan

“ malay mo buo na talaga desisyon ni ma’am bago pa lang siya ipatawag kahapon dba? Wag ka ng magalit ” Dagdag pa ni Kaye

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Kaye. Kung tutuusin maliit na bagay lang naman talaga yun. Hindi ko lang talga alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito

“ sa susunod kasi ipaalam mo agad sa amin ng hindi kame nabibigla ” pagpapaliwanag ni Kaye

Aba pagkatapos niya ko pakalmahin. Siya naman ‘to ngayong nakikipagtalo kay Ryan

“ ano ba gusto niyong gawin ko para lang mapatawad niyo kong dalawa? ” seryosong tanong ni Ryan

Hindi na ko nag-isip pa, gutom na talaga ko kaya eto na lang nasabi ko sa kanya

“ ilibre mo na lang kame ng merienda ” sabay naming sagot ni Kaye

Napatingin kame sa isa’t-isa, iisa lang pala nasa isip naming ng mga oras na yun. Kaya hindi naming napigilang tumawa dahil sa nangyari.

Pero kahit ganun napansin kong hindi man lang nakisali si Ryan sa pagtawa at sa itsura ng mukha niya halatang problemado nanaman siya

“ Ryan ano? Tara na, libre mo na kame ”

Mukhang alam ko na kung bakit. Kung kanina namomroblema siya sa’min dahil nga sa napag-usapan nila ni ma’am, ngayon ay problemado naman siya sa pera at dahil pa rin yun sa amin. Kawawang nilalang

Sa canteen..

“ ano po sa inyo? ” tanung ng tindera kay Ryan

“ tatlo pong cheeseburger ” cheeseburger?ayos. akala ko chichirya lang magiging merienda naming tatlo

Ilang sandali pa..

“oh eto na .. quits na tayo wah ”

Sa tingin ba niya makkatanggi pa kame sa inaalok niyang pakikipag-ayos

“ yup quitz na tayo, di’ba bbf? ”

Tinaas lang ni Kiel ng dalawang beses ang isa niyang kilay para masabi niyang sumasang-ayon siya. Inupakan na niya kasi agad yung cheeseburger pagkaabot na pagkaabot pa lang ni Ryan

My Suitor Is Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon