Bernadette.

74 5 0
                                    

Alam mo bang ayoko ng may kaagaw? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko dun? Hianahayan ko muna sila pero sa oras na may ginawa sila na hindi maganda dun na ako reresbak.

Isang beses palang kitang makilala na mula sa facebook, nagwapuhan na ako sayo. Inadd kita, inaccept mo ko. Nagsimula lang tayo sa isang hi at hello pero nang dahil doon mas lalong naging matatag tayo. Pero hanggang ngayon hindi parin kita nakikita. Ayos lang sa akin basta ako lang ang lagi mong nakakausap.

Isang gabi nagyaya akong makipag skype sayo, pero tinggihan mo ako. Alam mo bang nasaktan ako ng dahil sa pagtanggi mo? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang pag tanggi mo sa alok ko? Paano na pag naging tayo niyan? Long distance relationship nalang ba? Pero napaisip ako, siguro kaya ka tumanggi ay dahil nahihiya ka lang magpakita ng mukha sa akin, pero wag kang magalala ako rin nahihiya magpakita ng mukha.

Nagdaraan na ang mga araw, pero bigla kaming naputulan ng internet sa bahay. Alam mo bang sobrang galit ako sa magulang ko? Dahil sa hindi pag bayad ng internet namin? Alam mo namang hindi ako nabubuhay ng hindi kita nakakausap diba? Kaya kinabukasan nagkaroon agad kami ng internet.

Chinat kita, sineen zone mo ako. Bakit? Busy ka ba? Nagtatampo ka ba dahil nung araw na naputulan ang internet namin? Sinabi ko naman sayo diba na naputulan kami buti nga napaayos agad eh. May natitirang pera pa pala ang nanay ko hindi lang nagsasabi.

Nung pumasok ako sa classroom namin, narinig ko yung usapan ng mga kaklase ko. Tungkol sa pagibig. Letcheng pagibig na yan, meron din naman ako eh. Diba ikaw yun? Kaso nahihiya ka lang ipaalam ang nararamdaman mo. Tapos sinabi pa ng kaklase ko na lagi daw silang magkatext tayo rin naman diba? Lagi tayong nagchchat kaso naseseen zone mo na ako minsan. Kaya ginawa ko nung uwian pinatahimik ko siya.

Paguwi ko nakita ko agad sa newsfeed ko ang mga picture mo na may kasama kang babae. Sino yun? Tas ang naka lagay pa sa caption mo 'My crush. My girlfriend. My love. My future wife.' hindi ko maintindihan yung kinaption mo. Pinapagselos mo lang ako diba? Kaya nagcomment ako sa picture na yun sabi ko: 'Babe, sino yang panget na katabi mo? Pinagseselos mo ba ako? Di ako nagseselos. I love you' tapos bigla mo naman akong chinat sabi mo lumayo na ako. Pero bakit? Mahal mo naman ako diba?

Sumunod ang mga araw habang naglalakad ako nakita ko parang kamukha mo, at pati na ang katabi mo. Tama nga ang hinala ko, ikaw yun kasama yung panget na babae. Lumapit ako sayo tas yinakap ka, nagulat ka pa nga e. Pero diba dapat maging masaya ka? Nakita mo na yung pinakamamahal mong babae, kaya pwede mo na yang hiwalayan ang panget. Pero nakita ko sa ekspresyonng mukha mo ang pandidiri. Bakit ka ganyan sakin? Dahil ba sa babae na yan?

Umuwi ako at imemessage sana kita kaso nakita kong blinock mo daw ako. Anong ginawa ko sayo? Nagmamahalan lang naman tayo diba? Bat pati facebook pinaglalayo tayo ng tadhana? Hindi mo ba alam kung gaano karami ang ginawa ko para lang makausap ka araw araw?

Hinanap ko ang facebook nung babae, at swerte niya dahil 'Bernadette' rin pala ang pangalan niya. Nakita ko pa ang post niya, magkahalikan kayo at nasa caption mo pa: 'Happy 3 years anniversary' paano na tayo? Ganun ganun na lang? Masaya ka ba sa babaeng yan? Pero yung dati mong mga post eh nakakalungkot dahil ba siya ang umaway sayo? Wag kang magalala, igaganti kita.

Marami na akong nagawa diba? Tulad noon, pinatay ko sa harap mismo ng nanay ko ang tatay ko para bayaran niya lang ang internet namin. Ganun kita kamahal kasi kaya kahit ano pa yan gagawin ko. Yung kaklase kong nagkkwento tungkol sa love life nya? Pinutol ko lang ang dila niya at saka tinahi ang bibig para di na siya maingay. Atlis kahit wala na siya dito hindi na siya magiingay tungkol sa walang kwenta niyang lovelife. Si Bernadette mo, na my future wife mo? Tinanggal ko lang naman puso niya nung nakaraang araw lang. Nasaktan ka niya diba? Kaya sinaktan ko rin puso niya wag kang magalala.

Ngayon nabalitaan kong may bago ka daw ulit na natipuhan, Bernadette ulit ang pangalan. Ano bang nagustuhan mo sa bago mo? Bernadette din naman pangalan ko ha? Pero hayaan mo bibigayn ko muna kayo ng oras basta sa oras ng problema nandito lang ako ha? Reresbak tayo.

Ikaw bernadette rin ba pangalan mo?

--

Author's Note:

Wala akong magawa eh, sorry ang lame nito. hahahahaha. nainspired lang ako sa Sophia ang ganda kasi hehehehe.


Thank you for reading! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bernadette. (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon