STPG ♥ 38

56.3K 771 50
                                    

This is a Gift for those who patiently waited for my late update. Thank you guys!

.______________________________________________.

Mikaella's POV

"You know what? That is the famous Mikaella Bernardo."

 

"What? Yung gangster ng PBU?"

 

"How come na napasama siya?"

Palihim kong pinalis yung mga salitang yan sa tenga ko na paulit ulit umiikot sa ulo ko. Tss. Ang aga aga ako agad ang pinag uusapan. Malay ko bang may kasama kaming taga ibang school dito at yung iba e naka away ko pa? Badtrip.

Pinipilit ko na ngang magbago eh.

"Mikay!"

Nilingon ko yung tumawag saken. Si Kiko pala na tumatakbo palapit saken.

"Oh, Kiko. Akala ko mamaya pa break niyo?"

 

"Hindi eh. Sasama kame sa inyo mamaya sa Program na gagawin niyo."

 

"Talaga? Ibig sabihin manunuod kayo?"

Tumango lang si Kiko hanggang sumabay na siya saken maglakad.

"Mikay, bakit parang pansin ko hindi kayo nagpapansinan ng pinsan ko?"

Napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakatitig saken si Kiko, nag aantay ng sagot ko.

Tipid akong ngumiti.

She's The Princess GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon