Chapter 18

112K 4.5K 2.8K
                                    

Chapter 18


"Stormie, ikaw ang representative natin sa Ms. Intramurals, ah?"

Tumigil sa ere ang plastic spoon kong hawak at gulat na napatingin ako kay Hanz. Kumakain ako mag-isa ng cup noodles ngayon sa quadrangle nang bigla niya akong lapitan.

"Ano?" namimilog ang mga mata kong tanong sa kaniya.

He grinned at me. "Sige na. Ikaw yung gusto ng ibang officers, eh. You don't want to disappoint them."

I winced at the word disappoint. Didn't they know that I give birth to disappointment on a daily basis? My very existence, according to my mother, is an entire disappointment.

Ano pa bang bago?

"May practice mamaya sa gym. Aasahan kita ah?"

"Hanz—"

Before I could finish my sentence, mabilis na siyang umalis. Nanlulumo kong ibinalik ang plastic spoon at biglang nawalan ng gana sa kinakain kong cup noodles. Maaga ako sa school ngayon dahil may reporting kami sa Ethics. Hindi ko na nagawang kumain kanina sa bahay kaya naman bumili nalang ako ng cup noodles at bottled water sa nalalapit na seven eleven.

I sighed. Pageants aren't really my thing. I don't want people to be looking at me. Bakit hindi nalang si Shantel ang tanungin nila? Panigurado akong papaya yun.

"Gaga. Yung kapatid mo kasi ang tinanghal na Ms. Intramurals last year. Bakit hindi mo alam?" tanong ni Dominick sa akin habang nagtitipa sa sarili niyang laptop. Inabutan niya akong nakaupo sa bench sa ilalim ng punong mangga noong araw na iyon.

"Really...?"

"Oo. Si Elton ang nanalo sa Science Department. I bet they wil walk once last time before transferring the crown to the new champions."

I licked my lower lips. Nang mag-vibrate ang phone ko ay napatingin ako dito.

Philodemus:

Breakfast?

Sinulyapan ko ang oras. May 40 minutes pa naman ako bago ang klase namin. I typed an ok and he texted me back a few seconds later to meet him at the parking lot. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko, dahilan upang mapatingin sa akin si Dominick nang may pagtataka sa mukha.

"O, san ka?"

"May pupuntahan lang ako saglit, Dominick. Magkita nalang tayo sa room."

He shrugged and then continued what he was doing. I brought the Macbook today for the report but I only gathered looks from other people. Alam kong hindi naman karangyaan ang mga estyudante dito kaya kung anu-ano nalang ang pinupuna nila sa mga gamit ko.

"Oh my Gosh. Balenciaga?" minsang tanong sa akin ni Treena.

I bit my lower lips. Bigla akong na-conscious na isinuot ko pa iyon. Pati ang relo at ang mga damit na isinusuot ko ay pinupuna rin nila.

"Hindi naman sa brand-conscious, pero klaro talaga ditong kay Stormie na may kaya sa buhay. Tatay ba naman ay governor?"

I don't know if I would be offended with the comment or not. Sa tanang buhay ko, wala pa naman akong narinig na nangungurakot si Dad. And besides, people won't vote for him if he's a corrupt politician, right? He may be a bad father, but I know he knows what he's doing in politics.

Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko kaagad ang nakaparadang sasakyan ni Philodemus. Napangiti ako at nilapitan iyon. He rolled the passenger window, allowing me to see him dashing in his black sunglasses. Ipinatong niya iyon sa kaniyang ulo at nginisihan ako.

Deceret Series #1: His Lips On My NeckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon