First wonder

56 2 1
                                    

Mint Tornise's POV

"Go Baek Shawn!" Omfg. Nagf-fangirl nanaman ako kay Baek, bakit ba napakaperpekto nitong nilalang na 'to. "Wohooooooooo!" Napapatingin na yung iba sa akin pero wala akong paki. His black-jet hair covering his orbs. Hindi ko na kaya!

Nako, papatayin ko talaga yang humarang sakanya. Isang puntos nalang panalo na yung school namin. Pumwesto na si Baek sa 3 point shoot line. "Go Ba--"

"Go babeeee!" Napatigil ako nung sumigaw yung hipon niyang girlfriend. Tinignan niya  tsaka kinindatan! Bwisit. Mas maganda ako sakanya, porkit kasi siya yung cheerleader akala mo kung sino na tss.

****

Natapos yung game na panalo yung east high which is yung school namin at may party daw mamaya sa bar namin. "Mint, sama ka mamaya?" Tinaasan ko lang ng kilay si kuya Sehun. Ang kuya kong asungot.

"Kasama ba dyan si Baek?"

"Oo, loko ka wag mong dikitan yun. Makati din yun, tsaka may girlfriend na yung tao." Inirapan ko nalang siya tsaka pinagpatuloy yung pagbabasa ko ng magazine.

"Sasama ka ba?"

"Oo na! shoo shoo chupi kana, laki mong kalat." tuluyan ng lumabas si kuya ng kwarto si ko. Sana hindi kasama yung girlfriend niyang hito akala mo maganda, excuse her mas maganda ang genes ko kesa sakanya. Nagsimula ko lang naman maging crush si Baek nung first day of school. Isa kasi siya sa tumulong sa akin tsaka siya yung naging una kong kaibigan, ewan ko lang talaga ngayon kung bakit di na 'ko pinapansin nung lalaking yun. Si kuya Sehun, isa sa mga player ng varsity sa school. Tropa niya si Baek kaya ang swerte ko talaga nilalang dahil madalas sila tumambay dito. //le fly//

Binuksan ko nalang yung netbook ko na kulay pink at may pagkalaki laking sticker na may pangalan ni Baek. Actually, kaming dalawa lang ni kuya dito sa bahay. Busy sa business parents namin kaya ayan lahat ng luho na sa amin na. Naglog-in lang ako sa sns account ko na puro si Baek ang laman pati ang varsity team ng school. Palihim akong nags-save ng picture niya, buti nga at di nakikita ni kuya kundi yari ako dun. Ayaw niya kasing dinidikitan ko si Baek, may girlfriend na daw kasi at magmumukha akong--kabit.

Maya maya biglang nag red yung notification bar ko. Galing kay Baek! nag status siya. Kinlick ko yung status niya.

I love you <3-- with Charlotte Diaz

Isang kagimbal gimbal na status ang sumalubong sa akin. Sandamak mak na likes at comment ang nakatabi dun sa status niya na kakapost lang. Medyo nasaktan ako dun ah, pero keri lang yan. Mapapasaakin din yang si Baek, kalma lang.

 Dahil sa status na yan, naligo nalang ako. Nagsuot lang ako ng casual dahil hindi naman malakihang party ang pupuntahan namin. Denim shorts at crop top na may nakatatak na 'warning' in hot red. Oo na, hindi ako ganun katangkaran kaya kailangan ko pa magsuot ng wedge sneakers. Maganda naman ako no!

"Hoy Mint! bilisan mo nga, kupad mo." aba! walangya talaga yun makautos sa akin akala mo hindi ako kapatid. Narinig ko pa na may tinatawagan siya na for sure si ate Sulli yun. Girlfriend niya si ate for three years na ata, simula fourth year high school eh sila na. Third year na si Kuya tapos si ate Sulli second year college na. hihi, ka year level niya si Baek at ako heto. First year college lang at sa maniwala at hindi kayo, psychology ang kinuha ko. Oy, kahit ganito ako ka fan kay Baek di ko hinahayaan na bumaba yung pag-aaral ko.

Nag-apply lang ako ng lip tint at konting bb cream at gumora na sa baba. "Kuya! tara na." inirapan niya lang ako at pinasunod na sa big bike niya. "Bakit hindi sasakyan? jusko naman, may babae kang kasama oh!" gusto ko sana sa big bike ang kaso epal mag patakbo yan, kulang nalang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawang lupa ko, ka stress!

7 wonders of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon