Promise One : Second Era

1K 18 4
                                    

A Walter's Promise

Promise One : Second Era

A N D Y

  "Andy!!!! Gumising ka na!!!" Shoot! Napabangon ako agad at nahulog sa kama dahil sa nakakabinging sigaw sa tenga ko. Tumayo ako at tinignan agad si Ate ng masama.

"Ate naman! Nababaliw ka na naman ba?! Babasagin mo ata ang eardrums ko!" sigaw ko. Nakita ko namang naka-pamaywang siya at nagsalita.

"Hoy Andy Adrian Walter! Alam mo bang ako ang naririndi dyan sa alarm mo na sampung beses ma ata ini-snooze?! Anong silbi ng alarm mo kung hindi ka rin naman nabangon kapag tumunog! Sa lahat ng pwedeng hindi mo manahin kay Mason at Senri yun ay ang gumising sa tunog ng alarm clock! Bumaba ka na at luto na ang breakfast!" sabi ni Ate bago lumabas ng pinto. Tsk ibang klase. Hindi ba sumakit ang lalamunan niya kakasigaw? Bilib din talaga ako kay Kuya Senri at natagalan niya ang kaingayan ni Ate.

Napailing na lang ako bago inayos ang higaan ko at naghanda na para pumasok. Unang araw ng pasukan ngayon sa S. A. pero Senior High na ko. I'm already 18 years old. Mula elementary sa SA na ko pumasok. Bata pa ako nung pumasok ako mundong meron ngayon. Hindi ako nanibago sa mga bampira. Pagkatapos ng nangyaring gera noon? Mukhang wala ng mas aangat pa doon para mamulat ako sa mundong ginagalawan ko.

Tumingin ako sa braso ko. May peklat ito mula sa sugat na natamo ko nung gera. Nadaplisan ako ng bala. Mabuti na lang daw hindi bala na may lason ang tumama sakin. Utang ko rin ang buhay ko kina Kuya Senri lalo na kay Kuya Jake na siyang lumaban habang buhat niya daw ako. Utang namin ang buhay namin ni Mama ang buhay namin sa kanilang lahat.

Pagbaba ko ay naririnig ko si Ate at Mama habang nag-uusap. Ang aga-aga chismisan ang inaatupag. Lumapit na ako at umupo counter chair. Dito kami naguumagahan imbes na sa dinning area.

  "Oh buti naman at gising ka na. Oh eto kumain ka na. Kailangan maaga ka dahil first day of school ngayon sa Sinclaire Academy." sambit ni Mama at naghain ng pagkain sa counter table. Bacon, Eggs, Fried Rice, Pancakes, at Hotdog ang niluto niya. Kumuha na ko at ganon din si Ate.

" Mama Senior High na ako suki na nga ako ng SA pero kung sabihin niyong first day of school akala niyo naman ito ang unang araw ko doon. Tsaka isa pa sinong hindi magigising sa sigaw ni Ate? Kulang na lang iisipin kong sa megaphone siya naglihi nung pinagbubuntis niya si Zeus at Athena. Tapos ngayong may Blake pang susunod lalo ata siyang lumala. " sabi ko bago ako sumubo. Nakatanggap naman ako ng batok mula kay Ate. Sinamaan pa ako ng tingin, binelatan ko na lang. Si Ate talaga ang daling mapikon buntis man o hindi.

May narinig naman akong tawa sa likod ko at gumulo ng buhok ko.

" Hayaan mo na ang Ate mo Andy. Hindi ka pa nasanay dyan." sabi ni Kuya Senri na kabababa lang at tumabi kay Ate Adriana na nasa harap ko at nakasimangot habang nakatingin sakin. Humalik si Kuya sa pisngi niya at ngumiti.

"Adri ang aga-aga nakasimangot ka," Kuya let out a chuckle. Hinampas lang siya ni Ate. Natatawang niyakap na lang siya ni Kuya at hinalikan ang buhok niya. Kuya Senri always reminds me how a man should treat a woman. He became my role model growing up. I know what happened back then and I also know what Ate and Kuya are and the bond they have.

  "Andy sumabay ka na sakin. Pupunta rin naman ako sa SA ngayon." Sabi sakin ni Kuya habang nakain. Tumingin naman ako sa kanya. "Sige Kuya. Salamat." ngumiti siya sakin at ginulo ulit ang buhok ko.

"Lagi mong ginagawa sa kanya yan. You really grew fond of Andy." biglang sabi ni Mama.

Ngumiti na lang si Kuya Senri at tumingin sakin. True enough. Sanggang dikit kami ni Kuya. Mula pa nung unang araw na nagkakilala kami naging malapit na ako sa kanya. Pinunan niya ang pwesto ni Papa na halos hindi ko na maalala dahil batang-bata pa ako nung nawala siya samin. Oo masakit para sakin pero pano pa kay Ate at Mama na nakasama siya ng matagal. Ang dami niya sigurong ala-ala na naiwan sa kanilang dalawa. But I still wonder how it feels to have a father but I have Kuya Senri and Lolo Sander. Also Kuya Jake, Kuya Cain, and Kuya Mason. They are being a brother and a father to me so I don't feel all sad and alone. And I am thankful that I have them.

A Walter's Promise (A Sinclaire Academy Side Story)Where stories live. Discover now