[Chapter 1] THE FIRST ENCOUNTER

39 1 0
                                    

EUNICE'S POV

"hoy! tulaley ka dyan, friend! Ipapaalala ko lang ha, tao ka!"  nagulat naman ako dito sa bestfriend ko!

"tsss.. anong konek?"

"wala. baka kasi sa kakasenti mo dyan, nakalimutan mo nang tao ka at inakala. hehe ^_^V"

"baliw! posible ba yun? tara na nga!"

okay timeout!.. Ako si Eunice Samantha Lee. Kung Kaano-ano ko si Cedrick Lee? Isang malaking EWAN. Describe myself? maganda, mabait, matalino, maganda, masayahin, maganda, kalog at higit sa lahat...MAGANDA. yun lang naman..

"at bitter rin, friend".. trip ba talagang manggulat ng babaeng to?

"mind-reader ka ba?"

"mind reader ka dyan! anlakas lakas ng bulong mo tas nagtataka ka pa?" thinking out loud? tsk.

Sabi nila BITTER ako. pero sa totoo lang tingin ko naging BETTER lang ako. nadala na ata sa mga nangyari sakin. buti na lang talaga may mga kaibigan ako.

speaking of kaibigan, yung taong kanina pa nang-aagaw ng moment dito ay si Kate Janneth.. NAPOLES. CHARING! OKay seryoso, sya si Kate Janneth Perez. Sya yung tunay kong bestfriend, sya yung nagcheer-up sakin nung mga panahong down na down ako, Sya yung nagmulat sakin nung mga panahong nagbubulag-bulagan na ko.... wait, MULAT?! BULAG-BULAGAN?! ANLAYO ATA XD.. whatever.. kaya kahit Luka luka yan, mahal ko Yan

" Ano friend, okay na? tapos na ang pamomoment?! Pwede nang makinig sakin?!" wait... sinabi ko bang Kaibigan ko yan?!

"Ano ba kasi yun?!"

"Wait, CR lang ako sa baba"

One minute...

Three minutes...

Five minutes...

At dahil sa kainipan, napagpasyahan kong sumunod na sakanya sa baba. Nung nasa may hagdan na ko, kinuha ko ying phone ko para itext si Kate.

*boooogsh*

Nilingon ko ang  walang modong drakulang bumangga sakin.

"Hoy! Para lang naman sa kaalaman mo, hindi ako nangangain ng taong nagsosorry!"

Tumigil sya sa mabilis nyang paglalakad pero di lumilingon..

"Ganon?!"

"Oo, ganun!"

"Ahhhhh" sabi nya at itinuloy ang paglalakad.

"Hoy, kinakausap pa kita, wag kang bastos!"

"Ang bastos nakahubad." Anak ng meant to be! Angsarap lang magtapon ng bangkay sa taal volcano ngayon!

"HINDI LAHAT NG NAKAHUBAD, BASTOS AT HINDI LAHAT NG BASTOS NAKAHUBAD!" Napasigaw na lang ako sa sobrang inis. JUICE COLORED -_-

Napakamot na lang sya ng ulo at lumingon.

"Look, Ms. Whatever-your-name-is, nagmamadali ako tapos may taong ENGOT na nagcecellphone sa may hagdan na kung hindi ko pa dadanggilin ay malalaglag na sa may Drills dahil paliko na uung dadaanan, dire-diretso pa rin tapos gusto na kong magsorry?!. Dapat nga magpasalamat ka sakin eh!"

Eeerrr.. may point sya dun!

"Fine! Ako na ang ENGOT! Lagi naman eh" ayan ahhh.. nagpakababa na ako mg pride. Siguro naman ngayon, magsosorry na sya..

"Oh see! Ang galing ko talaga!!!" Aba't---

"Syempre magaling ka, wala kang sakit eh!!"

Mapasimangot na lang sya dahil nabara ko sya, pero bigla syang nagSmirk sabay sabing

.

.

.

.

"Hindi lahat ng MAGALING, WALANG SAKIT. At hindi lahat ng WALANG SAKIT, MAGALING."

BitterSweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon