Chapter 4

15 1 0
                                    

Blaze's POV

" Ooohhh! Yes! Talo ka na naman. Heheheh..." Naglalaro kase kami ng Xbox ni Kenzly. 3-0 ang labanan at in favor syempre sakin.

" Pinapascore lang kita dude! Kase mamaya tambak ka na sakin. Hahaha!" ganti niya sakin

" Tara, kain muna tayo." Ako lang kase magisa dito sa bahay dahil palagi naman wala si Papa kase busy sa mga bussiness nya. Pero may Yaya at driver naman ako na kasa-kasama rito. Kaya tinatawagan ko si Kenzly para naman di ako mabored.

Siya ang bestfriend ko since elem. at alam niya lahat ng sikreto ko.

" Bro, ano nga pala nangyari sayo kanina *mumm e diba maaga kita tinawagan?" tanong ko habang kumakain ng carbonara (my favorite)

" Ah kanina kase may babaeng binabastos dun sa kanto malapit sa school natin, kaya yun tinulungan ko" sabi niya

" Ah." Naalala ko tuloy yung babaeng nakasabay ko sa jeep.

" O bro, What's with the smile?" napansin niya pala. Tinignan niya ko ng nakakaloko

" Wala. Kase kanina nagcommute lang ako..."

Di natuloy sasabihin ko dahil " Talaga bro? Nagcommute ka?!"

First time ko talagang magcommute sa buong buhay ko e kase lagi naman ako hinahatid o di kaya ako lang magisa ang nagda-drive. Pero dahil coding kanina at gusto ko rin talaga maexperience na magjeep

" O ba't di ka makapaniwala? Gusto ko lang ma experience. Tsaka coding e!"

" E yung tungkol naman sa nginingitian mo?"

Minsan may pagka chismoso talaga tong so Kenzly. Di mo sya matatakasan!

" May babae akong katabi tas nakatulog siya sa balikat ko, di ko nalang pinansin then nung nagising siya ay Bigla ba naman ako sinigawan at kung anu ano na sinabi sakin!"

" And now nakahanap ka na ng katapat. Anu ginawa mo?" - sabi niya

" Syempre di ako nagpatalo kahit babae siya. Mukha nga nainis sakin. Ang panget niya lalo na kapag naiinis. Hahahah!" Nakakatawa talaga

Kenzly's POV

" Di ka ata kilala nun! Hahaha. Pre, napansin ko lang na ngayon ka lang ulit nagopen  ng topic about sa babae. After 5 years ..." Sabi ko

Kung kanina nakatawa siya bigla nalang nagiba...

Ayaw niya kase pinaguusapan ang tungkol sa past niya. Masyadong masakit and nangyari sa kanya. Matagal siya di naka move-on at aminin ko na di ko siya gaano natulungan noon. Hanggang ngayon ay di niya parin nakakalimutan kaya kapag malungkot o kailangan niya ng karamay ay dinadamayan ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Other GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon