Chapter Forty Eight

2.9K 57 0
                                    

Sophie's POV

"Sorry Mamita gusto pa sana namin mag'stay kaso may aayusin kami sa Manila" sabi ni Nikki sa Lola ni Tristan "It's Okey darling naiintindihan ko kayo mag iingat kayo sa byahe ha" sabi lang nito.

Ng nakapag paalam na kami sa kanya ay sumakay na kami sa sasakyan na sinakyan namin nun papunta kami dun, tahimik kaming tatlo kasi until now di namin maintindihan kung ano ang nangyari, bakit nangyari di ko matanggap ng ganun ganun lang nawala ang pinaghirapan namin.

"Ang lalim niyan ha, baka malunod tayo" pambabasag ni Lance sa katahimikan namin tatlo "Everything will be Okey" pangaalo naman ni Tristan at umakbay sa girlfriend niya at hinalikan pa ito sa gilid ng ulo, ngumiti lang kami sa kanila.

Sumadal ako sa bintana at pumikit sumasakit ang ulo ko sa nangyayari di ko mainitindihan sana mali sila na isa sa mga staff ang gumawa nun sana hindi sa kanila, SANA!

Dumilat ako kasi parang may nakatingin sakin, pagdilat ko si Drei nakatitig sakin may gusto yata siyang sabihin pero bago pa siya magsalita napayakap na ako sa kanya at naiyak di ko na mapigil ang bigat ng nararamdaman ko "Sssshh stop crying magiging Okey din ang lahat maniwala ka sakin" sabi lang ni Drei na nakayakap din sakin.

Naririnig ko din si Ella at Nikki na umiiyak na din sila, kanya kanya naman alo samin ng mga kasama namin ng nahimasmasan kami natahimik kami dumertso kami sa bakeshop para icheck ang nangyayari.

Nakarating kami sa bakeshop at nanlulumo ako sa nakita ko sa labas mukhang walang nangyari pero iba pag pasok sa loob basag ang ilang lagayan ng cake gulo gulo ang lamesa at upuan sa office namin ang table ko ang gulo tapos kita ang pinilit buksan ang table ko ganun din kay Nikki at Ella sa kitchen halos nalimas ang mga gamit para sa pagbabake yung mga ingredients namin nakakalat sa sahig at ang cabinet na lagayan ng mga important files namin eh nasira din at ang volt namin sira at wala ng laman.

Nanlulumo ako napaupo at di ko alam kung san kami ulit magsisimula ang itsura ng bakeshop ay obvious na sinira ang gamit sa loob di ko alam kung bakit yun ginawa, bakit ganun wala naman kaming nakaaway di ko na alam kung bakit.

Tumabi sila Nikki sakin at yumakap hinawakan ni Ella ang kamay ko at sabing "Babangon tayo girls" at pilit na ngumiti kaya pinilit din namin ngumiti ni Nikki

"Nakakusap na naming ang isang pulis nakatakip sa mukha ang pumasok dito base sa CCTV" sabi ni Kuya "Don't worry baby hahanapin natin ang gumawa nito di tayo titigil" sabi ni Kuya at ngumiti sakin kaya napayakap ako ang swerte ko talaga sa kapatid ko.

"Ms. Sophie" lapit ng mga staff namin sa akin mangiyak ngiyak sila kaya pati ako emosyonal ako sa nangyayari kasi at isa pang dahilan ang idea na isa sa mga staff namin ang may gawa nito kaya lalo ako nalulungkot pamilya kami pero bakit kelangan ganto ang mangyari.

Yumakap sakin ang mga babae na naiiyak "Sino kaya ang gumawa nito?" Malungkot kong tanong sa kanila "Ms.Sophie....di....po...di po sa nagbibintang kami ha" simula ni Xyra tumingin muna sila sa isa't isa, lumapit na din sila Nikki at Ella "Continue Xy" sabi ko "Si...ano po kasi...si" medyo nanginginig niya salita "Guys, we need your cooperation para maayos na natin to Please!" sabi ko sa kanila kaya huminga sila ng malalim at "Si...Kuya Meng kasi po naalala ko po nun nakaalis na kayo papuntang Pampanga, nakita ko siya palabas ng office ni Ms. Nikki kaya tinanong ko siya pero sinigawan niya ako a sinabihan wag ko daw siya pakialaman nakakagulat po yun kasi di naman po ganun ang pagkakakilala ko sa kanya tahimik nga lang po siya diba? Pero bakit po siya nasa office ni Ms. Nikki" sabi ni Xyra

"Tsaka po nun pauwi na kami kagabi nagpaiwan po siya saglit eh nakalock na po ito kasi kasabay namin sila Sir Miguel paglabas at nilock ang sabi niya lang po na may hihintayin siya" sabi ni Nikos

"Tsaka Ma'm nakita ko po yung CCTV di po sa nagbibintang ha mukha po siya yung tao dito nang gulo" sabi ni Mang Ben na isa sa security guards namin.

"Di pa natin nakikita ang CCTV Sis" sabi ni Nikki "Let's check it nasa kamay na ng mga pulis yun "Thank you guys ha! Pero sana mali yun no mabait ang pagkakakilala ko kay Meng di ko makuha bakit ganun ang ginawa niya" sabi ko na lang.

Nagsimula na din kami maglinis sabi naman ng pulis pwede na. Medyo nagulat kami sa pagdating ni Meng "Good...goodmorning po!" Bati niya samin kaya ngumiti lang ako, mukhang di niya pa alam na siya ang suspect pero sana mali kasi isa siya sa mataggal ng staff dito sa bakeshop mas matatanggap ko kaagad kung outsider ang nagnakaw.

Tumawag si Kuya "Baby kompleto ba ang staff mo diyan?" Tanong nito "Yes, Kuya Why?" Tanong ko naman " Baby listen wag kang magpapahalata kasi baka mahalata ka ng suspect wala kang papaalisin ha papunta na kami" sabi ni Kuya "A-alright!" Sabi ko na lang nanlulumo ako ibig sabihin isa nga sa kanila.

Kumilos ako ng natural lang, maya maya dumating sila Kuya, Ate Krista at Drei magkakasama pala sila, sumunod dumating ay sila Tristan, Lance, Nico, Marco at James kasama sila Ash, Mags at Alex medyo nagulat ako "Oh kompleto tayo" biro ko sa kanila "Si Attorney kasi tinawagan ako kaya napasugod kami dito" bulong ng Ash.

Dumating na ang mga pulis at agad sinalubong ni Nico ang mga ito agad nilang nilapitan si Meng "Sumama ka sa amin ng maayos" rinig kong sabi ng pulis "Ma'm wala akong alam di ko alam ito hindi ako!!" Nagpipiglas niyang sabi tumingin kami nila Nikki sa kanya di ko ineexpect siya talaga pero bakit? "Ta**na bitawan niyo ko!" Sigaw nito nagwawala talaga siya kaya medyo nagpanic kami nagulat kami kasi nakakawala siya kasi nasipa niya at isang pulis at nabalya niya ang isa pa bigla siyan may binunot sa bag niya na kinagulat namin "Baril!!" Sigaw nila at narinig ako ng putok at nagulat ako at napahawak ako sa bandang tiyan ko na parang may mainit pag hawak ko may dugo at narinig ko na lang sigaw ni Nikki

"Si Sophie natamaan!"ang all went blank.....


Enjoy Reading Guys ;)

LOVE LOVE LOVE

My Destiny (COMPLETED) Major Editing!Where stories live. Discover now