Observation 2

170 5 2
                                    

 Observation 2

Life

Maraming klaseng bagay ang nagpapasaya sa ibat ibang tao...

Noong bata ako kung tatanungin ako kung ano ang pinaka-importante sa akin siguro ang isasagot ay laruan.

Pero syempre iba't iba tayo ng opinyon.

May mga taong mahilig sa pera; sila yong mga workaholic at laging focus sa pagtattabaho para magparami ng pera o di kaya naman ay para sa pamilya nila o di kayay para sa mga luho nila sa sarili.

May mga gumagawa pa nga ng masama para magkaroon lang ng maraming pera, dahil sa kahirapan o dahil gusto lang.

Mga materyal na bagay... ito ang problema lalo na kung hindi ka kontento kung ano ang meron ka.

Affection; may mga taong pagmamahal ng mahal nila sa buhay ang lagi nilang hinahanap at ito ang nagpapasaya sa kanila. As long as nakikita nilang masaya ang mahal nila sa buhay ay okay na sila.

Longing and attention; mga taong kulang sa pagmamahal, naghahanap at hindi kontento.

Pain from other people; oo may mga ganung tao... masaya sila kung may nasasaktan sila o di kayay may mas mesirable ang buhay kaysa sa kanila.

My life is pretty boring kaya i always do my best to find thing that will make my day more interesting. That's why going to school is one of my favorate. What?! School? What's wrong in liking school? I mean wala naman sigurong masama hindi ba? Sa school kasi maraming kang taong pwedeng matutunan at makilala...? Kung yon ang hanap mo, in my case kasi hindi ganun! 

I’m not here just to learn! 

I like school dahil sa mga estudyanteng pumapasok at sa mga dramang dala nila or dramang gagawin nila sa school. Oo. It is much more fun and interesting kesa sa mga drama or movie sa TV. 

For example ngayong araw na to, pagkapasok ko ng school sa room ay agad kung napansin ang magbestfriend na si Kristin at Ara.

'Oh my gosh,,,Alam mo ba kagabi na txt na ng txt ang boyfriend ko?' Kristin said

'Wow...grabe naman yan..Pero at least txt lang e ang boyfriend ko halos every night ay tumatawag sa aken.' sabi naman ni Ara

O eto na...payabangan na ng dalawang to.

'Really? Wow, ang sweet naman nya para tawagan ka every night. Sana ganyan din ang boyfriend ko.' sabi ni Kristin ng nakangiti pero halos mag-twitch na yung ngiti niya.

1 point for Ara.

'Hay naku okay lang yan friend..Mamaya pala hindi ako makasasabay na umuwi kasi ihahatid daw niya ko.' sabi ni Ara. 'Ganun ba? Okay lang may lakad din kasi kami sa Royals Restaurant.' sabi ni Kristin. 

Oi, All ONE ang dalawa.

Royals Restaurant ay isang sikat na restaurant na halos mga mayayaman ang kumakain kapag kakain ka doon kelangan may reservation.Talagang hindi mawawala ang payabangan pagdating sa mga magkakaibigan, may mga ayaw patalo at gusto ay mas nakaka-angat sila sa iba. Nakakatawa lang ito minsan lalo itong dalawa na ito. 

Syempre hindi lang yang dalawang yan ang napansin ko... Marami pa. Gaya ni Karl or should i say Karla, last 3 months ko nalaman na hindi sya straight nang aksidente kung nakita yung notebook niya na may nakasulat. Karla love Eric.This guy is good in his acting...if i never saw his notebook iisipin ko kung bisexual siya or straight talaga. It's better if he keep it a secret for now, lalo na kung hindi mo kaya ang mga tukso and mockery ng ibang tao. Wala naman masama kung ikaw ay bakla ang problema lang may mga taong makikitid ang utak at hindi open minded.

Pero syempre ang pinaka the best sa lahat ay sina Angel at Rika...excited na ako kung anong mangyayare sa dalawang to, lalo na sa nangyare yesterday. Sa tingin ko magiging love triangle to... or maybe sa panangin ng isa sa kanila.. Alam niyo na...pagdating sa pag-ibig maraming nabubulag dahil sa misunderstanding. Well, wala namang love confession na nanyare para magkaroon ng love triangle pero sa tingin ko sa paningin ni Angel ay may ganung nanyayare. 

I'm really honor to have this opportunity to observe this privately, parang VIP nasa front seat row ako. So what do you think? San ka pa makakakita ng realidad na nanyayare sa buhay? Kaya mas prefer ko ang obserbahan ang mga tao sa paligid ko dahil ang reaction nila ay unexpected minsan hindi gaya sa mga TV.

Tumayo ako sa upuan ko para lumabas at makapagsulat sa labas, mejo maingay kasi sa loob saka para magawa narin in advance yong assignment hindi ko natapos. Kelangan mag-aral dahil pag bumaba ang grado ko siguradong makakatikim ako ng sermon sa magulang ko lalo na si Nanay. After kung nagsulat ay bumalik agad ako sa room pero may nakabangga ako kaya nahulog yung mga dala ko. 'Ah..Sorry.' hinging paunmanhin ko ng hindi tumitingin sa nakabangga ko saka pinulot yong mga nahulog kung gamit at naglakad palayo. 

Vacant period

'Angel..pwede paturo sa Math?' tanong ni Rika, may long quiz kasi kami sa friday at dapat makapasa dahil big point ito para sa grade. Nasa bandang 3rd last row si Angel si Rika naman ay sa gitna ang upuan. Kaya nasa row ko si Angel at isang upuan lang ang paggitan namin. Matagal bago lumingon si Angel at tumango ito. Magkatabi ang dalawa at nag-eexplain si Angel kung ano ang dapat ireview. 

Habang ako? Hinahanap yong notebook ko kung saan nakasulat yong mga na-obserbahan ko. Arghhh...Asan na ba? Hindi ko naman siguro nahulog yun no? Dahil if ever na ganun ang nayare at may nakapulot ay lagot ako. Hinalukay ko ang aking bag at wala talaga akong makita kaya mejo kinabahan ako. 

Maya't maya ay biglang may sumigaw at nag-crash na upuan...'BAT BA HINDI MO MAGETS?! ILANG BESES KO NA INULIT SAYO!!!!' sigaw ni Angel at si Rika naman ay bakas ang pagka gulat habang nakatingala kay Angel na nakatayo. Tumayo si Rika..'S-sorry.' sabi nito saka patakbong umalis ng kwarto, namumula ang mukha nito noong ito ay lumabas habang naiwang nakatayo si Angel na may halong guilty at galit ang hitsura niya at nagbago uli ang expression nito...

Shame? Is that shame that i'm seeing in her face right now?

Napatingin ako sa dako ng tingin niya kung saan nang-gagaling sa pinto.. Eric Guevara, nakatayo ito sa may pinto habang nakatingin kay Angel na may pagka-bigla. Hindi pumasok sa loob si Eric at tuluyan itong umalis dahil may tumawag dito na classmate nito

Binalik ko ang tingin ko kay Angel, she looks so defeated na para bang pasan nito ang mundo. She's regreting what she did for sure... obvious sa mga mata niya lalo na ang expression ng mukha niya. 

'Wow. Nabigla ako doon.' rinig kong sabi ng isa sa mga lalaki na classmate namin

'Oo nga eh, si Angel ba talaga yung sumigaw kanina?'

'Oo pre. Hindi ko yun ine-expect.'

Bumalik sa pagkakaupo si Angel matapos ayusin yung upuan na natumba.

 Kahit mga taong hindi mo gaanong kilala ay may ine-expect na sa iyo dahil sa mga nakikita nila sayo, for Angel ine-expect nila siguro na hindi ito palasigaw at mapasyensa. Kaya nakakita sila ng out of character s ataong mejo kakilala nila ay big deal na agad sa kanila.

Ngayon ko lang nakita na nag-away ang dalawa, never ko kasing nakitang nag-away ang mga ito and to think na mukhang dahil sa lalaki ang magiging dahilan. 

'Now, this is getting more interesting' sabi ko

'Not interesting as you' napatingin ako sa may-ari ng boses...

Seth Guevara... Gwapo nito pero walang nag-aapproach dito dahil natatakot sila, pano naman kasi tuwing may lumalapit ay sinisimangutan o di kaya binibigyan ng masamang tingin ang mga nagbabalak na lumapit.... Pero hindi yong ang napansin ko ngayon dahil ang umagaw ng atensyon ayyung hawak niya sa kamay niya.

My notebook.

Oh heck!!!

Bat asa sa kanya ang notebook ko na iyan? Hindi naman niya siguro binuksan ito noh? Pero sa sinabi niya mukhang nakita niya ang nilalaman ng notebook. 

Meet The Observer ONHOLDONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon