DEAR FUTURE BOYFRIEND

8 1 0
                                    

JANINE POV.

Nandito ako ngayon sa field ng school nakatago sa puno na malapit sainyo at pinapanood kang maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan mo.

Ang galing mong maglaro at Ang hot mo parin kahit basang basa ka na ng pawis, kaya maraming nagkakagusto sayo eh.

Hayst at Alam kong Isa na ako doon, lahat na nga ata ng babae sa buong campus ay nahumaling na sa ka gwapuhan mo eh. Kaya feeling ko Ang dami Kong kaagaw sayo.

Pero kahit na ganoon Hindi parin ako mawawalan ng pagasa na magiging tayo, pero Hindi ko sinasabing magiging tayo talaga.

"Bes,ano ba yan... Umamin kana kasi Hindi Yung nagmumukha ka nang stalker dyan"

"Ayy pusang gala!"

Aytt...nu bayan akala ko nakita na nila ako. Manggulat ba nmn kasi eh..
"Bakit kaba nang gugulat ha?" medyo iritado kong tanong sakanya.

"eh malay ko bang magugulat ka" sabi nya na may kakaunting pangaasar.

Hindi ko nlng ito sinagot bagkus tumingin nlng sa kaninang tinitignan ko at ikaw iyon...

Ikaw na taong mahal na mahal ko...

Ikaw na taong pinapangarap ko..

At ikaw na taong imposibleng mahalin ako....

"Huy,tingnan mo bes oh may malanding umaaligid sa ultimate crush mo" sabi nito habang nakaturo ang kanyang daliri sa field ng may biglang babaeng tumakbo sayo at bigla kanalang inakap.

Sya yung babaeng nakasabit sa braso mo nung nasa cafeteria kayo at yung babaeng kasama mo nung nasa park kayo..... (TT)

Yung babaeng hinalikan mo sa noo at yan rin ang babaeng
sinabihan mo ng i love you ..

Nakita kitang bigla nalamang napangiti nung makita mo sya...
Ngayon lang kitang nakitang ngumiti ng ganyan...

Yung ngiting yan na gusto ko na ako ang magiging dahilan..

Pero iba eh,iba ang naging dahil kung bkt ka ngumiti ng ganyan.
Masakit mang tanggapin pero sya,sya eh at hindi ako.

Tumingin ako sa inyo ng matagal at inobserbahan kitang mabuti,inobserbahan kita kung gaano ka kasaya,inobserbahan ko kayo kung may totoo nga kayong relasyon pero nasaktan ako sa naging resulta ng pag-oobserba ko..

Kumirot ang puso ko at bigla nalamang tumulo ang mga luha ko na syang kanina ko pa pinipigilan...kasabay ng pagtulo ang pagsigaw mo na syang nagpahagulgol na nang tuluyan saakin.

"SA LAHAT NG TAO DITO NGAYON NA NANUNUOD NAIS KO SANANG IPAALAM SA INYO NA ITONG BABAENG KATABI KO NGAYON ANG SYANG BABAENG MAHAL NA MAHAL KO.."

Hindi ko na ito tinapos pakinggan dahil nasaktan na ako nang sobra sobra kaya tumakbo nlng ako ng tumakbo at hindi pinansin ang pagtawag saakin ng kaibigan ko..

Hindi ko alam kung saan man ako dinala ng mga paa ko pero namalayan ko nalang na nasa garden na ako...

Napa iyak nalang ako ng maalala yung mga nangyari sa field kanina. Alam ko namang malabong mapasakin sya eh pero ang sarap kasi isipin eh..

Yung tipong ikaw lang ang sasabihan nya ng i love you.

Yung yayakapin ka nya ng mahigpit na para bang kapag binitawan ka nya may kukuha sayo..

Pero parang imposibleng gawin mo yun sakin, dahil meron kanang taong mahal at ang masaklap ay hindi ako iyon....


DEAR FUTURE BOYFRIENDWhere stories live. Discover now