Maldita (1)

3.4K 158 87
                                    


Chapter 1 - THE START

(written in 2nd person's POV)

"Tama na! Tigilan mo na kami, please lang.. Nakakasakit ka na!"

Naaalala mo ba?

Sinabi mo sakin yang mga katagang yan. Pero hindi na dapat ako magulat sa sinabi mo, sanay na ko eh. Halos lahat ng masamang pangyayari, sakin mo sinisisi.

Ganon ba ako kasama sa paningin mo?

Mahal lang naman kita..

Naaalala mo ba dati?

Nakaupo ka nun sa armchair mo. Tapos.. hindi ka lumilingon sa iba. Parang may sarili kang mundo. Laging walang ekspresyon ang mga mata mo, malungkot ka.

Sikat ka dahil sa cold na pagtrato mo sa lahat.

Ako, lagi lang nakamasid sayo. Hindi ka kasi lumilingon kahit anong gawin ng mga klasmeyt natin. Naka-pwesto ka sa unahan ng seating arrangement, ako, sa may tabi ng bintana, second to the last.

Hindi mo siguro pansin 'yun no?

Na lagi kitang tinitignan. Lagi ko pinagmamasdan yang mga mapuputi mong pisngi. Lagi kong tinitignan yang batok mo na minsan ay hinahawakan mo para imasahe. Pagod ka siguro.

Natutuwa ako pag ginagawa mo yun.

Kasi mukha kang simpleng tao lang.

Ako?

Simple lang naman ako. Walang espesyal sakin. Wala din masyadong nakakapansin sakin. Kasi, wala naman kapansin-pansin sakin.

Tapos ikaw,

Sobrang sikat mo kahit wala kang kinakausap.

Ni hindi ko pa nga naririnig boses mo niyan eh.

Ang misteryoso mo. Pero sa tingin ko, isa yan sa mga nagustuhan ko sayo. Tahimik ka lang. Walang pakielam sa iba. Ang gusto mo lang, simple. Simpleng buhay. Kaya tahimik ka.

Daily routine ko na 'yun. Hindi mo napansin no?

Pag klase, minsan sayo lang nakatingin ang mga mata ko. Inspirasyon kita. Kahit na, malabo mo akong kausapin. Scratch that. Ni hindi mo pa nga ako nakikita eh. Kahit magkaklase tayo, hindi malikot ang ulo mo. Lagi lang yung nasa harap. Hindi lumilingon.

Kaya nga nagulat ako.

Nagulat ako ng isang araw habang nakatitig ako sa mga buhok mo, lumingon ka.

Oo, lumingon ka.

KONTRABIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon